F.Y.I Maganda ako!

327 10 2
                                    

"You're beautiful, every little piece, love

Don't you know, you're really gonna be someone

Ask anyone"

 --------------------------------------------------------------------------------------------

"ahhhh..Ibuka mo pa para mapasok ko ng maayos..... Ayan, sige pa.... Hmmmm... Masarap diba? Isa pah. Aaahh!"

"ATE CLAUDZ!!! ano ba yan, ang ingay nyo! Magpapakain na lang kay Baby, ang ingay pa!!"

"Pasensya naman, nagising ko po ba ang mahimbing nyong tulog SEÑORITA IRISH YUMINA FERRER...."

"Oo! Rinig na rinig yung boses mo po sa taas! Tss! Yung mga kapitbahay natin akala kung ano na ang ginagawa mo!!"

sagot ko naman kay ate sabay subo sa isang hotdog. Ganyan kami magusap, nagsisigawan.

"oh?ano na naman yang pinagaawayan nyo?!"

tanong naman samin ni mama, habang inilalagay yung ulam sa may lamesa.

"si Ate kasi Mama eh, magpapakain lang ang lakas pa ng boses! Ganda na nga ng panaginip ko kanina.tss"

"Hoy! Hoy! Nahiya naman ako sayo! Tanghaling tapat nakahilata ka parin sa kwarto mo!"

"so what?!"

"tignan mo nga yang mukha mo,pwede ng pangprito ng itlog sa sobrang oily! Tapos hindi ka pa muna magsipilyo, pinapak mo na agad yang hotdog! Kadiri ka!"

"oh? Anong point mo dun?!"

tss. Nakakaasar talaga itong si ate, ang daming alam. Bakit hindi na lang kaya sya magteacher?!!

"Point ko?! Wala akong point! Baka ikaw, ang dami mong Point point sa mukha! Ahaha!"

"SO? kahit may pimples ako maganda parin naman! Eh ikaw? DUH!! Makinis nga, ang tanong MAGANDA KA BA?!!"

"OO! Ako nga may BOYFRIEND, eh ikaw? kahit nga manliligaw wala eh.AHAHA!"

Ano ito personalan?!!

May nanliligaw naman sakin ehh.Actually, lima pa nga sila.... Sila ano.. Sila----

"ay sorry, may manliligaw ka nga pala. Sino nga ba mga yun?AHAHA!"

"Shut up! Ewan sayo ate!"

"Ahh sila RICHARD TULOK, NOGNOG BUNGAL, BOY ALIPUNGA, si NICO na may ALMURANAS, at sino pa ba yung isa, yung si.... aaahh si BOY ABNOY! AHAHAHAHAHA!"

Grrrrr!!! halos mabali ko na yung tinidor na hawak ko sa sobrang inis kay Ate! ASAR!!

"Oh,tama na yan nasa harap kayo ng hapagkainan nagaasaran kayo dyan, Irish maghilamos ka nga muna, nilalantakan mo agad yang hotdog"

awat naman samin ni mama. Inirapan ko na lang si Ate at saka tumungo sa banyo.

Araw-araw ganyan kami ni Ate. Hindi kami nag-aaway, sadyang ganyan talaga kami kaSWEET sa isa't isa. Tss. Sanayan lang talaga.     1year lang ang tanda sa akin ni ate Claudia. Tapos si Mistie naman ay 2years old palang,so 18years ang tanda ko sakanya. Tatlo lang kami, ALL GIRLS. tapos si Papa nasa Canada, kaya talagang walang boys dito sa bahay. 4thyear College na ako,Engineering student at si ate naman ay new employee sa isang banco.

Hmm. Well,ayoko pagusapan si Ate, ako ang BIDA dito!!! Ayoko syang isali!!

"IRISH!!!!!!"

"AY ANAK NI MANG KEPWENG!!ARAAYY!!"

nadulas tuloy ako! Kasi si ate makatawag sakin eeh!

Tumayo na ako at lumabas ng banyo habang himashimas ko parin ang pwet ko.

"ppffhh. Anong nanyari sayo?ahahaha!"

pangaasar na tanong sakin ni ate ng makita ang itsura ko.

Inirapan ko nalang sya at hindi na sinagot.

"tss. Whatever! Bakit ka ba kasi sumisigaw?!"

"AHAHA! Tignan mo nga kung sino yung nagdoorbell, may kausap kasi sa phone si Mama, eh ako hindi ko naman maiwan itong si Baby Mimi, diba baby?"

blablabla! Ayaw lang nyang lumabas kasi PANGET sya!

Baka matakot ang makakakita sakanya. Mwahahahaha! You're so meanie Irish! Maganda naman si Ate Claudz kaso nga lang MAS MAGANDA lang talaga ako sakanya. Bleh!

Lumabas na ako ng bahay at tinignan kung may tao ba sa may gate.

Tss.may nagpadala lang pala ng sulat.

Sanay na ako dito. Paano naman kasi every month nalang.

hayst. *Flip hair* mwahahaha!

Wala lang naman yun laman ng letter. Nakakahiya kung sasabihin ko pa.

Galing lang naman yun kay Meral KO!

DISCONNECTION NOTICE.

Hay.yung MERAL-KO talaga,mahal na mahal kami.

"Panget! Panget!"

Papasok na sana ako ng marinig ko na naman ang nakakarinding boses ni Phie.

PARROT namin.

Hindi ko na pinansin. hayop lang yan Irish, wag ng patulan!

"ang galing talaga ng mga hayop, alam kung ano ang maganda at panget"  

Halos magpintig naman ang tenga ko sa narinig ko.

ANAK NG!  ANAK NG ALIEN YAN! SABIHAN BA NAMANG PANGET ANG KAGANDAHAN KONG MUKHA!!!

Tinignan ko yung lalaking nagsabi nun. Nakatalikod sya kaya hindi ko makita yung PANGET nyang mukha! Bahagya syang nakaupo. Ewan ko kung anong ginagawa nya. And I don't care kung ano man yun. Basta ang alam ko ay PANGET sya! Grrr! Kung wala lang grilles na nakaharang eh, makikita nya ang 'HIDDEN SKILLS ni IRISH YOONA FERRER!!

"HOY! Excuse me! Hindi mo yata ako nakikilala, bago ka lang dito nuh?! FOR YOUR INFORMATION MAGANDA AKO!"

sigaw ko sakanya. Bago lang siguro sila dito. Kasi sa pagkakaalam ko ay 'For Rent' ang bahay sa tabi namin 2weeks ago. Tss. Kaya pala hindi kilala ang DYOSA sa lugar na ito eh. Kawawa naman sya.

tumayo yung lalaki at tumingin sa kinatatayuan ko.

*gasp

"i-IKAW?!"

sabay pa naming sabi habang nakaturo sa isa't isa.

***********

*tobecontinued

VOTE.COMMENT.FAN po

NevermindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon