VII

12 0 0
                                    

8 months later.

“Diane, samahan mo ko.” Pangungulit ni Ashton sa akin. Kanina pa ako nito kinukuliglig eh. Sinabi ngang busy ako.

“I’m busy. Di makaintinde?” Sabay irap ko dito.

“Sandali lang. 5 minutes. No.. 10 minutes. Promise.”

Napataas na lang ang kilay ko. Wala na akong magagawa kundi pumayag na samahan sya. Kasi kukuligligin nya lang ako hanggang sa matapos ang araw na to.

Pano kami naging close?

After ng event hindi agad ako umuwi, pumunta muna ako dun sa lugar kung saan ko sya unang nakilala (Vince)and unexpectedly, itong si Ashton nandun. Cliché. Ganito naman lagi nangyayare sa mga lovestory eh. Alam na this. Syempre as usual ginawa ko na naman syang human tissue at sya naman nakikinig lang. Hindi ko alam kung bakit ba sya ganito ka concern sa akin. Never ko naman sya nakilala or what. Never nga ba?

“Hey?” Napalingon naman ako sa Adonis na kuliglig sa kanan ko. “Can you help me do this?” This? O THESE? -_-

Lumakad na ako palayo. Akala ko ba 10 minutes lang ang hihiramin nya? Mukhang isang buong araw ata ang masasakop nya ah!

Hinila nya yung kamay ko. And nagmakaawa sya. Does his puppy eyes and pouts his lips. Like eew. >.<

“Oo na!”

“Yes!” At akmang yayakapin nya ako. Syempre nakahanda na ang paa ko para sipain sya kaya ayun, tumigil sya at nagsimula na kaming maglinis.

“Sigurado ka bang 10 minutes lang to?” Tanong ko habang tinatanggal yung alikabok sa may desk nya. Grabeng kalat naman kasi ng condo nya. Oo dinala nya ako sa condo nya para maging yaya nya. Pero naglilinis din naman sya. Ni hindi nga ako naglilinis sa bahay eh. Minsan lang. -_- Tapos uutusan nya akong maglinis? Aba matinde.

“Nuuuh. I need you til dinner.”

Napatigil ako sa paglinis at akmang lalabas nan g pintuan pero hinarangan nya ako.

“Ano bang gagawin ko dito, aber?”

Nilagay nya yung hintuturo nya sa may baba, yung para bang nag-iisip sya. Tumingin lang sya sakin. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Creepy.

Sinipa ko yung tuhod nya. “Hoy! Baka minamanyak mo ako sa utak mo ah!”

Tinawanan nya lang ako. “HAHAHAHAHA! No no no. Di ko gagawin yun, unless you insist to do such things. Since it’s just the two of us here.” At bigla syang ngumisi ng nakakaloko. Anak nga naman ng tokwa! Sinampal ko sya ng pagkalakas lakas. Sabay takbo papsok sa banyo nya. Naghahanap ako ng malalabasan dito. At ang loko naman tawa lang ng tawa sa labas.

*knocks*

“Heeeey. Di ko naman gagawin yun sayo. Nagjo-joke lang ako. HAHAHAHA!”

Binuksan ko na yung pintuan at binato ko sa kanya yung roll ng tissue pape. Bwisit sya. Tinuloy lang namin yung paglilinis. Sobrang kalat kasi talaga ng condo nya. Parang kala mo ilang taon ng hindi tinirahan.

“Ilang taon ba to tengga?”

“2 years and a half?” Owkaaay kaya pala. Wala bang naglilinis dito?

“Hindi mo ba pinapalinis to?” Tumigil sya at umupo mula sa pagpupunas nya ng frame.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wrecked FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon