Prologue

20 0 0
                                    

Kahapon pa ako kinukulit ng kaibigan ko na samahan siya sa MOA kasi may event duon na may mga libro. Mahilig kasing mag basa ng libro 'tong kaibigan ko at ako naman ay hindi. Magpapa pirma daw siya sa mga author, nagsusulat daw sila sa isang sikat na app nakalimutan ko nga lang ang tawag.

"Saf! Sige na oh. Libre naman kita eh, libre kita ng books hehe." Kulit niya pa sa akin, nandito kami ngayon sa isang fast food chain malapit sa village namin.

"Ano namang gagawin ko sa libro?" Sabi ko at inirapan pa siya. Alam na niyang hindi ko hilig ang mag basa. Si Cyndra ay nakilala ko noong College days, nagpatulong kasi siya sa akin sa isang subject tapos ayun lagi na kaming magkasama.

"Oh sige, foods?"

"Sure."

At eto nga kami ngayon nakapila para makapasok sa booth ng isang publishing company. Ang daming tao, sobra. Hindi ko alam na madami palang nagbabasa? Ako kasi hindi ko hilig yan, mas gusto ko ang nanunuod ng mga movies.

"Pasok na po." Announce nung crew ng isa sa mga Publishing company na nandito.

Nakatunganga lang ako sa loob kasi wala naman akong bibilhin eh, tiningnan ko nalang si Cyndra na nagmamadaling pumunta sa isang stand. Napansin ko ang ibang mga libro na natatapakan na.

Lumapit ako duon at pinulot isa isa, kapag ako siguro nahilig magbasa never kong hahayaan na mahulog at tapak tapakan yung mga libro ko. Napansin ko din na yung iba kinukuha yung mga bookmarks, ganyan ba talaga sila? Hindi nila pinapahalagahan ang isang bagay. Paano nalang yung may gusto noong libro? Kawawa naman yung mga librong walang bookmark tiyak na hindi na sila bibilhin.

"Saf! Tara na sa cashier!" Nagmamadaling sabi ni Cyndra at nauna na nga sa cashier. Six am palang ng umaga ay nakarating na kami. Buti nalang at bukas na kaya agad din kaming nakapasok.

Napangiwi ako sa sobrang sikip, mauuna nalang akong lumabas. Hinahanap ko si Cyndra sa mga nakapila ng ang daming books na nagsihulugan sa sobrang tulakan ng iba. Napailing na lang ako, dapat kasi ten to fifteen lang ang pinapapasok para hindi masyadong madaming tao.

Nang mahanap ko si Cyndra ay nagpaalam na ako na mauuna na sa labas at hintayin ko nalang siya sa exit. Buti nalang at pumayag siya. Lumabas na ako at naghintay ng mga ilang minuto duon bago nakalabas ng booth si Cyndra. Yung tipong pumasok kang fresh lumabas ka ng lanta na, ganoon ang nangyari sa amin.

Hinila niya ako sa likod nong booth na medyo kaunti lang ang mga nakapila kasi siguro nasa loob pa ng iba yung booth.

"Anong meron dito?" Tanong ko.

"Authors, magpapa sign ako ng book. Tig dalawa binili ko, sa'yo yung iba." Sabi niya at binigay sa akin yung mga libro.

"Cyndra, sabi mo sasamahan lang kita."

"Saf naman eh, please? Last nalang 'to tapos kakain na tayo at uuwi tapos bukas ulit hehe."

"No, last na tong ngayon ah? Wala ng bukas." Final na sabi ko, sobrang daming tao ayaw ko pa naman ng ganoon feeling ko mauubusan ako ng oxygen at yun ang mag ccause ng asthma ko.

"Okay fine, pero tara na umusad na yung pila." Excited na sabi niya at dali daling lumapit sa kasunod niya. Napailing nalang ako.

Limang tao pa bago kami kaya tiningnan ko muna yung mga libro. Ang gaganda ng mga cover ang fresh sa mata.

"Buksan mo na Saf!" Sabi ni Cyndra habang tinatanggal niya sa sealed yung kaniya.

"Okay," sabi ko nalang at binuksan na lahat. Kami na yung next at sobra na ang ngiti ni Cyndra halos mapunit na ang labi niya sa kakangiti. Binigay naman niya yung phone sa isang staff at nagpa picture. Napailing nalang ako.

Our StoryWhere stories live. Discover now