"You need to do this, Yva." Pakiusap sa akin ni kuya.
Paulit-ulit yan bumubulong sa isip ko, ang mga katagang iniwan sakin ni kuya bago siya umalis patungong trabaho.
"Yva,halika na at nandito na si abuelo."tawag sa akin ni papa na siyang nagdulot ng nginig sa aking kalamnan.
Nasa iisang hapag ang buong pamilya at kumakain habang nag-uusap tungkol sa politika. Lumaki na akong sanay sa ganito dahil ilang taon na ring namamayagpag ang ngalan namin sa bayang ito. Kaya naman kinamulatan ko na ang usaping ganito.
"Ano nang plano natin papa?"tanong ni papa kay abuelo.
"Katulad pa rin ng gawi. Ilalabas natin ang baho ng mga Arceo." Sagot naman ni abuelo.
"Pero papa, alam mo naman na-" pagtanggi ni papa.
"Ang kaibahan lang ngayon, sisiguraduhin natin na satin ang huling halakhak."putol naman sa kanya ni abuelo.
Kinilabutan agad ako sa narinig ko kay abuelo. Lalo na kapag politika ang pinaguusapan ay sadyang nagiging ganyan siya.
NAGING maayos naman ang aming hapunan ngunit hindi pa rin ako mapakali sa sinabi sa akin ni kuya kanina.
"Kung noon hinayaan lang natin sina papa na gumawa ng hakbang para rito, ngayon tutulong naman tayo."may awtoridad na sabi sa akin ni kuya.
"Pero kuya, sa paanong paraan naman natin sila matutulungan?"mabilis na tanong ko sa kanya.
"Simple lang,"sabi nya ng may multo ng ngiti sa mga labi.
"But I'll be needing your help little sis, Kailangan mo lang naman makipaglapit sa isa sa kanilang hiyas at ilabas ang totoong baho ng pamilya nila."tugon niya.
"Wait, you mean, I'll need to see someone on their family?"gulat na gulat na sagot ko.
Bago pa man kami mag-usap, naisip ko na rin na kailangan na naming makialam dahil pagbali-baligtarin man ang mundo, darating din sa puntong magkukusa na kami. Bukod pa rin sa pagsabak sa initan sa pamimigay ng flyers sa panahon ng kampanya o sa pagsama sa mga miting de avance. Ngunit hindi naman ako umabot sa puntong kailangan kong manira ng kapwa.
"I know you don't like the idea that I'm giving you but trust me on this one. Hindi mo naman kailangan manira ng kapwa. You just need to know and tell us facts about them."parang nabasa na niya agad ang nasa sa isip ko.
"You need to do this, Yva." Pakiusap sa akin ni kuya.