Chapter 1

58 2 0
                                    

[10 years ago]

It was the first day of school. Therese is, as she has always been, nervous.

Introvert kasi siya. Hirap siyang makipag-usap sa ibang tao kasi hindi niya alam kung paano maging friendly. Medyo mahiyain siya dahil sa pagkaka-alam niya, wala rin siyang sense of humor.

"You can do this, Tere. Just be friendly. For once. College student ka na!", sabi niya sa sarili.

"Hulaan ko, kinakausap mo na naman ang sarili mo no?"

Biglang nagulat si Therese na may nagsalita sa likod niya. Nung lumingon siya, nakita niya ang kaibigan niyang si Enzo na tawang tawa sa kaniya.

"Hay naku. Kanina ka pa ba diyan?"

"Yes girl, at kanina ka pa rin diyan na nakatanga so sure akong kinakausap mo na naman ang sarili mo", sabi nito na pinipigilan pa rin ang tawa.

"Kinakabahan kasi ako, girl. Hay ang hirap maging introvert."

"Kaya mo yan! Itaas mo ang ulo mo", utos ni Enzo na sinunod naman ni Therese.

"Ngiti. Yung labas yung cute mong dimples."

"Ganito?", tanong ni Therese sabay ngiti.

"Yan! Pak! Ganda! Alam mo kung ganyan lang ang ganda ko, matagal na akong rumampa sa harap ng crushes ko."

Ngumiti lang si Therese dahil alam niya na Enzo is trying to calm her down. Enzo has always been like that, Therese thought. He has always been her confidence booster.

"Sa tingin mo, Thadeus is watching over us?", bigla niyang tanong kay Enzo.

Hinawakan ni Enzo ang kamay ni Therese at pinisil ito.

"I'm pretty sure that he's watching over us from heaven."

Then Therese looked at Enzo. Smiled at him. And wished that he's right about Thadeus. Hinihiling ni Therese na sana ay ginagabayan nga siya ng kaniyang kakambal.

-----------------------------------------------------------------

Her first subject is Social Dance. Hindi niya talaga gusto yung subject na yun pero yun na lang yung may slot so kinuha na niya.

"Okay na rin, kaysa naman strip tease yung maging P. E. ko", sabi na naman niya sa isip.

Pumasok na siya sa gym dahil dun sila pinapunta ng professor nila on their first day. She scanned the crowd and was able to find her way sa class nila. She felt so awkward dahil wala siyang kakilala.

Matthew on the other hand saw her as she approached their class. Sa unang tingin, alam na niyang mahiyain ito.

"Pre, tingnan mo yung babae, parang may nakalagay na mabigat sa leeg, sobrang nakayuko", sabi bigla ni Louie habang tumatawa.

"Gago, baka mahiyain lang", pero tuluyan na rin siyang napangiti dahil naalala niya yung pelikulang "Shutter".

"Si Natre kaya yung nasa leeg niya?", tanong ni Louie na tawang tawa pa rin.

"Hoy, tumigil ka na. Napakasama mo talagang hayop ka."

"Parang siya hindi ngumingiti. Pero kapag tiningnan mong maigi, maganda siya ha."

"Ugok ka talaga. Unang araw pa lang, yan na agad ang hanap mo."

"Parang siya hindi."

"Hoy, may Ynna na ako", sabi ni Matthew.

"Na hindi ka kilala kasi nung highschool hanggang tingin ka lang. Hanggang ngayon kahit magkapareho pa rin kayo ng university na pinapasukan."

"Ay, di mahal ng nanay. Mapanakit", pabirong sabi ni Matthew. Ynna has been, and still is, Matthew's crush. He just find her cute and so feminine. Always giggling. That's Matthew's type.

Not like the girl who seems so shy and rigid. Mas gusto niya yung jolly and a ray of sunshine.

Then suddenly nakita niya na palinga-linga ito. Their eyes met and he almost panicked. Ayaw niyang isipin nito that she's his type.

Ngunit nagkibit-balikat lang si Therese. She looked away as if nothing happened.

"Uy may spark. Nagkatinginan", Louie teased.

"Gago", ang tanging nasabi ni Matthew.

-----------------------------------------------------------------

Nagsimula na ang klase at kabang-kaba na si Therese. She dreaded first days. Kailangan ng mga estudyante magpakilala and she hated it. Hindi siya mapakali.

"Hi, I'm Louie and I am taking Business Management."

Louie sat and Matthew stood para magpakilala.

"My name is Matthew Borromeo and I am also taking Business Management."

When it was time for Therese to introduce herself, she can feel the stare of her classmates. That made her more nervous. Naalala niya nung highschool na pinapagalitan siya ng teachers niya because her voice is too soft. Hindi raw marinig. Pero hindi niya magawang ilakas ang boses niya sa harap ng maraming tao.

She walked tentatively because she can feel her heart beating so fast.

"I'm Therese Guzman", she started pero bigla na lang siyang nablanko at hindi na niya alam kung ano nga bang sasabihin. She looked at her classmates and some of them are starting to laugh at her.

"How about your course, Ms. Guzman?", her professor asked.

Hindi na niya ito lubusang narinig. Kaya ang nasabi na lang niya ay:

"Yes."

Nagulat na lang siya ng biglang nagtawanan ang kaniyang mga kaklase.

"I mean, what's your course, Ms. Guzman?", her professor reiterated.

"Uhm c--course po. I--ahhh. I am taking Community Development po."

"Thank you, Ms. Guzman."

Bumalik na si Therese sa inuupuan niya. Gusto na niyang lamunin ng lupa.

-----------------------------------------------------------------

"Pare, gago. Tawang tawa ako", sabi ni Matthew. Kasama nila ngayon ang mga kaibigan nila nung highschool na sina Renz at Andrew.

"Lutang ata yung bago nating kaklase. Ang sabi ba naman 'yes' nung tinanong kung anong course niya", sabi ni Louie.

"Hoy. Kasamaan niyo na naman", sabi ni Andrew.

"Tsaka laging nakayuko. Nakakatakot tuloy", pagpapatuloy ni Louie.

"Yes siya e", Matthew commented na siya pa rin ang tawa.

"Ano nga ulit yung pangalan niya?", Louie asked.

"Hindi ko matandaan kasi ang hina rin ng boses niya e. Basta nakakatawa siya", Matthew said.

"Luh. In love na?", pagkakantiyaw ni Renz.

"Lul", was only Matthew's answer.

Hindi rin alam ni Matthew but that "yes" made his day a little lighter.

HAUNTING VOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon