You Changed My World (moment)

118 4 2
                                    

Jai's POV 

Gumising ako.Asan ako?Tuyot ang paligid ko.Ako lang ang tao.Nasaan ang barkada?Asan si Alec?Hindi niya na ba ako nahintay?Hindi niya na ba ako mahal?

"MAHAL NA MAHAL KITA ALEC\/JAI!!!"huh?Bakit parang may nakasabay akong sumigaw?Lumingon ako sa gilid ko,nakita ko siya,nakangiti.Unti-unti siyang lumalapit sa akin.Habang papalapit siya,nag-iiba ang aking paligid,nag-kakaroon ng kulay.

"Jai"tawag niya sa akin

"Alec"at niyakap ko siya

"Mahal na mahal kita Jai"

"Mahal na mahal din kita Alec"

"Jai?Gusto mong pumasyal?"

"Tara?Saan ba?"

"Dito,paraiso ang tawag dito"at naglibot-libot kami sa paraisong kinalalagyan namin.Habang nag-lalakad kami,hindi ko mapigilang tanungin siya.

"Alec?Asan ang barkada?"

"Hinihintay ka na nila"

"Huh?Ano?Hindi ko gets"

"Mauuna na ako,susundan mo ba ako?"

"Saan ka ba pupunta?"

"Doon"at tinuro niya ang malayong parte ng paraiso na may liwanag.Masyadong maliwanag.

"Anong meron dun,Alec?"

"Malalaman mo rin"

"Bakit kanina,ang tuyot ng kinalalagyan ko,pero nung dumating ka,nagbago lahat,nagkaroon ng kulay,ang mundo ko,tama bang sabihin kong?You Changed My World Alec"

"Ano man ang mangyari Jai,tandaan mo,mahal na mahal kita"

"Mahal na mahal din kita Alec"and we had our kiss,a passionate one.

"Jai,mauuna na ako ha?Pansamantala mo muna akong hindi makikita,makakarating ka din sa pupuntahan ko,sa ngayon ako na lang muna.I Love You Timmy"And he kissed my forehead

"Alec?Pwede bang sumama na ako sayo ngayon?Pwede bang ngayon na lang?Ha?Alec?"I'm now crying.Iiwan na niya ako.Parang hindi ko kaya.

"Hindi pa oras Jai,sige na mauuna na ako,hinihintay ka na nila"at umalis na siya.Habang papalayo siya.Unti-unti siyang naglalaho.Hindi ba talaga ako pwedeng sumama??Ang daya mo naman Alec!

"Kambal?Okay ka lang?"nagising ako nung may tumawag sa akin.Nakita ko ang Kambal ko at niyakap ko siya.Nilapitan na din ako ng barkada.Si Mama at Papa,si Robi at ang parents niya.

"Asan si Alec?"tanong ko sa kanila.Bigla silang natahimik.

"NO!!HINDI 'YAN TOTOO!BUHAY PA SIYA DIBA?ANDITO PA SIYA DIBA?DIBA?!HINDI NIYA AKO INIWAN DIBA?"niyakap na lang nila ako.

"Jai,wala na si Alec"

"Saan siya nagpunta?"

"Hindi na siya babalik,patay na siya"hindi tumigil sa pagtulo ang luha ko

"Asan siya?Gusto ko siyang makita"

"Jai,hindi ka pa magaling,sa susunod na lang okay?"Mama

"Ma,gusto ko siyang makita"pagmamaka-awa ko sa kanila.Inalalayan nila akong maglakad papunta sa...

"Morgue?"tumango lang sila.Tumulo na naman ang mga luha ko.

"Pwede ako lang?"pumasok ako mag-isa.At pinuntahan siya.Nakatakip ng kumot ang buong katawan niya.Aalisin ko ba?Aalisin ko muna ang takot ko ngayon.Binuksan ko at nagulat ako sa nakita ko.Si Alec nga.Tumalikod muna ako.Hinarap ko ang bangkay niya.

"Ang daya mo naman Alec,nauna ka na,hindi mo na ko hinintay,bumalik na ang mga ala-ala ko,'yung mga moments na magkasama tayo,at ang barkada,ang daya mo"at pinalo ko siya sa braso.Alam ko matatawa kayo.Pero ako kaya kong gawin 'yun.

You Changed My World (JaLec)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon