PROLOGUE

318 15 21
                                    

"Hello madlang pips! I am Curious Sitty Lacsamana! Alam kong kaya ako nabubuhay sa mundong ito para maging curious! Curious ako, for example itong table ni ma'am bakit tinatawag itong table? Na in tagalog pa ay lamesa? For example ulit, itong buhok ko? Bakit tinatawag itong buhok? In English naman ay hair? 'yang mga upuan niyo bakit tinatawag 'yang upua----"

"Ms.Lacsamana? Wala ka na bang ibang sasabihin? How about saan ka nakatira? Ilang taon ka na? Masasayang ang oras."

Napanguso naman ako 'nong nagtawanan ang mga kaklase ko.

First day ngayon at kailangan dawng magpakilala isa-isa. Hindi ko naman kasi mapigilang maging curious eh.

1st college na ako at curious parin ako kung bakit ang 'college' ay tinatawag na college?

"'Yun lang po ma'am. I'm sorry pero medyo private ang life ko. Curious nga din po ako."

Tiningnan naman ako ni Ma'am na para bang ako na ang pinaka weird na nakilala niya sa buong mundo.

"You may now sit." Nakakunot pa ang noo niya habang sinasabi niya iyon.

Ano namang problema sa pagiging curious ko?

Umupo na ako sa isang vacant seat na nandoon. Nagsimula naman ng magpakilala ang isa't isa.

"Hi." Bati ko doon sa babaeng katabi ng upuang inuupuan ko.

"Hello, Curious." Ngumiti ako sa kanya.

"Anong pangalan mo?"

"Cyenthia Andrada." Napatango-tango naman ako.

Ang weird naman ng name niya. Hihi. Charot! Joke lang! Dinamay ko pa talaga ang pangalan niya sa pangalan ko!

"Nakakatuwa 'yong pagiging curious mo ah." Natatawa pang sabi niya.

"Masasagot mo ba?" Biglang tanong ko.

"Ang ano?"

"'Yung mga sinabi ko kanina, kung bakit ang 'upuan' ay tinatawag na upuan. 'yung mga ganon?" Habang sinasabi ko iyon at nakapangalumbaba pa ako. Tipong takang-taka ako. Ganyan nga kasi ako minsan pa nga na cu-curious ako sa kagandahan ko.

"Hahahaha! Sorry pero hindi ko 'rin alam eh. Pero in fairness ah? Hindi ko pa na tanong ang sarili ko ng ganyan. Bagay na bagay ka sa pangalan mo." Sabat niya.

"Curious nga 'din ako, kung bakit Curious ang name ko." Napapakamot sa ulong sabi ko.

Tumigil naman 'din kami sa pagchi-chikahan ng tumayo na siya para magpakilala.

Hindi pa man siya tuluyang nakakadating sa gitna ay umeksena na ako.

Nagtaas ako ng kamay.

"Yes Ms. Lacsamana?"

"Ma'am? Pwedeng excuse muna? Medyo na C-CR po kasi ako. Hindi ako nakapag-CR kanina."

Medyo nagkatawanan ng mahina ang mga kaklase ko.

Bakit kaya? Curious ako.

Pumayag naman siya kaya lumabas na ako.

Hindi naman talaga ako na C-Cr gusto ko lang mag travel travel sa school na 'to.

Perstaym ko kasi dito. Isa pa, nagugutom na 'rin ako.

Pero siyempre mag lalakad-lakad muna ako kasi gusto kong makita iyong sinasabi ni Mama sa akin na 'Precious Ventrage Garden' sa school na ito.

"I'm Curious" (Bakit Ang 'daks' Ay Tinatawag Na Daks?) Opss!Where stories live. Discover now