Chapter 02

11 0 0
                                    

"Saf!" Malakas na tawag ni Cyn pagkapasok ko palang ng Coffee Shop. Napalingon ako sa katabi niya at nagkatitigan kami. Ano nanaman bang ginagawa nito dito?

Wala na akong nagawa kaya naglakad nalang ako papunta kina Cyn. Dapat talaga nag shades na ako, dahil namamaga pa ata mata ko kakaiyak kagabi.

"Luh, namamaga ata mata mo? Puyat ka ba? Or umiyak ka?" Tanong ni Cyn na inilingan ko lang. Napansin ko sa gilid ng mga mata ko na tinitigan ako ni Eivan.

"Bakit mo ba ako tinawag?" Tanong ko nalang sakaniya.

"Hinahanap ka kasi ni Julian!" Nangingiti nitong sabi. Inirapan ko nalang siya at nilingon ang nasa harap niya.

"What do you want from me?"

"Can we talk? She said you're free today."

"I'm not. May pupuntahan ako." Nang maalala ko ang pwestong titignan ko.

"Pwede kitang samahan." Presinta pa niya.

"I don't need you." Sabi ko at tinalikuran sila. Narinig ko pa ang tawag ni Cyn pero hindi ko na sila nilingon pa.

Pagkapasok ko sa office ay naupo din ako sa swivel chair ko at hinilot ang sentido ko. Napalingon pa ako sa pintuan ng pumasok si Cyndra doon.

"Bakit?" Tanong ko dahil nakasimangot siya.

"Bakit naman ganon mo kausapin si Julian, mukhang mabait naman siya." Sabi niya pa. Napabuntong hininga nalang ako. 1st year college kasi noong nakilala ko si Cyndra kaya di niya kilala si Eivan at hindi niya alam na Ex ko siya. Pagka graduate namin ng Senior High nina Eivan ay hindi ko na siya muling nakita ulit. Si Harold din ay walang kaalam-alam. Galit na galit pa nga si Kuya ko sa ginawa ni Eivan sa akin.

"T*ngina 'non. Pinagkatiwalaan ko yung g*gong yun tapos paiiyakin ka lang ng ganito? Iiwan ka lang ng ganon kadali? Hay*p yun ah! Wag lang papakita sa akin yung ug*k na 'yon makakatikim siya sa akin." Galit na galit na sabi ni Kuya habang umiiyak ako sa tabi niya.

"Ex ko siya." Mahinang pag-amin ko.

"Ha? Ano? Mali ata pagkaka dinig ko." At lumapit pa siya.

"Ex-boyfriend ko si Eivan." Sabi ko sakaniya at napanganga naman siya sa narinig.

"Weh? Shet. Hindi nga? Hala ang swerte mo!" Sinamaan ko nga ng tingin. Anong swerte doon? Napailing nalang ako.

"Joke. Pero anong nangyari? Bakit nag break kayo?"

"Iniwan niya ako ng walang p-paalam." Sabi ko at napatingala dahil nararamdaman ko nanaman na maiiyak ako. Kainis naman eh, saan na yung 5 years na pagmomove on ko? Bakit umiiyak nanaman ako? Kainis ka naman Safia eh!

"Ay walanghiya! Teka papaalisin ko nga dito sa Coffee Shop!" Inis na sabi niya pero pinigilan ko.

"Hayaan mo na." Sabi ko at pinunasan ang luha ko na tumulo. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako.

"Wag ka ng umiyak!" Natawa naman ako dahil narinig ko ang pagkakabasag ng boses niya at sunod na ay ang pagiyak niya.

"Ikaw ang wag umiyak." Natatawang sabi ko.

"Kung alam ko lang edi sana hindi ko na binigay number mo!" Mas lalo pa siyang umiyak.

"Okay lang 'yon, tahan na." Sabi ko at tinapik tapik yung likod niya.

"S-sorry talaga!" Sabi niya habang sinisinok pa. Tinawanan ko nalang siya pero mas lalo pang siyang naiyak.

"Tahan na, Cyn. Order ka muna ng makakain natin." Sabi ko nalang tiyaka nagugutom na ako dahil coffee lang yung inalmusal ko.

Our StoryWhere stories live. Discover now