Dominant 17

5.5K 197 3
                                    

FERNALYN NIGHT

Lunch time and as expected ay nandito kami sa cafeteria para kumain. Tahimik lang kaming kumakain lalo na’t may alitan pa rin sa pagitan naming mga babae. Napakataas na kasi ng pride ni Summer nahiya sa kanya ang Mt. Everest ng mortal realm.

Sa pagkakaalam ko sa mga magulang nina Summer ay mahahangin daw noong kabataan nila. Kaya hindi na ako magtataka kong bakit bagyo sa kahanginan si Summer. Mabuti nalang at kabaliktaran niya si Stormie kaya madali nitong nakuha ang puso ni Black. Tch.

“Eat.” napatingin ako kay Tyler dahil sa sinabi niya. Sometimes I find him sweet but most of the time ay wala talaga siyang kasweetan sa buto.

I pout, naman eh. Gustong-gusto talaga ako nitong pakainin ng marami na parang inahin.

“Flynn!” sa malakas na sigaw iyon ay napahinto kami sa pagkain. Palihim kong sinulyapan si Summer at nakita ko kung paano tumalim ang tingin niya kaya tiningnan ko rin ito.

“Ouch! Katherine! Stop it. It hurts!” daing ni Flynn kaya agad namang binitawan ni Kath ang tenga nito.

I can't help but to giggle. Ang cute nilaaa.

“Stop it ” suway naman nitong nasa gilid ko.

“Bakit ba?” naiinis ko ng tanong sakanya kasi kanina pa siya eh, palagi na niya lang akong sinisita. Nakakainis ka na Tyler Jaze!

“You giggled like a child.” mas lalong sumama ang tingin ko sa narinig.

Maswerte ang lalaking 'to at nagkagusto ako sakanya kahit sobrang sama ng ugali niya. Pero walang mas sasama kay Aziel.

Napangiti ulit ako ng biglang hinawakan ni Katherine ang tenga ni Flynn at sa isang iglap ay nawala na ang pamumula nito na ikinangiti rin ni Flynn at agad na hinapit si Kath habang nakahapit naman sa kabila si Blaze.

Wala sa sariling napatingin ako kay Violet. Nakatingin siya sa kamay ni
Blaze na nakayapos kay Katherine.

Nang maramdaman niyang tinititigan ko siya ay agad siyang napatingin sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

“Fern eat. Hindi ka tataba kong palaging kang hindi makakain sa tamang oras.” saway na naman nitong tatay ko na nasa gilid ko.

“Ty, wala naman akong balak na magpataba eh.” reklamo ko sakanya at kiming inumpisahan ko ang pagkain.

“Pero plano kong patabain ka.” He said seriously.

I look at him fantastically. “Really Ty?” hindi makapaniwalang saad ko.

Tumango siya. “Yeah. Kaya kumain ka nalang kung hindi mo gustong patatabain kita sa loob ng siyam na buwan.” seryoso dagdag niya.

Napatulala ako sa sinaad niya at pilit na pinoproseso ng utak ko ang sinabi niya. Natauhan lang ako ng marinig ko ang tawa ni Black.

“Tyler!” gulat kong saad at hinampas siya sa braso na ikinahalakhak niya.

Agad kong idinuko ang ulo ko dahil pakiramdam ko namumula ang buong mukha ko. Para akong kamatis nito.

Agad na tinaas nito ang ulo ko kaya wala na akong nagawa dahil mas lalo niyang pinagtatawanan ang reaksiyon ko. “F-fern.” hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil tumawa na naman siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Stop it. Hindi magandang biro 'yun.” pinilit kong pinaseryoso ang boses ko. Para kapaniwala-wala.

Napatahimik siya at napatikhim. “Fern.” untag niya sa ilang sandali.

Tiningnan ko siya. “What?”

“I mean it.” nabitawan ko ang kutsara't tinidor ko sa sinabi niya. Then I found out that he's making fun of me again.

“Mag-eensayo tayo ha? ” he asked afterwards.

Inirapan ko siya “Mag-ensayo ka mag-isa!” naiinis na sagot ko.

Ngumisi siya. “Okay. I can ask other girls to train with me. For sure papayag sila.”

Natigilan ako sa sinabi niya. “For sure?” gulat kong tanong.

He nodded. “Yeah, hundred percent sure.” and with that ay biglang nanubig ang mga mata ko.

“You unfaithful bastard!” I hissed at him na ikinagulat niya.

“What did I do?” natataranta niyang tanong at agad na pinunasan ang luhang tumutulo sa mga mata ko.

Tinapik ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. “D'on ka na sa mga babae mo. At kapag gagawin mo iyon huwag kang aasang hindi kita ibabaon sa lupa kasama ang bago mong babae!” inis na saad ko sakanya at napatayo. Napatulala naman siya.

Akmang aalis ako ng may mga brasong pumulupot sa baywang ko at agad na isinubsob ang mukha sa leeg ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapahiya at mamula ng mapagtantong nasa cafeteria pa kami.

“I'm just joking okay. I'm sorry.” hingi nito ng tawad. Napalunok ako.

“Ty?” tawag ko sakanya at hinawakan ang kamay niyang nasa baywang ko

“Hmm..”

“Let go. Andito pa tayo sa cafeteria and we're dragging so much attention.” mahina kong saad sakanya.

He tsked and insted of pulling himself, he nuzzles his face more on my neck. “Fern.” he called.

“Hmm..”

“I don't care.”

KATHERINE DENVER

Weeks passed ay kita ko kung gaano ka determinado ang mga estudyanteng manalo sa tournament. Nakikita ko rin minsan ang warriors na nag-eensayo pero wala ang dakila nilang leader.

Ako lang siguro ang may matiwasay na buhay sa loob ng ilang linggo. Kung maisipan ko man maging productive sa isang araw ay mag-eehersisyo lang ako. Hindi talaga mag-eensayo. Sakit lang sa katawan ang makukuha ko. Bahala na kung hindi ako ang makakuha ng prize. Though it is really not my plan to win the prize anyways.

“Gosh, malapit na ang tournament. I'm so excited to win na.” rinig kong saad ng isang estudyante na napadaan sa harapan ko. Napailing ako.

Napahiga ako sa pinakasulok sa quadrangle kung saan hindi maraming estudyanteng nag-eensayo. Hindi naman ako nahihiyang humiga dahil marami naman ring mga estudyante na nakahandusay na sa sahig dahil sa matinding pagod.

I appreciate all of their efforts to survive the tournament and win the prize. Pero kasi alam ko naman na pagkatapos manalo here comes the fame. Tch. Kaya maraming naghahangad na manalo sa tournament na ito para titingalain sila ng iba. Nonsense.

Biglang may tumabi sakin kaya napatingin ako sakanya. “I didn't see you train yourself even once.” panimula nito.

“I only plan to survive at the tournament, not to win. ” I answered as I gaze at the sky. So blue and so clear mas malinaw pa sa pagkatao ko.

“Let's do a bet.” he offered.

Naghihinalang tiningnan ko siya. “What kind of bet?” pinagmasdan ko siya. He's Aziel and he's a man you can't easily trust with. Magaling 'tong manloko.

Napataas siya ng kamay na tila sumusuko. “I just want you to win the tournament.” he said.

Inirapan ko na siya. “Wala nga akong plano na manalo sa tournament.” bagot kong sagot.

“But if you win I won't bother you anymore.” doon nakuha ang interes ko sa sinabi niya. I looked at him seriously.

“Really?”

Tumango siya at ngumisi. “Yeah. I promise.” he uttered 

“But what if you'll win?” I asked him.

“That's only exclusive for me.” he answered pero hindi ko na siya pinakialaman dahil okay na ako sa hindi na niya ako gagambalahin pa.

“Deal?” aniya at inoffer ang kamay niya.

Without hesitation I took it and shake our hands.  

“Deal.”

Blue Academy: The Dominant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon