V

7 0 0
                                    

PART V

 

Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko sa nakita ko, pero napako ako sa kinatatayuan ko mula sa may pintuan ng silid aralan na pinasukan namin.

Tila ba’y may nagsasabi sakin na huwag ng tumuloy pero kailangan ko eh. Para sa grade namin to. Napatingin ako kay Kyle at sya naman mukhang sasapak nan g tao.

Sila Vince naman mukhang nagulat sa pagpasok ko sa room. Nakakainis.

Dumiretso ako sa harapan. Yung kung saan naglelecture yung prof.

Narinig ko naman yung mga bulung bulungan na…

‘Ayan yung original na girlfriend ni Vince di ba?’

‘Ang ganda naman nito para ipagpalit.’

‘Pare, si Diane ba yan?’

‘patay ang ahas nituu.’

Ngumiti lang ako sa kanilang lahat.

“Magandang Tanghali sainyong lahat!”

Umupo ako dun sa teacher’s table at nagsimula ng magsalita.

“Okay lang ba kayong lahat?”

“OO NAMAAAN!” Sigaw nung isang lalake. Napatawa naman kaming lahat.

“Pare anjan yung boyfriend!” – Boy 1

“Asan?” - Boy 2

“May kasamang ahas, Rick!” Sigaw nung babae. Uwaaah! Nakakatuwa ka naman. Nakaka-touchyyyy.  *O*

“Enough of that guys. I came here para sa isang importanteng bagay hindi para makipag away, okay?”

‘Ohmegaaash! Ang bait ni Diane!’ Rinig kong bulong nung isang babae.

“Anywaay, we’re conducting a seminar, more of an event this coming Saturday, 3pm at the Auditorium. It is about persuading people. Techniques, strategies on how to persuade your customer, boss, or anyone within just a snap! Are you guys interested?”

 

Nakita ko naming nagngitian sila at sabay sabay na sumagot ng Oo. Napatawa naman ako dun.

“This will totally help you to do your task especially on your field as a business professionals. We will also teach you on how to speak properly in front of many people like what I’m doing right now. So? Am I expecting you to come?”

 

“Opo naman!” Sigaw nung isang bakla.

“May bayad po ba?” Tanong ni Cristy, I know her kasi kaibigan sya ni Vince.

“Yup. 20 pesos lang naman ang admission fee. Bale yung ibabayad nyo, para sa activities na gagawin natin on the said event.”

 

Wrecked FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon