𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 4
𝓢𝓪𝓶𝓪𝓷𝓽𝓱𝓪📌
Ano ba dapat sabihin ko? Hmm, wala, wala akong dapat sabihin. Nakakatamad.
"May gift ako sainyo! Hehehe!" tiningnan namin si Mara na may halong pagtataka.
May kinuha si Mara sa kanyang likuran at agad ipinakita samin.... Heck?! Clips?!
"Mara, we're not kids anymore. Ikaw lang yung bata dito" ani ko. Perks of being the big sis in this group. Lol.
Nakita kong sumimangot siya. Di siguro natuwa sa sinabi ko. Well, that was true, she's just 17 turning 18, 3 months from now.
"Grabe ka, months lang agwat natin. Psh. Regalo ko nga to sainyo, di naman sa binigyan ko kayo ng ganito e bata na. Patawa ka rin Sam e. HAHAHAHA" may nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala.
Inilahad ko ang kamay ko sakanya at agad nya naman itong inilagay sa mga palad ko.
"Odibaa! You can't resist my charm! muHAHAAHAHA" baliw.
My first encounter with this bipolar Mara was not so good. Di na ako magfa-flashback. Hassle. Pakealam ko sainyo.
"Dinner's serve!!" sigaw ni Eunice sa kusina.
Agad na akong tumayo at pumunta na sa hapag kainan. Sumunod naman si Mara at Gab sakin na parehong naka hawak sa kaliwa't kanan kong braso. Psh. Kids.
"Euniceeeeeee! May gift akoooo! Hetooo oh!" ani Mara.
Tumakbo ito palapit kay Eunice at binigyan rin ng clip. Ba't nya ba kami bibigyan ng ganon?
"You know, Mara's not a normal teenager, Sam. Kung may ibinigay man siya satin, puro yon mga inimbentuhan nya." Gab said as if she read whats on my mind. Well, not shocking after all. "She really have a good heart. So fragile." dugtong niya na ikina-tango ko.
"She's no fragile. Just a good heart. She's Lucifer, right?" I said. Agad akong umupo at sumandok na ng kanin.
"Psst, Psst! Psst!" nairita ako ng sinundot sundot ni Mara ang braso ko.
"What?" ani ko habang kumakain.
"Subuan mo'ko hehehehehehehe pleaseeeeee?" oh shit. Umaandar na naman.
"Hmmmmm................." agad lumiwanag ang kanyang mata sa sinabi ko. "No." dugtong ko na ikinabagsak ng kanyang balikat.
"Eunice oh di ako susubuan ni Sam! Bad sya!" pagsumbong nito kay Eunice na kumakain rin.
Walang gana nya itong tinignan at sumubo ulit ng kinakain.
"Kung magpapasubo ka pa kay Sam, mauubusan kana. Bahala ka dyan." ani Gab na parang sarap na sarap sa luto ni Eunice.
Can't blame her. Eunice is good at cooking. Kaya siya ang laging nagluluto sa mga pagkain namin.
Tiningnan ko ulit si Mara at nakitang mangiyak ngiyak niyang sinubo ang nasa kanyang plato.
"Stop that look, Mara" ani ko.
Mara looked at me and rolled her eyes before continuing eating her food. She's cute doing that.
Pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa sala at nanood ng movie.