WHAT A PIECE OF SHIT. Bulong nang isipan ko matapos mai-send ang last na text na 'yon kay Jace.
Gaya nang napag usapan namin andito ako ngayon sa isang coffee shop sa Evia at hinihintay sila.
Ang magiging eksena lang naman daw is, kunyari, accidentally, makikita ko sila, and me as the fiancé will confront them. Yeah. Napakasimple. Just like the other times. But this time is totoong galit na yata talaga ako dahil sa tagal ng hinayupak. Naisipan pa yatang mag short time. Napaka hayop.
Napabuntong hininga ako habang hinihintay ang reply niya. Kapag hindi pa 'to dumating with in ten minutes aalis na talaga ako. I swear. Inis nang angal ng aking isipan.
Bored na inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Halos lahat ng tao na andito sa café ay may mga ginagawa, some are chatting with friends, some have their laptops with them doing what I think is office works or school works, some are just simply having their coffee while reading a book at 'yon iba naman ay mga nakatungo sa kanilang mga cellphone.
Samantalang ako, eto, malapit ng masagad ang pasensya sa lalaking sobrang late na sa aming usapan. Ang dami ko pa naman sanang gagawin pero isinantabi ko para lang sa kaniya.
Magkikita sana kami ni Simone ngayon dahil gusto niya magpatulong para sa research assignment namin sa isang Literature but I said I can't make it dahil may importante akong gagawin which now I regretted because of this asshole Jace Zapanta.
Malakas akong napabuntong hininga bago muling tinignan ang orasan sa aking cellphone. Five minutes. Five minutes na ang lumipas pero hindi pa din nagrereply ang hayop. Sobrang naiinis na ako, at alam kong halata na 'yon sa mukha ko dahil 'yong lalaking nasa harapan kong table na kanina pa nag papa-cute sa akin ay hindi na makatingin ng maayos.
My friends said that my face is very easy to read. And I hate it because I can't hide what I'm feeling. I feel like I'm an open book for everyone to read. Iyong kahit hindi ko naman close is alam if galit ako or nasasaktan which is like invading my privacy pero more on emotion ang usapan. Ah basta ayoko!
Naiinis na tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabas ng café na puno pa din ng inis ang systema.
Pero hindi pa ako nakakaabot sa pintuan ng makita ko mula sa glass mirror ang imahe ng demonyong lalaki mula sa kabilang panig nito na papasok.
Agad akong napaatras, at sa hindi ko malamang dahilan at bigla akong kinabahan. Ah shit.
BINABASA MO ANG
Things I Used To Know
Romance❝𝐒𝐨𝐦𝐞 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐬 𝐮𝐬 𝐰𝐡𝐚𝐭 𝐢𝐭 𝐡𝐚𝐬 𝐭𝐨 𝐭𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐢𝐬 𝐢𝐧 𝐚 𝐦𝐨𝐧𝐭𝐡. 𝐒𝐨𝐦𝐞 𝐚 𝐥𝐢𝐟𝐞𝐭𝐢𝐦𝐞. 𝐍𝐞𝐢𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐢𝐬 𝐦𝐨𝐫𝐞 𝐢𝐦𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐧𝐭 𝐭𝐡𝐚𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫.❞ 💜 © 2020 𝒊𝒂𝒎𝒔𝒖𝒑𝒆𝒓𝒚𝒉𝒆𝒏 Date S...