one

1K 34 33
                                    

Year 2015


"ONE HOT VENTI WHITE CHOCOLATE MOCHA FOR BEA!"


Inaantok na napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig ang malakas na pagtawag na iyon ng barista saka tinatamad na nagtungo sa pick-up counter.


Sino ba ang nagsabing magpuyat ako? Naiinis na tanong ko sa aking sarili bago pilit na nginitian ang barista na nag abot sa akin ng inorder kong kape at saka agad na bumalik na din sa lamesa na inuokopa ko kanina sa sulok na bahagi ng Café na iyon.


Four hours lang ang naging tulog ko dahil sa napaka-pesteng report na tinapos ko para sa isang major subject na first subject ko kanina. Group project naman sana 'yon pero dahil napa-katamad ng mga naging group mates ko ay ako pa din ang gumawa ng halos eighty percent ng lahat lahat. Kung hindi ko lang talaga kailangan maipasa 'yong subject ko na 'yon hindi naman sana ako maghihirap ng ganito.


Humigop ako sa aking mainit na inumin sa pag-asang baka makatulong iyon para mawala ang sobrang panglalata at pagkaantok na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Pero halos mangangalahati na 'yon nararamdaman ko pa din ang antok.


Hindi ako pwede antukin sa susunod kong subject dahil terror ang Professor namin doon na si Sir Bernas. Noong last na na-late ako ng pasok sa kaniya ng three minutes lang naman ay hindi na niya ako in-allow na mag take ng quiz for that day. Ang unfair pero wala akong magagawa dahil Professor siya, student lang ako.


Natigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko, pahiwatig na may nag-text. Si Lucille. Hinahahanp ako.


I thought hard about responding to her. Kasi sigurado na kapag nagreply ako sa kaniya ay hindi na matatahimik ang kapaligiran ko.


Lucille is one of my best friends, girl best friend actually, dahil may nag claim na isang lalaki na mag best friend daw kami kahit na hindi ko naman matandaan kung kailan ako pumayag doon.


Nagpasya akong hindi nalang muna magreply kay Lucille at pinagpatuloy ang payapa kong pag inom ng paborito kong White Chocolate Mocha. Sorry but I need to be alone, dahil kailangan kong matanggal sa sistema ang sobrang pagkaantok na nararamdaman ko sa mga oras na 'to. I also need to ready myself para sa next na class ko.


Pero hindi yata planong mag give up nggaga dahil after ilang minutes ay nag simula ng mag ingay ang aking telepono bilang indikasyon na may tumatawag doon.


No one can stop Lucille. Dapat alam ko na 'yon since bata pa lang ay magkasama na kami.


Mag kapitbahay kami sa sa isang private estate sa Laguna, sabay kaming lumaki kasama pa ang iba naming kaibigan doon. The estate was developed by our parents who are best friends with each other. Ang mga Zapanta, Saavedra, Elizalde, Villavicensio at mga Madrigal. Halos kami kami lang rin ang mga magkakasabay lumaki ng magkakasama kaya we basically grow as brother's and sisters.


Ilang beses pa nag ring ang phone ko bago ko napag pasyahang sagutin. Kasi wala din naman akong choice dahil hindi titigil si Lucille sa pagtawag sa akin.

Things I Used To KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon