Beginning 3: Getting To Know Zixti

55 18 2
                                    

Zixti's P.O.V.

Hay!

Heto na!

This is it!

First day of class!

Dapat maaga akong makapunta ngayon sa school para makahanap din ako ng magandang upuan sa room.

Lumabas na ako ng kuwarto,
bumaba na ng hagdan,
kumain at tumakbo papuntang cr at naligo.

Nagbihis na ako ng uniform ko.

Hmm, new uniform naman.

Bet ko 'yung uniform nila, parang pang-anime ang style.

Cute white blouse, long green tie, at above-the-knee skirt.

Ang ganda-ganda ng uniform ng high school.

Feeling ko tuloy dalaga na ako.

Char.

Ayoko talaga maging dalagaaa.

Nakakainis naman kasing tingnan bg ibang dalaga eh. In my opinion lang ah.

May paemo-emo pa ng mga buhok na nalalaman.
At may paGM-GM pa with hashtags na hindi naman konektado doon sa sinasabi nila.

Atsiyaka, sandali lang,

ano nga ba ang ibig sabihin ng GM na 'yan?

Good morning?
Good mother?
Girl monster?
Gift master?
Green minded?

Hay, basta 'yan! Mga babae talaga ngayon noh....

'Yung iba naman, nakakarindi sa tainga ang pagtili nila kapag nakikita nila ang crush nila, hays.

Tsiyaka, ang luluwag pa ng mga sinusuot na damit. Hay nako, don't ask me why kung ba't ko 'yan alam lahat.

Dito kasi sa bahay, may mga pumupuntang mga babae, kesyo gagawa raw ng group activity, pero kapag nandito na sa loob, nagpapapansin lang naman pala. Tsiyaka parang hindi talaga 'yun group activity eh, hindi kasi pumupunta 'yung iba kaya silang dalawa lang ang naririto.

Mabuti na lang nga at nandito ako para bantayan sila.

Tsiyaka teka, ani ba nagustuhan nila kay Kuya Rex? Eh parang unggoy 'yon eh!

Basta ako, mayroon ako ng rules sa sarili ko.
Isa na roon ay ang 'Rule no. 1: Forever child, never be a lady.' 'yan ay para makaiwas sa mga lalaking walang ibang inisip sa buhay nila kundi manligaw.

Nahahala ko kasi, ang mga type ng mga lalaki ay 'yung mga tipo ng mga babaeng laging nagpapaganda't dalagang dalaga na ang dating.

Hindi lang naman pala mga dalaga ang mahaharot, kundi mga lalaki rin!

Hay, tama na muna ang kuwentuhan ah?
Pasensya na rin, ang daldal ko sa isip.

Kaya sige na, babye na muna. Baka kasi malate na ako nito.

---------

(A/N)

Hi guysss. 'Di ko alam kung may mao-offend dito tungkol sa mga opinion ni Zixti sa mga dalaga or pagtatawanan niyo lang.
Uhm, 'yan lang naman po talaga kasi 'yung character niya.

So dito na po magtatapos ang Getting to know Zixti. The next chapters would be a great start of her life na. Charot.

Hope you still continue to read this.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One ThingWhere stories live. Discover now