Kabanata 5

76 14 0
                                    


Kabanata 5
Jealousy

"Where are you going?" Tanong iyon ni Hadrien nang makitang paalis ako. Hindi ko alam kung bakit tinanong n'ya iyon na tila alam n'ya ang gagawin kong paggala lamang sa lugar na ito.

"Sa talon lang po, sa senilia falls. Nabalitaan ko kasing malapit lang daw po dito, kuya." Narinig ko ang mahinang tawa at bakas ang pag ngisi ni Nassius na sinamaan ng tingin ni Hadrien.

"She called you kuya,'' Natigilan lamang si Nassius dahil mas sumama ang tingin ni Hadrien sakanya. Hindi ko naman maintindihan kung bakit natatawa s'ya sa sinabi ko.

Nagtama muli ang tingin naming dalawa ni Hadrien ka'ya naman ay naalala ko ulit ang lalaki sa bus station. Palaisipan parin saakin kung iisang tao lamang ba taong nasa harap ko at ang lalaking may kulay lila na mga mata.

Mas gumanda ang hugis ng kanyang mga mata dahil sa kulay nito. Kahit anong ganda ay nararamdaman ko ang pagka misteryoso nito.

"You may go now Fiana. Sana ay mag enjoy ka." Ani naman ni Nassius at malaki ang ngiti saakin. Tumango lamang ako at nginitian silang dalawa, tumaas lang ang sulok ng labi ni Hadrien habang nakatutok ang tingin saakin.

Kaagad kong tinahak ang talon. Kaya alam ko kung saan ang talon ay kinuwento at tinanong kona kay Tiya Miranda na madalas n'yang ikwento saakin noon.

Finally ay nakarating na ako sa talon kanina ay napapansin kong parang may sumusunod saakin pero binalewala ko na lamang iyon. Biglang pumasok sa isip ko ang lalaki sa bus station.

I still can't get enough of those stare of him, nakangiwi ako nakatingin sa tubig ng talon, napapikit ako saglit at sumalok ng tubig para ipanghilamos. Hindi ko namalayan kung paano ako nakaalis sa dalawang 'yon kanina. Nag iba ang timpla ng aking pakiramdam nu'ong makita ko ang dalawa.

Tumayo ako at tinignan ang paligid, walang katao-tao, nakakapagtaka. Tamghaling tapat na at inaasahan kong maraming dadayo sa magandang talon na ito sa mga oras na 'to.

Puting puti ang tubig, the gushing waters, it continued to play melody in my ears. I admire the breathtaking landscapes, extraordinary natural monuments and rock formations

Gusto ko sanang maligo kaso nakalimutan kong magdala ng extra na damit dahil biglaan itong pag dayo ko, siguro babalik nalang ako.

Biglang umihip ang malakas na sariwang simoy ng hangin, ka'ya nilipad ang mahaba at light brown kong buhok. Pakiramdam ko may tao sa paligid. Pero isinawalang bahala ko nalang iyon dahil baka feeling ko lang. Wala naman talaga.

Sumalok ulit ako ng tubig para ipanghilamos sa mukha ko. Ilang beses ko iyong ginawa hanggang sa hindi ko namalayang may tao na pala ilang hakbang lang ang layo saakin.

"Hi, there!"

Kumaway ito saakin at ngumiti ng pagkalaki laki, Mestiso ito nakasando hindi ko alam pero mukhang may katangkaran. Matangos, mapupungay ang mga mata at mahaba ang pilik mata. Medyo may kakapalan ang mapupulang labi.

Hindi ko din alam kung British ba s'ya o ano pero mukhang half western half asian ito.

"Ang pogi ko 'no? yup! I know, most of girls wants to have me. . . but." Ngumiwi ito at medyo lumapit kung saan ako bandang nakaluhod. "I liked pogi too."

Hindi ko alam kung magugulat ako o hindi na, may naamoy o nararamdaman nga ako kanina, mukhang yung kabaklaan n'ya 'yon. Nangunot ang makinis nitong noo na medyo natatakpan ng bangs n'yang light brown.

"Hmm, bakit hindi ka nagulat?"

"Nagulat?" Nangunot ang noo ko.

"That I'm feminine." Napa-aah ako, tumayo ako at sumisid papunta sakanya dahilan para mag echo ang tili n'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsessive WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon