Chapter Three

1.1K 29 5
                                    

Nagising na lang siya nang dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa kanyang mukha. Dahan-dahan siyang bumangon sa hinihigaan dahil pakiramdam niya ay parang mabibiyak ang kanyang ulo sa sobrang sakit.

Kaagad siyang bumangon at naghilamos ng kanyang mukha. Inayos niya muna ang kanyang hinigaan bago siya bumaba ng hagdan. Naabutan niyang abalang abala ang kanyang inay sa kusina.

Bigla itong napalingon sa kaniya nang naramdaman nito ang kaniyang presensya, kaagad siya nitong binigyan ng matamis na ngiti kaya gayun din ang ginawa niya.

“Oh hija, gising ka na pala. Halika, saluhan mo akong kumain ng almusal,” sabi nito habang umuubo ubo pa

Parehong may sakit ang kaniyang mga magulang. Yung tatay niya may tumor habang ang nanay naman niya ay may sakit na cancer, stage 4 at binigyan na ito ng taning para mabuhay.

Napabuntong hininga na lamang siya habang tinitigan niya ang ina niyang abalang abala sa kaniyang niluluto.

Kung puwede ko lang ibenta ang lamang loob ko ay ginawa ko na upang kahit papaano makaipon ako ng perang pang paopera sa mga magulang ko. Hay, buhay! Sana naman matanggap kaagad ako sa trabahong aaplayan ko.

Pagkatapos niyang kumain ay kaagad siyang dumiretso ng banyo upang maligo. Hinubad niya ang damit nito hanggang sa kahuli-hulihang saplot at pagkatapos nun ay sumandok siya ng  tubig na nasa balde. 

Pagkatapos niyang maligo ay dali-dali siyang pumasok sa kaniyang kwarto upang doon magbihis.

Isinuot niya ang puting lumang long sleeve na pinaresan ng maikling itim na skirt.

Dali-dali niyang sinuklay ang kaniyang mahabang buhok atsaka niya tinirintas ito.

“Nanay, aalis na ako!!” sigaw niya nang nakababa na siya ng kanyang kwarto

Humahangos naman na lumabas ng kusina ang kaniyang nanay na may hawak parin itong sandok.

“At saan ka naman pupunta, Lovely?”

“Mag aapply po ng panibagong trabaho?"

“Bakit anong nangyari roon sa call center na pinapasukan mo?”

Bigla siyang natigilan at napalunok ng sunod-sunod.

Ang daldal talaga ng bibig mo Lovely kaya ka nadudulas eh.

“Ah- e. Nagsara na po yung agency na pinagtatatrabahuhan ko, ayun nalugi yata. Hehe."

Halos hindi siya makatingin ng maayos sa mga mata ng kanyang nanay.

“Ganun ba? Sige, baka mahuli ka pa sa job interview mo. Good luck, anak.”

Isang ngiti lang ang tinugon ni Lovely sa kaniyang ina at saka niya nilisan ang barong-barong nilang bahay.

Kaagad siyang pumara ng dyip na papunta sa kumpanyang aaplayan niya. Dala-dala niya ang application letter at ang kaniyang resume, nakalagay pa ang mga ito sa puting folder.

Nag-sign of the cross muna siya bago bumaba ng dyip na sinakyan niya.

“Lord, sana ibigay mo na sa akin ang trabahong ito,” bulong niya sa hangin

Tinitigan niya muna ang mataas na gusali, humugot ng malalim ng hininga at saka siya pumasok doon.

Kaagad siyang pumasok sa elevator at saka niya pinindot ang 16th floor.

Bagot na bagot siyang tinitigan ang folder na hawak-hawak niya atsaka naman siya humugot ng buntong hininga.

Biglang bumukas ang elevator, marahil may papasok na tao at hindi nga siya nagkamali dahil may pumasok na isang lalaking nakasuot ng formal attire na kagaya rin sa kaniya, may bitbit itong suit case. Napansin niyang parang may hinahanap siya roon.

The Prostitute's  Desire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon