END OF REVENGE 19

3.3K 61 17
                                    

[Omri]

Tawang tawa ako sa nagiging reaksyon ni raziel dahil kinakain nya yung pinabili kong lemon sa kanya

"Shit!!akala ko ba hindi na ito maasim parang mas maasim pa ito dun sa maasim na talaga ga eh" hahhhaha LT si raziel eh

"Buti nalang ikaw ang pinakain ko nyan kung ako ang pinakain mo nyan baka paglabas nitong anak natin ang asim lagi ng mukha nito lagi siguro itong nakasimangot" napahagalpak ako ng tawa pero nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nya

"Anak pala NATIN mam ha" nanlaki ang mata ko ng marealize yung sinabi ko

Shit!!!!! Ang gaga mo omri

"A-ano bang pinagsasabi mo" kunwari walang alam kong tanong

"Ahh wala mam sabi ko mas lalo po kayong gumaganda pag tumatawa" napaiwas naman ako ng tingin tinakluban ko ang mukha ko ng maramdaman ang pagakyat ng dugo ko sa pisngi ko

"Bat ka nagtatakip ng mukha omri?" Nangiinis ang tono ng pananalita nito

"Heh l-lumabas ka na nga liligo na ako" sabi ko at agad na tumakbo para kumuha ng tuwalya

"MAM dahan dahan naman wag ka pong tumakbo" I stunned in my place ngmatonohan ang pag aalala at pag aalga sa tono ng boses nya

Nagitla ako ng may maskuladong braso ang pumulupot sa bewang ko at inalalayan ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa loob ng banyo napabalik lang ako sa wisyo ng marinig ang pagkalock at pagkasarado sa pinto ng banyo

"Mam ingat po sa pagligo kundi ako magpapaligo sa inyo sige ka" napahawak naman ako sa dibdib ko ng maramdaman ang bilis ng tibok nito shemmsss anu yon nakaka...kilig

Ipinawalang bahala ko nalang ang kilig at naligo na

Pagkatapos kong maligo ay kumuha lang ako ng damit na maisusuot isang blue sleeveless na bestida na umaabot lang hanggang sa ibabaw ng tuhod ko ginamit ko din ang color pink kong mga maliliit na clips at naglagay lang ng kaunting liptint sa labi

Pagkalabas ko sa pinto ay nandun si raziel na parang may hinihintay
"Ohh anong ginagawa mo jan"

"Hinihintay ka po malamang" napataas naman ang kilay ko

"Aba pilosopo ka ha" kunwaring naiinis na sabi ko

Agad namn itong humingi ng tawad

"Pupunta lang ako sa mall may papanoorin ako na bagong movie yung abominable"

"Sige po mam tara na po"

"Ay gusto ko sana ako lang lam mo na diba kailangan din ng time para sa self natin so..dito ka lang"

Sesegunda pasana ito pero inilagay ko yung hintuturo ko sa ibabaw ng labi nya

"Kung nagaalala ka man i assure you kaya ko ang sarili ko" puno parin ng pag aalala yung mukha nya pero binigyan ko sya ng nakakasigurong ngiti para hindi na sya gaanong magalala

"Sige na nga po basta ingat po kayo ha tyaka kung may lumapit man sainyong di nyo kilala wag nyong kausapin mam" napangisi naman ako

"Ano ako bata?" Pinanlakihan ko sya ng mata

"May bata ho kayong dala dala magingat po kayo" sumeryoso ang tono ng boses nya kaya tumango ako at ngumiti

"O!sya aalis na ako bye!!latersss"namula nalang ang pisngi ko ng ginabayan pa nya ako sa pag baba sa hagdan

Bago ako makalabas ng pinto iniwan ko sa kanya yung extra phone ko

"Oh ito gamitin mo ito pagmay emergency nanjan na yung number ko nasa speed dial tapos kung gusto mo tawagan mo na din yung a-asawa mo" gustuhin ko mang wag bangitin yun ay wala na akong magagawa

"Salamat po mam"

Tinapik ko sya sa balikat

"Mam kung ayaw nyo akong pasamahin hayaan nyo nlang po akong ihatid kayo" aangal pa sana ako pero hindi na ako tumanggi nkakapagod din namang magcommute

"Sige na nga mapilit ka eh" agad naman itong lumabas para siguro ihanda ang sasakyan

Napailing iling nalang ako

Pagkahatid nya sa akin sa tapat ng mall ay ipinagbukas pa nya ako ng pintuan ng sasakyan

"Salamat bumalik ka na sa bahay siguro mga mamaya ako makakauwi" sabi ko sa kanya

"Sige po mam enjoy" he smiled that melt my heart away

Pagkaalis ng sasakyan ay pumasok na ako sa loob ng mall

[Third person]

Habang nasa byahe ang sasakyan na lulan si raziel o kilala sa pangalan na ijah ay hindi nito namalayan ang paparating na isa pang sasakyan kaya kahit anong pilit nyang iiwas ang kanyang sasakyan kaya ay nabangga sya sa poste at tumama ang kanyang ulo sa manubela ng sasakyan na nagbigay ng malaking impact sa kanyang ulo kaya sya nawalan ng malay

Nang may mapadaan na sasakyan ay agad na sinaklolohan si raziel inalis nya sa sasakyan at agad na dinala sa hospital si raziel

[Omri]

Deyyymmm ang cute nung napanood kong movie pagkatapos kong manood ay bumili ako ng ice cream habang kinakain ko yung ice cream ay tumunog ang aking cellphone na hudyat na namay tumatawag

"Hello who's this?" Tanong ko sa kabilang linya

"Hello maam is this omri stewart?" Nagtaka ako sa boses kaya tinignan ko ang caller id at nagulat ngmakitang iyon ang numero ng telepono na ibinigay ko kay raziel

"Yes it's me how can i help you?"

"This is from st. Therese hospital how are you related to Mr.Ijah"

Nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ni ijah

"Ahhhmm i-im his wife" nanginnginig kong sagot dahil sa totoong kinakabahan ako

"Can you please come over he overcome a car accident" nabitawan ko ang cellphone ko at dali dali akong lumabas ng mall at agad na pumara ng taxi

"St. Therese hospital please"
Naiiyak kong sabi dun sa driver

Habang papunta sa hospital ay hindi ako mapakali nilulukob ako ng kaba dahil sa pwedeng mangyari kay raziel/ijah

No...please lord wag mo po syang pabayaan

Pagkatigil ng taxi sa tapat ng hospital ay nagbayad ako at agad na nagtungo sa loob ng hospital

Lumapit ako sa nurse at titinanong kung saang kwarto dinala si raziel at sinabing nasa emegency room kaya naman dali dali ako sa pagpunta doon

Nang matapatan ko ang pintuan ng emergency room ay nanginginig ang kamay na pinihit ang pinto at nanghina ang tuhod ko ng makita ang kalagayan ni raziel/ijah

To be continued....

REVENGE OF THE ABBUSED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon