Dominant 14

5.5K 200 2
                                    


He stepped backwards like he saw ghosts. Akmang isasarado na niya sana ang pintuan ng harangan ni Aziel iyon gamit ang bakante niyang kamay kaya natigil ito sa pagsara.

“Sino ba iyan anak?” rinig kong tanong ng isang boses, mama siguro niya. Sinilip kami nito at nanlaki ang mga mata.

“Hindi mo sinabing may bisita ka. Papasukin mo anak.” ngumiti ng malapad ang mama niya at agad na linakihan ng bukas ang pinto na labis na ikinamutla ni Marco.

“Kaibigan ba kayo ng anak ko?” naaliw na tanong nito samin.

Tumango ako. “Mukhang ganoon na nga ho.” sagot ko.

Hinila si Marco ng mama niya habang kami naman ay sumunod sakanila.

“Dito muna kayo. Kukunan ko kayo ng makakain.” natutuwa na sambit nito at iniwan kaming tatlo.

We looked coldly at Marco. “Now kid, tell me where is it?” malamig na tanong ni Aziel.

Napayuko ito at napaiwas ng tingin. “Ano ang ibig mong sabihin?” pagmaang-maangan nito.

“Tell me! Where the fuck—” hindi na natuloy ang sasabihin ni Aziel ng mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Kasabay naman ang pagbalik ng mama ni Marco.

“Meryenda muna kayo.” malapad ang ngiti nito at agad na inilapag sa harapan namin ang juice at tinapay.

Agad na tumabi ito ng upo kay Marco. Ngumiti ito samin. “Magnobyo ba kayo iha, iho?” naaliw na tanong nito.

Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. “Yes.” napairap ako ng marinig ko ang supladong sagot ni Aziel.

“Sayang, pero okay lang. Bagay na bagay naman kayo.” tila kinikilig na saad nito at hinampas pa ang anak niyang nasa gilid.

“What do you mean sayang?” Aziel asked.

“Ipapadyowa ko sana ‘yang kasama mo sa anak ko. Itong si Marco ko kasi sobrang mahiyain eh kaya hindi nagkakagirlfriend.” sagot ng ginang.

“Kahit naman ho hindi ko dyowa itong kasama ko ay hinding-hindi ko naman ho ipapadyowa ni kanino lang.” sagot ni Aziel. Tinapik ko siya dahil sa sinagot niya kaya napahinto ang ginang.

“Ano nga ba ang sadya ninyo iho? Alam ko kasing nagdropped na ang anak ko sa Blue at kayo palang kasi ang kauna-unahang bumisita sakanya kasi wala pa namang christmas break. Base naman sa iyong kasuotan mukhang doon kayo galing.” anas ng ginang.

Nagkatiningnan kami ni Aziel. I think this is the perfect timing. Para agad na mapaamin si Marco.

“Okay, we'll go straight forward.” saad ni Aziel at agad na tinanggal ang sunglasses niya.

Napasinghap ang ginang ng makita kung sino ito. Hanggang sa dumako ang tingin niya sakin kaya tinanggal ko narin ang sunglasses ko.

Mas lalong napaawang ang labi nito sa gulat agad na tumayo ito.

“Your highness.” nagbigay galang ito sa aming harapan.

“Take a sit.” pormal na saad ni Aziel.

“Ano po ba talagang sadya niyo kamahalan?” tanong nito muli sa napagalang na boses.

Umayos ng upo si Aziel at tiningnan ng malamig si Marco. “Tell me where is it?” he asked once again.

Kita ko kung paano naguluhan ang ginang sa tinanong ni Aziel.

“Ano pong—”

“He stole something in the academy. The only reason why he dropped out.” sagot ko na sakanya. Nanlaki ang mata nito at tila hindi makapaniwala.

Blue Academy: The Dominant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon