"Ma'am gising na po!" Sigaw ng aming kasambahay
"Yeah" sabi ko ngunit hindi pa rin umalis sa aking kama
"Ma'am sabi po ng mommy niyo, kapag hindi pa po raw kayo gumising, siya ang gigising sa inyo rito!" Pananakot ng yaya namin
"Oo na nga gigising na!" Sabay bangon sa aking malambot na kama at pagbukas ko ng pinto ay
"Ouch!!" Sigaw ko sa aming kasambahay sabay himas sa aking noo
"Sorry po Ma'am, hindi ko po sinasadya kala ko po kasi pinto, ang tigas po kasi eh" paumanhin niya na mas ikinainit ng ulo ko, talaga lang ha, noo ko mukhang pinto?!"
"Ahh so hindi mo sinasadya?" Pagtatanong ko sa kanya at tango ng tango naman siya "Pwes ito sinasadya ko!" Sabay sabunot ko sa kanyang buhok at itutulak ko na sana siya sa sahig ng biglang dumating ang aking mommy
"Chloe stop it!" Sigaw ni mommy na agad ko namang sinunod
"Yaya, pumunta ka na sa baba" sabi ni mommy sa walang kwenta naming kasambahay. Aalis na sana ako ng biglang nagsalita si mommy
"What the hell were you thinking huh?!" Sigaw niya sa akin
"What?! Why don't you ask her instead kung ano'ng ginawa niya sa akin!" Sigaw ko pabalik sa kaniya
"Pero nag sorry na siya sayo, why don't you just respect our maids! Dahil sayo, ang iba nating kasambahay ay paunti-unti ng umalis at maghanap ng ibang matratrabahuan!"
"Edi umalis sila, I don't care!" Huling sambit ko at tinalikuran ko na siya at pumasok muli sa aking kwarto.
Ganyan palagi ang eksena sa bahay namin tuwing umaga, nagsisigawan dahil sa mga maliliit na bagay na hindi niya pinapalampas kahit alam naman niyang ang mga maids ang may kasalanan pero ako pa rin iyong pinapagalitan niya! Ang Daddy ko ay nasa Italy, may inaasikasong business but I don't really mind kahit hindi na siya bumalik.
Tapos na akong magligpit ng gamit para sa school at bababa na ako upang kakain sana ng nakita ko ang aking mommy at daddy na kumakain sa dining. Nawalan na tuloy ako ng gana
"Chloe anak!" Sigaw ni Dad na agad nagpalingon sa akin
"What now dad?" Mahinahon kong tanong ngunit bakas sa tono ko ang irritasyon
"Chloe! Is that the way you treat your father?!" Pigil na sigaw ni mommy
"Arent you happy that I'm here na?" Bakas ang lungkot sa tanong ni daddy
"Bakit dad? Sa mga panahong nandito ka at kailangan kita palagi na lang si ate alice, si ate alice, SI ATE ALICE!! Sigaw na sambit ko "nandito ka man ho o wala still, you don't care about me! Wala kang pakialam sa akin dad! Sometimes I asked myself if do I really belong in this family" hindi ko na napigilan ang aking sarili at napaiyak na ako
"You are! You're our daughter" nangiyak-iyak rin na sabi ni dad
"Then prove it! Bumawi kayo sa'kin, hindi yung puro Alice kayo!" Pinunasan ko ang aking luha at tinawag na ang aking driver upang umalis na papuntang school
First day of class namin ngayon at I'm sure wala pa masyadong teacher ang papasok so we've decided to spend our remaining time at the cafeteria
Nandito na kami ngayon sa cafeteria ng school at ang aking mga kaibigan ay busy sa pagsasalita samantalang ako? Eto tulala at inaalala ang nangyari kanina sa bahay, well hindi naman iyon bago, ngunit naninibago ako sa inasta ni dad, parang sincere talaga siya at hindi niya sinadyang ipafeel sa akin na I don't exist
"Girl are you okay?" Bakas sa tono ni Nahla ang pag-aalala
"Don't worry I'm okay" sabi ko
"Then what are you still doing?" Tanong naman ni Venice sa akin at ngayon ko lang napansin na lahat sila ay nakatayo na at handa ng umalis papuntang classroom
"Yeah sorry, let's go?" Pag-ayaya ko sa kanila upang matakpan ang aking kahihiyan
Napahinto ako ng may nakabangga sa akin
"What the hell?!" sigaw ko
"I'm sorry, hindi kita napansin" paumanhin niya
"Sorry your face!" sigaw ko sa kaniya at tinulak at agad namang nagtawanan ang mga estudyanye sa paligid
"Nice one chloe" puri ni venice at nahla sa akin
————————————————
Thank you po for reading my story. Pasensiya na po kayo kung pangit, first time ko po kasi to eh- loveheyzell
YOU ARE READING
When The Spoiled Brat Fall In Love
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng lumaki sa isang mayamang pamilya. Siya ay kinilala bilang "entitled rich kid" na walang ibang ginawa kundi ang mang-utos, manglait at magsimula ng gulo, ngunit ano kaya ang mangyayari nang dumating sa buh...