Kabanata 20

17.3K 429 68
                                    

Kabanata 20

Make it with you

Pareho kaming tahimik sa loob ng suite ko. Nang makapasok siya, hindi na siya nagdalawang isip na umupo sa couch at nag feeling at home. He put his both feet on the top of my table. Ang dalawang braso ay nasa likod niya, at ang mga mata ay mariing nakatitig sa akin.

Sa totoo lang, nasisiraan na yata ako ng bait. Sino ba namang babae ang hahayaan na ang isang tao pumasok sa bahay niya, malala pa at ex niya ito. Ako lang yata ang ganun. Ako lang ata sa napakaraming babae dito sa mundo.

"For sure may bahay ka dito. Bakit hindi ka doon umuwi. You are disturbing me." Walang modo kong sabi.

He smirked. Ayan na naman, bumalik na naman ang pagkasira-ulo niya. Kanina parang maamong tuta kung magmakaawa sa akin, ngayon demonyo na muli.

"Mas magaan ang loob ko dito kaysa sa condo ko." Simpleng sagot niya na kinangitngit ko.

This man is literally crazy. Ano pa ba kasi ang gusto niya? Ano pa ba ang habol niya sa akin? Kasi kung ako ang tatanungin, kontento na ako kung ano man ang meron ako ngayon. I am contented with what I have, my degree, my work and my life. I'm actually contented and it's enough for me?

Enough? Talaga bang sapat na iyon sa akin? Heto ah, hindi na ako magdi-deny sa sarili ko. Alam ko na may hinahanap pa ako, alam ko na may kaunting kulang pa. Alam ko sa sarili ko na may nawala talaga kahit pa nakapagtapos na ako at nakuha ko na ang minimithi ko. At kahit pa sabihin kong may boyfriend ako, may kulang talaga. Nagsisinungaling ako sa sarili at kay Avren, nagsisinungaling ako sa katotohanang may hinahanap pa ako.

I'm still looking for that caring, and love I've felt before. Fuck hindi na maganda ang dumadaloy sa utak ko. Hindi na maganda na balikan pa iyon.

I'm scared, scared to the fact that I fall hard before. Napaluhod nga ako eh, nagmakaawa pa ako.

Although mahal ko si Avren pero hindi siya katulad ng dati kong pag-ibig. Hindi siya katulad ng una kong pag-ibig. Tama nga sila sa katagang; 'Ang una mong pag-ibig ang uukit sa puso mo at mahihirapan kang magmahal muli.'

Naguguluhan na ako, naguguluhan na ako sa dalawang bagay na iniisip ko. Naguguluhan na ako sa pagmamahal ko kay Avren, at sa pagpayag ko kay Ranniel na papasukin siya dito sa suite, na kaming dalawa lamang.

"You're disturbing me. I should be at my bed, laying myself and refreshing my mind. Pero dahil nandito ka at alam ko na nasundan ka ng media wala na akong magagawa pa. Ayokong kumalat ang mukha ko sa telebisyon." Seryoso kong sabi.

Ngumiti lang siya bago binaba ang paa at tumayo. Naguluhan ako kung bakit siya tumayo. Aalis na ba siya? Uuwi na? Natamaan ba siya sa sinabi ko?

"Then let's go to sleep. I really want to hug you at your bed, aamuyin ko ang buhok mo tapos yayakap ka sa akin pabalik." Maligaya niyang sambit na kinagalit ko.

Shit hindi pa pala uuwi. Akala ko ready to go home na siya. Wala talagang hiya ang mukha niya, kahit nagkasiraan kami noon nagagawa niya paring humarap sa akin ngayon. Kung ibang tao lang siguro ito, baka hindi kayanin.

"Your so annoying." Inis kong sabi at tinalikuran siya. Ayokong makipag-usap sa kanya, nawawalan ako ng gana. Nasisira ang bait ko.

Binuksan ko ang kwarto at pumasok, nang isasara ko na ay agad siyang pumasok kaya nagulat ako.

"Get out." Malamig kong sabi.

Ngumuso siya sa akin at naging malungkot ang mukha niya. Shit bakit ganyan siya? Bakit natutuwa ako?

"Why so heartless Dr. Fumar? Na-miss lang naman kita eh, gusto lang naman kita mayakap sa pagtulog. Gusto ko lang ulit maranasan yung ginagawa natin sa kama kapag tabi tayong natutulog." Nakanguso lang siya.

Costiño Series 2: Owned By My Enemy (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon