Chapter 7

1 0 0
                                    

Andrea POV

    Hiyang hiya talaga ako sa nangyari kahapon sa training ng CAT, hindi na nga ako masyadong nakatulong, ako pa ang ginamot dahil nagkasugat pala ako sa tuhod. Mas lalo akong nahiya kasi napakabait ni Nurse Mara sa akin, pagkatapos asikasuhin si Eliza ay ako naman ang ginamot niya.
Pero grabe din ang heart rate ko sobrang bilis at lakas dahil kay Tristan, hindi din tuloy ako ganung nakatulog kagabi dahil sobrang hibang ko na..

Someone should really take care of you.. ms.nurse..."

Someone should really take care of you.. ms.nurse..."

Someone should really take care of you.. ms.nurse..."

Haaay...pwede bang siya na lang yung someone...

Buti na lang sabado ngayon at walang pasok hindi ko kailangang makita agad sila.

Andrea, yung mga bilin ko sayo ha, maglinis ka ng bahay at wag kang gagala...gagabihin na kasi kami ng uwi at medyo malayo ang pupuntahan namin nila Sister Carmela, dito ka lang... paalala ni nanay

"Opo nanay, sagot ko na lang lagi naman ganun kapag sabado.

"Naku sa susunod dapat ay ikaw na ang sumasama kay Sister eh, minsan ay nahihilo din ako sa mga byahe at para na rin masanay ka na sa mga gawain ng mga madre, o siya cge lalakad na ko, may ulam na diyan magsaing ka na lang mamaya dagdag pa ni nanay.

Ang sayang nararamdaman ko kagabi hanggang pag-gising ay bigla na lang nawalang parang bula...dahil sa mga sinabi ni nanay,. Tama kayo ng narinig, yun ang pangarap ni nanay para sa akin, ang maging isang madre, bagay na gustong gusto niya pero hindi natupad dahil sa isang pagkakamali..
Pasalamat na nga lang ako at pinayagan pa niya akong mag-aral sa kolehiyo para maging isang guro.

Masaya akong maglingkod sa Diyos, pero minsan naiisip ko ring gusto kong magkaroon ng sariling pamilya, kaya sa ngayon hahayaan ko na lang kung anong mangyayari sa kinabukasan..

Kumakain ako ng almusal ng may kumatok sa aming bahay, wala akong inaasahang bisita, ewan ko lang si nanay, pinagbuksan ko ang kumakatok.

Ah, magandang umaga, dito ba nakatira si Carmela? tanong  ng isang lalaki na sa tingin ko'y kaedad ni nanay, mukha naman siya mabait,kaya nilakihan ko ang bukas ng pinto para makausap siya.

"Wala po dito si Nanay eh, mamauang gabi pa po siya makakauwi"

"Nanay?, ibig sabihin ay anak ka ni Carmela?"nagtatakang tanong ng lalaki.

"Ah,. Opo anak nga po niya ako, sino po ba kayo?

"Ako si Greg, kaibigan ako ni Carmela", nakapag-asawa na pala siya.

Hindi ko maintindihan pero parang nakaramdam ako ng lungkot sa tono ng boses ng lalaki, parang bigla siyang nawalan ng sigla. Bigla na lang din siyang nagpaalam at sinabing babalik na lang daw sa ibang araw.

Kahit medyo naguguluhan ako sa nangyari ay hindi ko na pinansin, nagpatuloy na lang ako sa pagkain upang makapag-umpisa na sa paglilinis ng bahay.

**************
Hapon na ng makatapos akong maglinis, naglaba na rin ako para ndi matambakan ng labahin, nagpapahinga na ako ng tumunog ang  aking cellphone,tumatawag si Mae.

"Hello, oh Mae bakit?

"Sis, mukhang hindi ako makakapasok ng ilang araw, sila nanay at tatay kasi kailangang umuwi sa Davao, mayroon daw aasikasuhin, ayaw nila akong iwan kasi wala daw akong makakasama...

"Hala, maabsent ka pala niyan, wala akong kasama, ilang araw ba?

Hindi ko pa alam eh, depende daw kung maayos agad ang kailangan, magpasama ka na lang kay Mike,
I'm sure naman pag nakita ka nung walang kasama, pupuntahan ka nun

Haaaay...ano pa nga ba,.. pero sis sana makabalik ka agad, sayang din yung mga mamimissed mong lesson..
  Bakit di ka na lang dito samin magstay ng ilang araw?

Hay naku sinabi ko na din yan kila mama, kaso sabi kailangan din daw ako.dun..

Ganun ba, oh cge, mag-ingat ka saka pasalubong ha...

Wow lang ha, sige na uuwian na kita ng pasalubong..cge bye mag-aayos pa ko ng gamit...bukas na rin kasi alis namin

Sige ingat ka sis, bye..

Ano ba yan, wala si Mae, nahihiya pa.naman akong pumasok sa Lunes, bahala.na nga...

Lunes, maaga akong pumasok, nakaupo na ko sa pwesto ko medyo naninibago at walang Mae na maingay na nagkwekwento sa akin ng kung anu-ano..

Dumating ang grupo ni Tristan, at nakapagtatakang wala siya. Maya maya ay nagmamadaling pumasok si Bridget, binaba lang ang mga gamit at agad ding lumabas.

"Hay naku friend, i'm sure sobrang saya ni Bridget, at siya ang magrerepresent ng batch natin sa pageant, bagay talaga sa kanya yun eh" sabi ni Claire

"Correct friend, buti na lang pumayag na sumali ulit siya kahit nanalo na siya last year" singit ni Marga.

"Ok lang naman daw kasi runner-up pa lang siya, pero sure this time siya na ang title holder lalo pa at magiging partner niya si Tristan"

Wow, naku bagay na bagay talaga sila, magand at gwapo...for sure win na win yun.

Nandun na nga si Tristan sa office eh kinakausap na sila...

Buti nga yun, para hindi naman nagpapapansin yung iba diyan... may goodness naisip pang magpageant..
Like hello? Hindi bagay...

Alam ko namang ako ang pinariringgan nila, at kahit pa hindi yun totoo at dapat hindi ako apektado ay hindi ko maiwasan...

Saka tama sila bagay na bagay nga si Bridget at Tristan. Haaay sana nandito si Mae.. naputol ang pag-iisip ko ng pumasok na si Sir Vargas.
Pinilit ko na lang ituon ang atensyon ko sa tinuturo niya...
Nang biglang pumasok si Tristan.

Oh Tristan, akala ko ay mamaya pa kayo makakabalik, diba at  may meeting kayo para sa pageant ni Bridget?

Ah, Good morning po sir, pero ayaw ko na po sumali...hindi po ako sasali..

Napasinghap kaming lahat sa nadinig,. Hindi siya sasali, pano si Bridget? Nakatayo na din pala siya sa pintuan.

Tristan, bakit ka nagback-out.. akala ko pa naman ikaw ang magiging partner ko kaya pumayag na ko.

Tsss... wala naman akong sinabing sumali ka... sagot ni Tristan sabay upo sa pwesto niya sa likod.

Dahil dun ay bigla na lang padabog na lumabas si Bridget, siguro ay babalik siya sa office... dahil sa nasaksihan ndi ko napigilang tumingin kay Tristan.at laking gulat ko na nakatingin siya sa akin.. hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya... bumilis ang tibok ng puso ko..ito na naman.. nakakalunod ang tibok nito... at sa tingin ko ay hindi na ko makakaahon pa dahil dahan dahang sumilay ang kanyang ngiti habang nakatitig sa akin...

Ano to Tristan? At hindi ko na namalayang nakangiti na rin ako..

**************************
Share your thoughts..
Drop your comments...😅

stay by My side...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon