Frozened Heart 2

41 0 0
                                    

Chapter 2


Kukunin ko sana yung libro ko sa locker ko ng pagbukas ko ay may nahulog na kapirasong papel. Alam ko na kung kanino galing to'.

Cheer for me, Kench.
-C.J. Elizalde '

Paano naman ako chi-cheer sa kanya' ? Wala akong talent dun. Pumunta ako sa canteen para naman makapag-isip. Lam' niyo na pag may pagkain, parating may laman ang utak.



"Problemado ka yata tol' ah." Sabay upo ng dalawa sa harapan ko.

"Paano kasi, she wants me to cheer for her. Alam niyo namang yun ang pinaka-ayaw kong gawin tol'. Tsaka I don't have that talent, nakakainis! " reklamo ko sa kanila.



"Do you want to be friends with her?" tanong ni Rio. Sino ba namang ayaw maging kaibigan siya, ano?



"Ano bang klaseng tanong yan tol'? Syempre naman."



"Eh diba' sabi niya magiging magkaibigan lang kayo pag ginawa mo lahat ng gusto niya." Eto na naman si Rio.








"Kaya ako sa iyo tol' , mag sout ka ng cheerdance costume tapos isigaw mo ang pangalan niya sabay taas ng pompoms. Gaya neto'." Tapos ginawa niya yung sayaw na pang cheerdance. Nakakahiya!








"Tumigil ka nga Jack, para kang bakla. Nakakahiya sa mga chix oh." Tumigil si Jack at tumingin sa paligid. Lahat nakatingin na sa kaniya, bigla nalang siyang umupo dahil sa hiya. Napakamot nalang si Jack sa batok niya, mga kaibigan ko talaga.








Kailangan ko ba talaga gawin yun? Mapapahiya ako dun. Pero mahal ko kasi si Chesca, at ayaw kong magtampo siya sa akin. Kaya gagawin ko to' , kahit na masira ang image at pangalan ko sa campus. Basta para kay Chesca, gagawin ko lahat.





"Basta't tulongan niyo ko ."



----------------------



Nandito na ako sa field ngayon, kung saan gaganapin ang game. Chesca is a football player and a rugby player, she's the coolest football and a rugby player sa school. Kaya mahal ko siya, aside from her looks she's also physically healthy and sporty. Hinahanap ng mga mata ko ang magaganda niyang mukha. Nasaan na kaya siya?





May biglang lumapit na lalaki sa amin. "Hinahanap niyo ba ang pwesto ng mga cheerleaders? Sorry babe, pero hindi iyon dito. Sa kabilang corner." at mas lumapit sa akin, and the next thing I knew he squeezed my butt' . And umalis na sila. Akala siguro nila mga bakla kami, nakasuot kasi kami ng cheerdance costume. Sabi kasi nung babaeng nakausap ko kanina, para effective daw yung gagawin ko at maappreciate ng girl.









Loko' yung mga gagong yun ah! Ayaw ko pang gumawa ng eksina, kaya dumiretso nalang kami sa direksyon na tiniro ng mga gagong iyon kanina. Kinontsaba namin ang mga cheerleaders sa gagawin namin. Gusto ko marami kami gagawa para hindi talaga sobrang nakakahiya.







Sa kalagitnaan ng game naramdaman ko ang pagod ng mga players, siguro ito na ang tamang panahon. Kaya sinimulan na namin ang pag cheer sa kanila, lalong-lalo na kay Chesca.



"We gonna C.H.E.S.C.A. ..... Gooooooooooooo CHESCA!! Fight fight fight!" Inuulit-ulit ko lang ang ginagawa ko, naramdaman ko ang spirit ng ginagawa ko ng biglang may nag bato sa akin ng bola. Tiningnan ko kung sino ito' and I was shocked.




"Hey you idiot! Stop dancing and cheering like an idiot. You're just making a scene here. Are you not ashame of what you are doing right now? Watta shrimp! Go out now!" Dali-dali akong umalis sa field, napahiya at nasaktan lang ako sa kabila ng lahat ng efforts ko. Okay lang, naintindihan ko siya. Baka hindi ganoong cheer ang gusto niyang gawin ko. Baka iba, hindi ko lang maintindihan. Sa susunod susubukan ko ng intindihin. Sa susunod...







"Tol' ayos ka lang?"



"Oo naman Jack, hindi siguro niya gusto and cheer na ginawa ko. Baka iba, pero di ko naintindihan. Sa susunod susubukin kong intindihin."






"Natamaan ka na talaga Elvin, matindi na iyan." Napangiti ako sa sinabi ni Jack, matagal na akong natamaan ngayon lang lumala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Frozened HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon