By MystiqueAhgase
"BLACK SECTION? ANO YUN?" ani ko kay mama nang sabihin niya saakin na lilipat na daw ako ng school pag tungtong ko ng HighSchool, nabanggit din niya na iisa lamang ang seksyon kada lebel sa HighSchool kaya naging Black Section Ito
"Black Section! yun yung hanggang matapos kayo sa HighSchool iisa lang ang magiging kaklase mo, depende nalang kung pag dating ng Senior High lilipat kana ng ibang School"
iisa lang ang kaklase ko every year?? huh? ngayon ko lang nadinig yun ahh! may ganun pala?..... pero diba parang mas masaya pag iba't- iba ang makakasalamuha mo every year?
nang mga araw na iyon diko maintindihan kung dapat ba akong matuwa dahil lilipat na ako ng school o malulungkot dahil mahihiwalay na ako sa school na kinalakihan ko.. HAY DI KO TALAGA ALAM!!
ilang araw makalipas ng MOVING UP CEREMONY namin sa Grade School ay pumunta kami ni mama sa School na sinasabi niya, nag enroll kami at pinabalik makalipas ng anim na araw para sa entrance exam.
suot ko ngayon ang uniform ko noong Grade School, ito narin ang huling araw na susotin ko itong uniform na ito :'<
bago kami mag simula mag take ng entrance exam ay napansin kkong di mapakali ang babaeng may makapal at mahabang buhok sa harap ko. Parehas kami na naiiba ang uniform, siguro galing din siya sa Private School katulad ko, halos lahat kasi ng kasama namin ngayon ay pare parehas ang uniform at mukang galing sa Public Schools
"Hala!! nawawala yung pencil ko.. Hala! wala dito sa bag ko!" anito na natataranta na dahil binibigay na ang mga sasagutang exam papers. tinignan ko ang bag ko at nakitang may extra pa namang lapis " Eto ate oh! pencil, may extra pa naman ako eh!" anikong nahihiya pero may ngiti sa labi
"ayy hala! THANK YOU! balik ko nalang mamaya!" anito na malaki ang ngiti
MAKALIPAS ANG DALAWANG BUWAN ay nag simula na ang klase, di ko inaasahan na makakapasa ako, ganun din si Irene, siya yung babaeng pinahiram ko ng pencil noong Entrance Exam. naging mag kaibigan kami dahil na o-op kami sa mga kaklase nmin na halos iisang school lang lahat nanggaling.. 51 kaming lahat na nakapasa sa year na ito.
MAKALIPAS ANG APAT NA TAON nasa 10th grade na kami at mula sa 51 ay naging 49 nalang kaming natira sa klase
lumipat na kasi ng tirahan ang dalawa at ganun na rin sa Eskwela
sa apat na taon na pag sasama ay naging close na kaming lahat sa isa't-isa. inaamin ko kala ko nung una mas gugustuhin kong mapunta sa hindi black section, pero nagyon parang ayaw ko nang mag ka hiwahiwalay kami lalo na ngayong ilang buwan nlng mag se-senior high na kami at may posibilidad na mula sa 49 ay maging 13 nalng ang matira katulad ng nangyari sa mga unang batch, iniisip ko pa lang nalulungkot na ako. Pero di ko hawak ang mga desisyon nla kaya kahit anong gawin ko, mangyayari parin ang kinatatakutan ko.
AFTER 6 MOTHS
nasa Senior High na kami at diko inaasahan ang mga nangyari, gusto kong umiyak, kaso pag umiyak ako, pagkakaguluhan ninla ako, kaya wag nalang.
mas masahol pa ito sa ini-imagine ko.. 10 nalang kaming natira, ang masklap pa ay dalawa nlng kaming babae, tas maski si Irene na sinabihan kong mag stay ay umalis din, ang mga palatawa ay nalungkot din at biglang nawalan ng gana. Kailangan kong mag pakatatag, gaya nga ng sinabi ko diko hawak ang desisyon nila. Hindi dapat ako malungkot. dapat kong tanggapin ang naging desisyon nila, para rin naman ito sa ika bubuti nila.
eto lang ang masasabi ko sa apat na taong nakasama ko sila
"THANK YOU SA LAHAT NG MEMORIES. DI KO KAYO MAKAKALIMUTAN!"
nagmamahal,
Evarlie San Roque
![](https://img.wattpad.com/cover/209847777-288-k477071.jpg)
BINABASA MO ANG
BLACK SECTION (ONE SHOT)
General FictionDi matutumbasan ang tunay na pagmamahal sa pag kakaibigan. Maging masya ka sa desisyon ng iba.