Accident pt. 2

386 10 2
                                    


"Bakit ka nandito?!" nasigawan ko si Taehyung nang bumungad sa'kin ang mukha niya sa lobby ng entertainment company namin.

Sinalubong niya ako ng yakap, hindi ako yumakap pabalik. I stood still. Nanlalaki ang mga mata dahil masyadong nagulat sa presensiya niya. "Baby, I missed you so much."

Masarap sa pakiramdam, masarap pakinggan, at oo kinikilig ako pero hindi iyon ang sagot na gusto kong marinig mula sa kanya. Oh my god!

Am I really seeing him right now?
Inside WHYG Entertainment?!

"Paano ka nakapasok?! Sino nagpapasok sa'yo?! May kasama ka ba?!" natataranta na ako dahil sa kaba pero yung kaharap ko ang lawak parin ng ngiti.

"Sasamahan kita." kaswal na sagot niya. Na para bang wala lang sa kanya lahat ng nangyayari.

That rendered me speechless.

Damn it. Mahal ko talaga 'tong lalaking 'to. Siya lang ang may kakayahang magpatahimik sa'kin ng ganito. Bakit parang gusto ko nalang din kalimutan na may problema kaming kailangan harapin and just be with him?

But we need to fix this.

Hinila ko siya patungo sa gilid. Para kasi siyang batang nawawala kanina sa gitna. Hindi ba siya sinamahan ng manager niya?

"Where's Sejin oppa?" was the first thing I asked him. Huge Hit won't make him leave alone especially if they still have schedules.

"Nasa apartment niya." wala paring bakas ng pangamba sa boses niya.

May alam ba siya sa nangyayari? Para kasing ang saya-saya niya lang ngayon gaya ng ibang mga araw na magkasama kaming dalawa.

"Tumakas lang ako sa kanila." dagdag niya pa.

"You're not with someone?" I exclaimed. "Nag commute ka lang?"

Umiling siya. Napasinghap ako ng malakas. "Wala bang may alam na nandito ka ngayon?!"

Nagkamot siya ng batok. Ngumiti. Nagpacute. "Wala eh. Hehehe."

Hinampas ko siya sa braso. "Taehyung! You can't just come here all by yourself. Alam mong---"

"Sasamahan nga kita. Tsaka may dala akong sasakyan. Date tayo?"

Peste. Dinidistract niya lang ako eh! Pwede bang kiligin at magalit at the same time? Nababaliw na yata ako.

I sighed in defeat and held his hands. "How did you enter this building?" kabado parin na tanong ko. Strikto ang security dito. If you're not from this company, kailangan may appointment ka, someone from the higher position invited you or may visitor's pass ka na pahirapan din makuha.

"Pinapasok ako ni Jennie."

I knew it! Kaya pala wala siya sa dorm nung umalis ako kanina. Nang tanungin ko si Lisa kung nasaan siya, hindi niya ako matignan ng diretso sa mata when she said Jennie went out early for a morning run. Rośe seemed uneasy too. They must've planned it last night without me.

Sa dami ng tumatakbo sa isip ko, milagrong nakatulog ako agad kagabi kaya hindi ko na narinig ang mga pinag-usapan nilang tatlo.

"Where is she now?"

"Umuwi na kanina. Baka makita mo raw kasi siya pagdating mo." he seems so relaxed even though he just blew Jennie's cover. Patay 'to kay Jennie kapag nalaman niyang nilaglag siya nito sa'kin.

Nilibot niya ang paningin sa paligid. "Wahh ang ganda pala dito Jisoo. This is actually a dream come true. Matagal ko ng gustong makapasok sa kompanya ninyo." namamanghang wika niya.

"What time ka dumating?" hindi parin ako mapakali. Pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan. He's wearing a face mask, a cap and sunglasses kaya wala pang nangyayaring commotion.

Kung may makakaalam kung sino siya, kakalat ito na parang apoy sa buong kompanya na kukuha sa atensiyon at pupukaw sa curiosity ng mga tao. They will flock here to see if it's real at pareho kaming mas malalagot ni Tae kapag nangyari yun. I don't want to attract more attention as much as possible.

"Mga seven pa 'ata"

Dalawang oras na pala siyang naghihintay dito. "Bakit hindi mo ako sinabihan agad?" sana inagahan ko ang pagpunta kung alam ko sanang sasama pala siya.

"Eh hindi na surprise yun." Bumusangot siya. Ginaya ko. Nagkatitigan kami pagkatapos at biglang nagtawanan.

Hinila niya ako palapit sa kanya. He snaked his arms around my waist before placing his chin on my shoulder. "Kumain ka na ba?"

I pouted.

"Hindi pa nga. I was too nervous to eat a proper meal on my way here. Nagkape lang ako. Kaya siguro mas lalong lumala yung kaba ko."

Sumimangot ulit siya at tinignan ako habang magkasalubong ang mga kilay. "You should eat first. Mamaya nalang natin kausapin yung mga dapat kausapin."

Bago pa ako makaprotesta sa gusto niyang mangyari ay nauna na siyang naglakad. Nadala naman ako dahil nakaakbay siya sa'kin.

"Pero Taehyung--"

"Kakain ka ba o kakargahin kita palabas dito?" he threatened me.

Hindi na ako komontra pa sa kanya. Tototohanin niya talaga yung banta kapag nagmatigas pa ako. Baka mas lalo kaming pagtinginan ng mga tao. Mabuti nalang talaga at nakatago parin yung mukha niya. The trainees would go crazy if they find out a BTS member was here.

"Wala ba talagang may alam na sasamahan mo ako ngayon?"

"I asked for RM hyung's permission last night. Inasar pa nga niya ako bago pinayagan." natatawang kwento niya pero sumeryoso 'din nang may biglang naalala. "And about our boss, tumawag siya sa'kin kanina. Tinanong niya lang kung anong nangyari but he didn't say anything about the situation. Mas okay sana kung pinagalitan niya ako pero ang kalmado ni PD-nim."

Now I can clearly hear the apprehension in his voice.

"Should we talk to him first?" I offered. Honestly, hindi parin talaga ako handang harapin yung boss namin. Natatakot ako.

"No baby. Let's deal with someone difficult first then will deal with PD-nim after." his nose scrunched. "I hope he's not that mad. Maghahanda pa ako ng paliwanag." he shivered in fear.

Someone difficult. He's indeed difficult to handle. I remembered Jennie's dating scandal at the beginning of the year. Hindi naging madali ang pinagdaanan niya. They had to breakup. Napapikit ako nang pumasok sa isip ko ang umiiyak na mukha ni Jennie. She had to make a decision and she chose to end it.

Kasi kailangan. Kahit ayaw niya.

I stopped walking. Napahinto rin si Taehyung at nagtatakang tumingin sa'kin. "Something wrong baby?"

I didn't say anything. Tinignan ko lang siya. His brows furrowed. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. He looked handsome every damn time. Kahit anong suot. Kahit anong oras at panahon.

Hindi nagtagal ay nabuo ang ngiti niya na kayang bumaliw sa kahit na sino. Kahit may mask, kitang-kita ang pag-angat ng mga pisngi at paninikit ng mga mata niya kahit nakasalamin siya. I smiled back.

Aabot 'din kaya ako sa point na kailangan kong gumawa ng desisyon? Siguro. Posible. But I hope I'll have to make a decision that doesn't involve sad endings.

Please let me keep him. Please let us keep each other. For a long time.

Delululand Presents: VISUAL COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon