Chapter 01

67 0 0
                                    

Chapter 01.

Samantha's POV:

"ANO?? Break na kayo?? Eh last week lang naging kayo ah!!"

Me: Huyy. Lower your voice Pat, ang ingay mo.

Pat: Eh kasi naman Sam, last week lang kayo ni Jake tapos may bago ka na naman.

Me: Eh hindi nga namin gusto yung isa't isa. Dare lang yun Patt.

Pat: Ewan ko sayo. Ewan ko ba kasi bakit umabot ka ng ganyan.

Me: Babalikan na naman ba natin Pat.?

Pat: Hayy naku Sam kung hindi lang kita kaibigan. Wala ka namang mapapala diyan eh kung ako sayo mag aaral na lang ako.

Me: Alam mo Pat hindi ako tutulad sayo na walang ginawa kundi magbasa. Hindi ka ba nagsasawa? 

Pat: Hindi. Kasi dito may mapapala ako. Diyan wala. Kelan ka ba magseseryoso Samantha. Matagal na yung ---.

Me: Pat, please ayoko nang maalala. At tsaka gumaganti lang naman ako sa ginawa nila sa akin. Alis na nga ako baka saan pa umabot ang usapan na ito.

Pat: Pero..

Me: Mamaya na lang Pat. See yah.

Yeah! Galit ako sa lahat ng lalaki. Mga manloloko, paasa, manggagago silang lahat. Anong akala nila sa mga babae laruan? na kapag nagsawa itatapon nila. Ang kapal naman ng mukha nila. Pero ako tama na yung isang beses na ginago ako. Hindi na ako papayag ulit. 

Ako nga pala si Samantha Mae Ramirez, 14 years old. Nag aaral sa Scheider Academy. Yung kausap ko kanina si Patricia yun bestfriend ko. Sobrang ibang iba ng ugali naming dalawa. Hindi ko nga alam kung paano kami naging magkaibigan eh. Kasi diba sino ba namang ang magiging mag bestfriend na isang CASANOVA at isang NERD diba diba??

Sobrang protective ako kay Patricia. Ayoko kasi maranasan niya yung nangyari sa akin.

Flashback:

Freshmen ako nung nakilala ko si James. Magkaibigan na kami ni Pat nun. Yung mga personalities na hinahanap ng isang babae sa isang lalaki nasa kanya na. Two years yung relasyon namin. Pero yung two years na yun puro kasinungalingan lang pala.

Ginamit lang niya ako. Pinagpustahan. Ang galing nuh? Masyado akong nagpakabulag sa kanya. Kahit ang daming dami niya ng kasalanan sa akin pinapalampas ko. Dumating na nga sa point na nag away na kami ni Pat eh dahil sa kanya.

Nahuli kasi siya ni Pat sa Mall may kasamang babae, akala niya nung una kaibigan lang pero nagulat siya nung hinalikan ni James yung girl. Hindi ko siya pinaniwalaan, kaya dumating sa point na pati pagkakaibigan namin nagka conflict na. Hanggang ako na ang makadiskubre.

Saturday nun. Pupunta ako sa Mall may pinabili kasi si mama at tsaka kailangan ko rin bumili ng mga gagamitin ko para sa project sa Religion. Ako lang mag isa, hindi na kasi kami nag uusap ni Pat dahil yun nga dahil kay James.

Pagkatapos kong bumili sa NBS ( National Book Store). Dadaan muna ako sa Supermarket. Para sa grocery namin. Habang naglalakad ako para bang may nagsasabi sa akin na lumingon ako. At nung paglingon ko, nakita ko siya si 

James with a girl :O.

Nag init bigla ang ulo ko. Lumapit ako sa kanila.

My Bestfriend's BoyfriendWhere stories live. Discover now