Prologo

28.6K 203 3
                                    

Madilim ang paligid at tila nasa isang lugar ito kung saan walang katapusan ang daan.

"Tulong !." salitang paulit-ulit nitong isinasambit. Gusto nitong kumaripas ng takbo pero tila ba isa itong estatwa na kahit anong takbo nito'y hindi siya makagalaw sa kanyang kinalalagyan. Isama pa ang metal na mahigpit na nakakabit sa kanyang kamay. Damang-dama nito ang pagod habang patuloy sa pagtagatak ang kanyang pawis, maging ang lakas ng pintig ng kanyang puso ay dinig na rin niya.

Palapit ng papalit ang hakbang mula sa kanyang likod. Muli nitong sinubukang tumakbo pero bigo pa rin ito. Walang humpay na pagsigaw at paghingi ng saklolo subalit ni isang imahe ng tao, wala. Ang tanging naririnig lamang niya ay ang papalapit at mabibigat na hakbang ng estranghero.

Wala na siyang sapat na lakas para ipilit pa ang pagtakbo. I'ts just too much to bear, ang sakit, ang bigat at ang pagod. Unti-unti, sa tagal ng pagtakbo, sa paghingi ng tulong, sa lakas ng kanyang hingal ay bumagsak at napaupo na sa lupa.

'Anak... Lumaban ka !' . Ngiti at imahe ng kanyang ina ang saglit na pumasok sa isip niya. It was her words. Isa sa mga nagpapatibay sa kanya. Subalit, wala na siyang lakas katulad ng isang sangang marupok at natutuyo. She's so weak.

'Mama...' halos pabulong nito na sabi habang unti-unting namumuo ang kanyang luha sa kanyang mga mata.

Lumingon ito sa kanyang likuran ng mapansin niyang wala na ang mga mabibigat na hakbang subalit laking gulat nito ng makita niyang nasa harap na niya ang estranghero at unti-unting pinulot ang dulo ng kadenang nakakabit sa kanyang kamay.

Lumapit at lumuhod ito sa kanya. Dahan dahan ay idinapo ang kamay sa magkabilang pisngi nito. Hindi nito mawari kung anong ekspresyon ang nakabalot sa mukha nito. Patuloy parin ang pagtulo ng luha niya. Dahil alam niya, wala siyang magawa at wala na siyang magagawa.

Walang salita', tumayo ito. Ang pagbabago ng kanyang ekspresyon ay nagdulot ng panibagong takot sa kanya. Pagkatapos nun ay tumalikod ito. Pakiramdam niya'y natanggalan siya nang tinik sa buong katawan hindi lamang sa kanyang dibdib. 'Wala na siyang gagawin sakin'. pumasok sa isip niya.

Ngunit, isa lamang itong akala. Dahil sa sandaling nagsimula nang naglakad ang estranghero kasabay non ang pagtunog at pagsunod ng kadenang nakakabit sa kanya.

Ito'y dahil hawak nito ang dulo ng kadenang nakakabit sa kanya.

Wala nang oras, Wala nang pagkakataon. Katulad ng kanyang sinabi, There's nothing to do, anymore. Dahil sa pagkakataong ito ay wala na siyang pagkakaiba sa isang bagay na animo'y isang laruan at isang karetela.

Isang mabigat na hingal ang kanyang nailabas ng sandaling maimulat niya ang kanyang mga mata. Panaginip lang Erinn, sambit nito sa sarili ngunit alam nito at sigurado siya, na hindi lamang ito basta panaginip.

Malakas na bumukas ang pinto mula sa kwartong kinaroroonan niya.

Nandito siya.

Muling naghalo ang kanyang emosyon; galit, sakit at higit sa lahat takot.

ERINN (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon