Bitter 1

70 1 5
                                    

Zeniah Pov



"Walang forever magbe-break din kayo!!!" Sigaw ko sa mga mag-jowa paano ba naman kasi park ito madaming bata tapos dito pa sila naglalampungan kadiri kaya

"Palibhasa bitter kalang kasi kaya ka ganyan, tignan mo ang sweet kaya nila" sabi ni Jean with turo turo effect pa.

"Palibhasa kasi nanliligaw sayo yung crush mo tsk ngayon lang yan di yan magtatagal lolokohin ka lang nyan" sabi ko with matching taray taray pa bwhahaha

"Bakit ba ang bitter bitter mo ha? Sabi mo Naka move-on Kana dyan sa ex mo??!" Sabi niya habang ginagaya yung pagtataray ko kanina

"Naka move-on Na nga ko ang sakin lang baka matulad ka sa akin tsaka huwag mo nga isali yang gago kong ex sa usapan!!" Galit na sabi ko

"Ohh chill lang baka mahighblood ka nyan, tsaka hindi naman ganyan ung baby ko eh" sabi nya habang nagpapacute tsskk hindi naman cute


"Tsk bahala ka!" Naiirita kong sabi

"Wag na nga natin yan pagusapan nakakabadtrip lang" walang gana kong sabi

"Ice cream nalang tayo besh!!!!!" Excited nyang sabi

"Sige na nga basta chocolate akin ah!!" Nakangiti kong sabi

Habang naglalakad at kumakain kami ng ice cream biglang may lalaking humarang sa harap ko

"Ano ba yan umalis ka nga dyan!!" Naiirita  kong sabi sa lalaki nang tignan ko yung lalaki shiiiittt ang gwapo omg



"Pasensya na miss ganda kukunin  ko lang sana yung puso ko dahil ninakaw mo" sabi ng lalaki habang nakangiti, bigla akong nakarinig ng sipol pagtingin ko nasa likod ng lalaking kausap ko yung sumisipol at mukhang kasama niya yun at kami ang sinisipulan

Tinarayan ko yung lalaking pogi at yung mga sumipol nakakainis kasi

Pagtingin ko sa kaibigan ko kinikilig ang puta tapos bigla nya akong tiningnan at nakita nyang masama tingin ko sa kanya kaya nagseryoso siya pagkatapos noon ay tumingin na ako sa lalaking pogi

"Pinagbibintangan mo pa talaga ako ah?tsaka kung ninakaw ko yung puso mo bakit buhay ka pa ngayon??" Pataray kong sabi kay gwapo

"E syempre ikakasal pa tayo ehh" sabi nya sabay kindat

Pagtingin ko dun sa mga nasa likod nya tsaka kay Jean kinikilig ang mga hayop

Lumingon den sakin si Jean tsaka ko sya inirapan at ayun nanahimik ulit



"Tse umalis ka nga sa harapan ko panira ka ng araw" sabi ko sabay irap pagkatapos ko sabihin yun naglakad na ako at sinundan naman ako ni Jean

Nang tignan ko yung Jean ko nakatingin siya sakin na parang nang eechoes, tiningnan ko lang ulit siya ng masama

"Heyyy miss ganda I'm Yohan" pagtingin ko nasa gilid ko na pala siya

"Hoyy huwag mo nga ko sundan epal ka???!" Sabi ko na sobrang naiirita na

"Anong number mo miss ganda???" Sabi niya habang nakangiti ng malaki

Wow ang kapal ng mukha nitong lalaking ito

Hindi ko nalang siya sinagot at nagpatuloy na lang ako maglakad. Pagtingin ko sa gilid ko wala na si Jean paglingon ko dun sa lalaki kasama niya yung hayop kong kaibigan

Tumakbo ako papunta sa kanila at tiningnan kung anong ginagawa nila binibigay pala ni Jean yung number ko napaka walanghiya talaga ni Jean hayy nako

Hinatak ko si Jean pero huli na kasi naibigay niya na yung number ko

Magsasalita sana ko kaso lang biglang tumakbo yung lalaki habang sumisigaw ng "miss ganda salamat sa number mo!!!!!!!"


























































"






















Bitter??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon