Chapter 87

83 4 0
                                    

Gyl's PoV

As what Cole said, niyaya niya akong lumabas, so yun niyaya niya din akong magdate, a friendly date. Medyo malayo ito sa hotel ni Mr. Wilkerson, di ko alam rito kung paano niya nalaman

Dahil nga sikat siya, so andito kami sa VIP room. Baka daw maraming paparazzi, ayaw niya magka-iisue. Loko talaga ito

"Mr. Cole here's your order. Buon appetito" sabi nung waiter

"Grazie!!" sabi ko

Nang makaalis na ang waiter ay saka lang ako muling nagsalita. Nakatitig lang kasi ako sa kanya. How can it be? Isang Cole Bretman nagyaya sa iyong lumabas

"Is there something wrong? Bakit ka nakatitig ng ganyan?" tanong niya sa akin

"Hmm, wala naman na-aamaze lang ako kasi sikat ka tapos niyaya mo ako ng ganito" sagot ko

"Sus, wala yun noh ka ba" sabi niya

Pa-humble rin itong baklang ito eh. But before that, naalala ko yung pagpunta ni Juno sa company niya, sasabihin ko kaya sa kanya yun?

"Alam mo, bago ka pa antokin dyan, kumain na tayo. Nabalitaan ko kasi na masarap ang pagkain nila dito" sabi niya

Laptrip talaga ito. Kaya naman, we started to eat. At tama nga siya, sobrang sarap ng pagkain nila lalo na yung soup nila. Grabe

"Oh busog ka na, huwag kang mag-alala meron pa. May dessert pa ito" sabi niya

"Sure ka? Baka mamaya i-shoulder mo ito sa akin ah" sabi ko

"Sira! Ako ang nag-aya sa iyo tapos ikaw pagbabayarin ko, syempre ako na yun" sabi niya

"Joke lang ito naman. Alam ko naman yun eh, oh siya nasaan na ba?" sabi ko

"Mr. Cole here's your desserts.. Enjoy Sir" sabi nung waiter

"Grazie" saad ni Cole

Habang nag-eenjoy kami sa desserts na hinain dito, bigla siyang sumeryoso at di ko alam kung bakit

"Oo nga pala. Isa rin itong dahilan kung bakit kita niyaya ngayong gabi" paunang sabi ni Cole

Nagtataka lang ako dito, bigla-biglang sumeseryoso

"Hmm, ano naman yun?" tanong ko sa kanya

Sinimulan niyang kwinento ang gusto niyang sabihin sa akin. Nagulat ako sa mga sinasabi niya

"Nakwento ko rin kay Andie ang tungkol rito. Nagulat nga rin siya nung malaman niya ang tungkol sa panaginip na yun" sabi ni Cole

Ito kasing si Cole, napapanaginipan daw kasi niya ako, at di lang ako dalawa kami ni Kenn. At ang malala, sa panaginip na yun, kasal kami ni Kenn

"Natatakot lang ako na baka sa susunod na pagtulog, kayo na naman ang laman nun" sabi ni Cole

Nagcocontinue kasi yung panaginip ni Cole. At kwinento niya sa akin ang lahat-lahat

"Alam mo, panaginip lang yun, malabong magkakatotoo okay. Tsaka di naman na kami gaanong nakakapag-usap ni Kenn, although we're on the same workplace" sabi ko

Totoo naman yun. Minsan na lang, lalo na kapag sa trabaho, dun na lang kami nagkakausap

"Di yun mangyayari okay" sabi ko

"Sana nga. Pero sabi mo eh" sabi ni Cole

Mga ilang sandali pa ay natapos kami sa pagkain namin pero niyaya niya pa akong maglibot rito. Sobrang lamig ngayon dito dahil nga winter din at medyo nag-ssnow. Tapos dumami ang places and parks na pwedeng puntahan

I Love The Way You Are Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon