| 1 |
__________________________"MAUUNA NA AKO, Serene. Hinihintay na ako ni Ethan," turo nito sa labas kung saan naroon ang asawa nito. Tumango na lamang ako at nagpaalam.
"Sige. Ingat kayo."
Tipid na ngiti lamang ang sagot nito at kumaway sa akin. Sinundan ko ito ng tingin at pinanood na lumabas ng café. Sinalubong ni Ethan ng masuyong halik sa noo si Cath at niyakap ng mahigpit.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakita.
Sa totoo lang, kahit maaga silang nagkaanak, maswerte si Cath kay Ethan. Bihira na lamang sa lalaki ang akuin ang responsibilidad at handang magpaka-ama sa magiging anak nila. Lalo pa't fourth year college na sila noon nang mabuntis ito. Hindi inaasahan ngunit hindi ito naging balakid upang sabay silang makapagtapos ng pag-aaral.
At lumipas na ang ilang taon ngunit nanatili pa rin ang pagmamahal nila sa isa't isa.
How does it feel to be loved? How does it feel to be appreciated? How does it feel to be needed? Mararanasan ko ba ang mga bagay na iyan? Kailan? Paano?
Napakababaw pero gusto ko ding maranasan ang tinatawag nilang pag-ibig.
Kahit sa maikling panahon, gusto ko namang sumaya.
But not now.
Inalis ko na ang atensyon ko mula sa kanila at pinagpatuloy ang pagpupunas ng mga mesa hanggang sa matapos ako.
Umupo ako sa malapit na upuan at pagod na inunat ang aking katawan. Napangiwi ako nang maramdamang kumirot ang braso ko sa tindi ng pagt-trabahong ginawa ko buong araw. Mukhang sasalampak agad ako sa kama pagkauwi ko.
Tapos na ang trabaho at oras na upang magpahinga kaya't kanina pa nakauwi ang mga kasama ko. Ako na lamang ang natitira dahil ako ang inatasan ngayon na isara ang café.
As usual.
Madalas na inaatas ito sa akin at ito rin ang pinakaayaw kong inuutos ni Mrs. Sarah, ang manager namin. Dahil imbes na maaga akong makakauwi at makakapagpahinga, nauudlot iyon dahil rito.
Pagkatapos kong maglinis, isinara ko na ang café at nagsimulang maglakad papauwi. Hindi kalayuan rito ang tinutuluyan ko kaya nilalakad ko lang ito araw-araw. Atsaka alam ko naman na kahit gaano kalayo iyon, hindi ko gagastusin ang pera ko para sa pamasahe kung gumagana pa naman ang paa ko.
Mula dito, tanaw ko ang convenience store. Nagsimula akong maglakad patungo roon para kumain. Nang makarating, mabilis akong kumuha ng cup noodles at binayaran sa counter.
At dahil walang tao, mabilis akong nakahanap ng mauupuan at mabilis na linantakan ang pagkain. Lagi akong kumakain ng noodles rito. Lalong lalo na kapag gutom na gutom na ako at laging ginagabi. Gusto kong humilata agad sa kama pagkarating ko sa bahay.
Atsaka ayaw ko na kasing abalahin pa ang Tita ko pagkauwi ko. Hindi naman kasi ako marunong magluto at baka tuluyan na akong mawalan ng matitirhan kung susubukan ko uli.
With feelings kong hinigop ang huling sabaw sa cup noodles na para bang nasa isang komersyal ako. Napahagikhik ako sa kalokohan ko maliban sa tyan ko. Napahawak ako rito nang maramdamang hindi ito nakuntento. Kailan ba ako nabusog sa simpleng noodles lang?
Napabuntong hininga ako at tiningala ang mga bituwing naglalaro sa madilim na kalangitan. Isang ngiti ang sumibol sa kanyang labi. Para silang mga munting alitaptap. This is something you can't capture in a photo. Tanging sa mga mata mo lamang maaaring makita ang tunay na kagandahan nito.
Napakaganda. Ginagawa nitong gustuhin ng kahit sinuman na abutin at ikulong ang tala sa kanilang mga palad at damhin ang init na dala nito.
Napalitan ng lungkot ang kanyang pagkamangha.