58/2

4.4K 34 14
                                    

Erinn search her father immediately pagkapasok na pagkapasok sa bagong tinitirhan nila Elsa.

"Anong ginagawa niyo dito?! What the hell Nathan, hindi mo lang ako ininform na darating ka at kasama pa 'tong babaeng 'to!" Biglang gumulo ang paligid ni Elsa. Kung pwede lang nitong pagsarhan sila Nathan ay ginawa na niya, huli na.

"Where's Henry?" Preskong sagot nito na tila walang pakialam sa sinasabi ni Elsa.

"Nathan please not now. He's healing, we're healing so please get that girl out of my house with you." Nathan grab Elsa's hand, nilayo niya ito sandali at kumuha ng oras para makausap ang kapatid.

Erinn is crying, sobrang lapit na ng kanyang Papa, nararamdaman niya pero parang gumagawa pa ang tadhana na ilayo parin siya. Nanatili siyang nakatayo sa kinaroroonan niya habang sinasalo ang mga tingin ng kasambahay na nakapaligid sa kanya hanggang sa bumalik na sila Nathan at ang kalmado nang si Elsa.

Nilapitan ni Elsa si Erinn.

"Uumpisahan ko ng maglagay ng mga pangontra ng malas sa bahay ko lalo't nandito ka." Diretsa nitong sabi.

"Hindi porket nandito ka, pwede mo nang lapitan o kausapin magdamag si Henry. Alam mo naman siguro ang dahilan."

"T-hank you po Tita Elsa, pangako po susundin ko po lahat ng utos niyo hayaan niyo lang akong makita at makasama si Papa." Dahil sa galak, hahawakan na sana nito ang mga kamay ni Elsa pero mabilis nitong iniwas at inalayo ang sarili kay Erinn.

"Wag ka masyadong masaya, baka magulat ka pag nakausap mo na si Henry." Kumunot ang noo ni Erinn at biglang naguluhan.

"A-no pong ibig niyong sabihin?" Tinuro ni Elsa ang isang kasambahay at inutusang kumuha ng uniporme nito pagkatapos ay kinausap nito si Nathan at tinuro kung saan ang magiging pansamantalang kwarto nila ni Erinn. Agad na pumunta ng kwarto si Nathan at hinayaan ang dalawang mag-usap.

"Going back to what you did to your father, sa tindi ng aksidente himala na lang talaga na nabuhay siya." Nanumbalik ang sobrang guiltness kay Erinn.

"Henry is on theraphy at dahil sa suporta ka sobrang bilis ng progress ng healing niya pero alam mo kung ano yung pinakagusto kong nangyari simula ng nagising siya, yun ay yung wala siyang maalalang tao ni-isa." Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Erinn at natatakot sa bawat pagbuka ng bibig ni Elsa.

"Kahit na ikaw." Sobrang nalungkot at naawa siya sa kalagayan ng Papa niya. Para siyang pinapatay ng konsensya niya.

"Hindi pa kaya ni Henry makarinig o makakita ng sobrang stress, kung ano lang yung alam niya na alam kong makakabuti sa kalagayan niya yun lang ang dapat na manatiling nasa isip niya. At ikaw, wala kang lugar sa isip niya." Ibinigay ng kasambahay kay Elsa ang unipormeng pinakuha nito dito.

"Hindi ko alam kung san ka humuhugot ng lakas ng loob at kapal ng mukha para makasama pa si Henry, pero sige dahil ambisosya ka ibibigay ko gusto mo na makita siya pero sa paraan na gusto ko. Susundin mo ko diba?" Ibinigay ni Elsa ang uniporme ng pang-katulong kay Erinn.

"Hindi kana kilala ni Henry, pero pwede kang magpakilala sa kanya bilang katulong. Gusto mo siyang makasama, ayan makakasama mo na siya!" Gusto niyang humindi, tumutol pero hindi niya magawa. Sa pagkakataong ito, walang sagot na "hindi" ang dapat matanggap ni Elsa.

ERINN (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon