Chapter 01

15 0 0
                                    

Chapter 02

Pinagmamasdan ko siya rito mula sa ilalam ng puno, nakaupo siya sa isang bench sa tapat ng isang fountain habang may pinapanood sa kaniyang cellphone. Gusto ko sana siyang i-add sa facebook kaso hindi ko naman naitanong ang kaniyang apelyido.

"Uy pare, may gusto ka ba kay Sofia?" Nagulat ako sa pagsulpot ng aking bestfriend na si Harold. Siya na ang lagi kong kasama since grade school.

"Ewan, siguro." Ang tanging sagot ko, dahil hindi ko rin naman alam eh, gusto ko na nga ba siya?

"Nako, mahihirapan ka kung sakaling gusto mo siya." Sabi ni Harold.

"At bakit naman?" Tanong ko.

"Bantay sarado yan ng Kuya niyang si Trax, bunso kasi eh."

"Trax? Yung captain ng basketball team?" Tanong ko.

"Oo, at alam mo ba? Kahit mga kaibigan niya ay hindi niya pinapayagan na manligaw kay Sofia."

"Wala naman akong balak ligawan siya, hindi ko siya gusto." Sabi ko sa kaniya. Hindi nga ba?

"Sabi mo eh, pero pinapaalalahanan lang kita ah? Mahirap kalabanin yang si Trax pare, baka mabugbog ka ng wala sa oras,"

"Baka nakakalimutan mo na kumuha ako ng boxing lessons dati?"

"Ayy oo nga pala, sabay pala tayong nag take non." Sabi niya at natawa pa, sinapak ko nga. Napalingon ulit ako sa kaniya na tutok na tutok pa rin sa pinapanood, ano kayang pinapanood niya? Parang interesadong interesado siya, bakit kaya hindi nalang naging ako yung pinapanood niya?

Hindi ko na matandaan yung pinapanood ko dito, pero ang creepy naman niya! Pinagmamasdan niya ako mula sa malayo?

Nandito ako ngayon sa coffee shop namin ni Cyndra, yes meron kaming sariling coffee shop. Malapit na ngang mag Anniversary ito. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng may kumatok sa pintuan ng office namin ni Cyndra.

"Pasok," sabi ko at pinatay ang akin phone. Bumukas ang pinto at pumasok ang Head ng mga Waiters.

"Ma'am Denise, pinapatawag po kayo ng isa sa mga customer." Kinakabahang sabi niya.

"Bakit daw?"

"Ma'am natapon po kasi ni Jenny yung Ice coffee sa damit noong customer."

Jenny? Ah, isa sa mga OJT. Tumango nalang ako at tumayo. Nauna akong maglakad palabas at nakasunod lang sa akin si Irish ang Head ng mga Waiters. Alam ko naman kung saan ako pupunta dahil nakita kong nakatayo duon si Jenny na hanggang ngayon ay humihingi pa rin ng sorry sa customer.

"Goodmorning, Ma'am. I'm the Manager and the half Owner of Grano de café . What's the problem here?" Nakangiting bati ko at yumuko pa ng bahagya. Napatingin naman ako kay Jenny na mukhang maiiyak na.

"Your Waitress accidentally pour the coffee on my dress!" Galit na sabi niya habang iminuwestra pa ang dress niyang kulay pula na na may mantsa ng kape.

"Ma'am, as you said it's 'accidentally' So it means it is not planned or intended. It happened by accident." Magalang kong sinabi pero mukha ata siyang nainsulto at mas lalong nagalit pero hindi nalang din siya nagsalita at tumayo na.

Our StoryWhere stories live. Discover now