Curious's POV
"Saan ka Curious?" Tanong ng isa kong ka blockmate.
"Diyan lang." Siyempre hindi ko sasabihin na maninilip ako. Baka isumbong ako eh! Mapalo pa ako ni Nama.
Oo maninilip ako! Hehe! Ano namang masama doon? Maninilip lang ako! Na curious kasi ako sa iba't ibang size.
Minsan nakukunsumi na si Nama sa pagiging Curious ko pero wapakels lang ako. Pero pag si Bapa na ay natatakot ako. Lalo na pag umiirap na siya.
Nong makarating ako ay laking pasasalamat ko ng walang estudyanteng ibang nandoon maliban sa akin.
Pero ang tanong? Paano ako maninilip kung cover na cover ang mga CR dito!?
May naisip akong paraan para makasilip ako ng konti.
Nag-iingat akong naglakad patungo sa may bandang gilid ng male's room.
Naglakad ako ng naglakad ng bigla akong mauntog.
"Ouch!" Nahimas ko ang noo kong natamaan.
"Tanginang pader!" Pagtingala ko ay ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko si Jakolboy na nakakunot ang noong tumingin sa akin. Gulo-gulo pa ang buhok at uniporme niya. Hmmm? Inosente ang dating niya! Nanlaki rin ang mata niya.
"Wait...you look so familiar?" Nag-isip siya saka napangisi. "Hi. Ikaw yong babae nong first day." Tinaas niya pa ang kilay niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Sininghot ko siya na parang asong ulol.
"Amoy babae ka!" Tinuro-turo ko pa siya. Tinabig niya ang kamay ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ikaw anong ginagawa mo dito? Nangantot ka nanaman 'no? Aba'y sheyrrr naman diyan!" Napakamot siya sa ulo niya.
Inosenteng inosente talaga ang gago! Baka naman totoo talaga yung sinabi ng medyo manyak na version niya kahapon?
Pero pwede ding nagpapanggap lang siya? Diba?
"Ikaw anong ginagawa mo dito?" Ulit niya, kunot na kunot ang noo.
"Hehe, ano may tao ba dito?" Tukoy ko sa CR.
Mas lalo siyang nagtaka. "Bakit?" Tiningnan niya ako ng nanghihinala.
"Wala, natanong ko lang." Tanggi ko. Feeling ko kasi pinagbibintangan niya ako sa klase ng pagkakatitig niya.
"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" Ay? Grabeng ka assumingan naman to! Alam kung pogi siya pero hindi ko siya sinusundan! Iba ang pakay ko dito. "Hala? Assuming ka ah! Bakit naman kita susundan? Kilala ba kita? Oo napahawak mo sa akin ang tits mo! Pero, hindi kita sinusundan no! Hindi ako hayok tulad ng iniisip mo! Haller!" Sabay flip ko pa ng buhok ko.
"Sinabi ko bang hayok ka? Ang tanong ko, anong ginagawa mo dito? Imposible namang naligaw ka." Nangapa ako bigla ng sagot. Baka mabuking ako!
Nginitian ko siya. "H-hehe mag C-CR sana ako?" Parang hindi pa siguradong dahilan ko.
"Dito?" Nag smirk siya bigla. Kumunot naman ang noo ko dahil sobrang gwapo niya!

YOU ARE READING
"I'm Curious" (Bakit Ang 'daks' Ay Tinatawag Na Daks?) Opss!
RomanceKilalanin si Curious Sitty Lacsamana. Ang babaeng naniniwalang pinanganak siya sa mundo para maging 'curious' lahat ng mga bagay na makikita niya ay binibigyan niya ng atensiyon. May mga katanungan pang para sa iba ay wala itong kwenta pero para sa...