December 27, 2019So ayun, Hi E.D. ahahahahaha! Gusto ko lang sabihin na I had an amazing time chatting with you. Isa ka sa mga taong naging parte ng buhay ko which sadly can't stay forever. Deact pa more! Inamo! AHAHAHHAH.
Sorry kung nung nag I love you ka hindi ako nag I love you too, inamo naman kasi! Walang gulatan! 'Di nga kita gusto eh! Lol. Pero I liked you, a lot, lalo na nung una pa lang! ChoUr. Gagi legit kasi! Nung una una pa lang.
Isa kang student from UPIS kaya sobrang mangha ko, gagi magaling sa Math kang kupal ka! Beri nice! I love it. Mayaman din ang pota! Sana all may kotse 'no? Amp!
Sobrang sweet mo tbh, isa ka sa mga taong ang soft ng heart, kaya nga naku kyutan ako sayo eh. Epal ka kasi! Deact pa more! Namo! Sa sobrang sweet mo minsan ka na lang mag chat! Nakaakabaliw kaya! Yungg feeling na gino ghost ka! Hindi mo alam kung maghihintay ka ba o hindi na lang.
Nalungkot ako tbh, tuwing hindi ka nagcha chat, pero mas nalungkot ako nung sinabi mo na magdedeact ka na, pre? Pano ako? Ganun ganun na lang yun? Pano yung friendship ampota!
You were very vocal about your feelings kaya nga ang cute mo! Bwiset na to! Sinabihan ba naman ako na may crush ka sakin sinong hindi mapapangiti? Gagi ka? Tas iiwan mo akong inaka! AHAHAHAHAHA.
Malungkutin ka rin eh, pansin ko lang. Lalo na nung nagshare ka about sa family problem mo, ang sad kasi wala na yung papa mo. Well at least andyan pa mama mo, diba?
Namiss ko rin yung lagi mo akong tinatanong kung kumain na ba ako tas sasagot ako ng "ay pafall" tas tatawa ka! Lol! Diba ganun yung mga pafall? Tatanungin ka kung kumain ka na or sasabihin na "kumain ka na huh", lul! Galawan niyo!
Nagtatampo ako sayo tbh, crush kasi kita dati tas hindi ka na nagparamdam, ghost pa! Lagi naman eh! Nasasanay na rin naman eh! Deact pang pota ka! I hate you!
Pero all I want to say is, namiss kita! Sobrang namiss kita! Namiss ko yung times na napapangiti mo ako kahit na ang kulit mo. Namiss ko yung times na kino comfort kita kasi nga malungkot ka. Namiss ko yung mga times na kinukulit kita na magsimba para bumalik ang faith mo kay God.
Pero sana, bumalik ang loob mo sa kaniya. Sana maging masaya ka at sorry na rin kung sa tingin mo never ka na ulit "magkakaganto" sa isang tao. Siguro crush? Ewan?!
I'm writing this letter kasi nababaliw na ako kakaisip sayo, hindi naman kita crush pero bakit ganun? Ang unfair naman ata. :< Hoy! Tapos hindi pa tayo magkaintindihan minsan. Ayaw nga kitang mag deact pero nagdeact ka naman.
Bwiset pero sana okay ka lang. Hindi manlang umabot hanggang New Year yung friendship natin. Well, mas mauuna ang New Year dito sa Pinas kesa dyan so. :P HAAHAHAHAH gagi miss na kita!
Miss na kitang bwiset ka! Kahit minsan nakakairita kang hayup ka! Sumakto ka pa talaga ngayong meron ako! Tuloy! Pero bale, move on na talaga? Pati ba naman sa friendship natin? :<<<<<
Pero you know what? Masasanay din akong wala ka tas matatanggap ko rin na hindi ka pala talaga pwede magstay sa buhay ko! Thank you na lang! THANK YOU NEXT BITCH!
-Sam
BINABASA MO ANG
Letters ❤️
TeenfikceEwan ko, pero naging inspirasyon ko si Kuya Sic sa gagawin kong katangahan, yup! Katangahan! What do the odds, parehas ang title hindi ko po ginaya! Actually his name starts with J kay bigla ko siyang na alala! Medyo matagal tagal ko na itong tinat...