Nag-ring ulit ang phone ni Matthew kaya sinagot na niya ito.
"Ano ba, bro. Wrong timing kang tumawag. Tukmol ka talaga", pasinghal niyang sabi.
"Tol kasi hinahanap ka nung presidente nung org natin", sabi ni Louie na nasa kabilang linya.
"Sabihin mo hindi mo alam kung nasaan ako."
"Nasaan ka nga ba?"
"Sa lumang org room. Nagtatago ako sa kaniya. Gusto ba naman akong isali sa model model na gagawin sa department natin."
"Wow. Huwag mo akong kakalimutan kapag sikat ka na ha", sabi ni Louie na tinatawanan lang ang sitwasyon niya.
"Sobrang hassle. Ang hirap talagang maging pogi", pagbibiro ni Matthew.
"Lul."
Tumawa lang si Matthew.
"Pero pre, may tumugtog kanina rito. Ang ganda ng boses. Parang anghel", pagkikwento niya.
"Sino?"
"Hindi ko alam e. Kasi nagtatago ako sa mga props dahil inaaya na naman ako nung presidente na yun. Tapos bigla kang tumawag, ugok ka. Nung tiningnan ko, wala na siya."
"Baka multo."
Oo nga no, ang nasa isip ni Matthew. Hindi na niya naisip ang maraming posibilidad dahil sobrang ganda lang ng narinig niyang boses.
"Pre baka nga. Gago, aalis na ako dito", sabi niya. Ngunit bago pa man siya maka-alis ay nakita niya ang isang bracelet sa ilalim ng keyboard.
"Nope. My angel is not a ghost", sabi ni Matthew. Because he is sincerely hoping that the bracelet he took is his Angel's bracelet.
He wants to know her. He wants to hear her sing again. He wants to know the name of the angel he just heard singing "Rewrite the Stars".
-----------------------------------------------------------------
Therese, however, is currently resting in Bleacher 13. Hingal na hingal siya kanina dahil sa pagtakbo and she could only wish that no one was able to see her.
"Hoy, anong ginagawa mo diyan!", panggugulat ni Enzo sa kaniya.
Sa sobrang gulat ni Therese ay muntik na niyang maitapon ang cellphone niya.
"Ano ba Enzo! Papatayin mo ba ako?"
"E kasi ang lalim ng iniisip mo", sabi nito sabay upo sa tabi ni Tere.
"Tsaka bakit parang pawis na pawis ka?", tanong pa ni Enzo.
At kiniwento na ni Therese ang pangyayari sa lumang org room.
"Girl, 'di kaya multo yun? Oh my God! Ang scary!"
"Sana nga multo na lang e", Therese said.
"Ay pinalaking sexbomb, matapang!"
"Kaysa sa meron ngang nakarinig sa aking kumanta?"
"E di mas okay para naman may makarinig sa angelic voice mo no! Kung ako ang may ganyang boses, minu-minuto akong magpeperform"
"You know I can't."
"You can't? Or won't?", tanong ni Enzo.
Therese, then, looked at her phone and saw that it was almost time for her first class.
"Ay, malelate na ako sa klase. Una na ako ha", pagpapaalam niya kay Enzo.
"Hay naku, evading the topic once again."
Nginitian lang ni Therese si Enzo at umalis na. Iniwan ang kaibigan niyang umiiling-iling pa. On her way to class, she felt that there is something wrong. Parang there is something missing.
Then she looked at her wrist ang saw that her bracelet is gone.
"Oh shoot", was the only thing she could say.
BINABASA MO ANG
HAUNTING VOICE
RandomWhat if the friendship (that might yield to a romantic relationship) that you longed for started with a lie? And as time passed by, you are more becoming aware that it will definitely haunt you. And you are too much afraid because you wouldn't know...