Chapter 1
"Tol, may nagpapabigay sa iyo." Inabot sa akin ni Jake ang kapirasong papel. Ano' naman kaya to'?
"Parang may admirer ka na Elvin ah." Isa pa tong' si Rio eh.
"Sira ulo."
Napailing nalang ako sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko. At napatingin sa kapirasong papel na dala ko. Ano kayang laman nito? Matingnan nga natin' .
Meet me.
-C.J.Elizalde'I know who is this girl. Did she just notice me ? Unbelievable .
"Oh tol' kanino daw galing yan?"
"Tol, galing kay Chesca to' ." Nakangisi kong sabi sa kanila.
"Niloloko mo naman kami tol' . Ikaw mapapansin nun'? "
"Oo nga, sa tagal tagal mong paglalagay ng sulat sa locker niya. Ngayon ka pa niya napansin? Impossible naman yata yan tol'. "
"Kung ayaw niyo maniwala, edi wag kayong maniwala. D' ko naman kayo pinipilit e. Basta alam kong si Chesca to'. " Umalis ako at iniwan sila doon. Ayaw nilang maniwala sa akin' porket ba hindi niya ako pinapansin noon, e hindi niya pa din ako mapapansin ngayon? Pwede namang magbago yun diba'?
Paano ko ba nalaman na si Chesca tong' nagbigay sa akin ng sulat na ito? Simple lang, noong huli ko kasing sulat na binigay sa kanya' ay tinanong ko siya kung kailan ba talaga kami magkakakilala. Excited na akong makita siya, at makilala pa.
Sino ba si Chesca Jane Elizalde sa buhay ko? Hindi pa rin' ba obvious na gusto ko siya? Na matagal ko na siyang mahal. Hindi man bagay sa isang Elvin Kench Ruiz ang maglagay ng sulat sa locker niya bawat oras ay ginagawa ko pa rin'. Nataman ng pag-ibig eh.
Teka, saan ko naman siya makikita ? D' nya naman nilagay sa sulat niya e. Mahanap nga kung saan siya.
---------------------------
Ilang oras na din akong naghahanap sa kaniya dito sa campus, pero wala pa rin akong makitang Chesca Jane Elizalde sa paligid . Asan' ka na ba my loves ?
"You're 2 hours late." May nagsalita sa likod ko? Sino naman?
"Chesca." Hindi ako makapaniwalang kilala niya ako.
"Kench, I've waited for 2 hours. Saan ka ba galing?"
"I don't know kung saan tayo magkikita Ches. Kasi hindi nakasulat doon sa sulat na binigay mo sakin'."
"Nasa likod Kench. Nakalagay doon." Nakasulat nga ba? Napatingin tuloy ako sa sulat.
Oo nga, nakasulat nga. Tanga mo naman Elvin, d' mo tinitingnan nang maayos ang sulat.
"Sorry Ches, d ko kasi namalayan."
"Sa susunod wag mo na akong pa hintayin Kench, kasi pag ginawa mo iyon. D' na kita bibigyan pa ng pagkakataong maging kaibigan ako."
"Sorry ulit. Siya nga pala' Ches, paano mo ako nakilala?" Nang tinanong ko siya, nakita kong umiwas siya ng tingin at lumakad palayo.
"Ches..." Tumigil siya at hinarap ako. "Wag mo ng tanungin, hindi iyon mahalaga." At tumalikod uli , "Kench, kailangan mong sundin ang lahat ng hiling ko bago tayo maging magkaibigan. Okay lang ba sa iyo yun'?" dagdag pa niya.
"Oo naman. Basta ikaw, Ches." Patuloy pa rin siya sa paglalakad, " Sige mauna na ako. " tsaka tuluyan na siyang umalis.
Umuwi na ako pagkatapos nun. Pagdating ko sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko. At humiga sa kama ko, ang saya ng araw na ito Lord. Nagkakakilala na kami, pag magiging magkakaibigan na kami mas malaki ang chance na pwede ko na siyang ligawan.
Salamat Lord sa araw na ito.

BINABASA MO ANG
Frozened Heart
Humor"I did everything para lang mapansin mo ako. Pinahiya ko ang sarili ko sa maraming tao, dahil yun ang gusto mo. Akala ko mapapansin mo na ako, pero di' pa pala. Pinaglalaruan mo lang pala ako at inaabuso." - Elvin Kench Ruiz