Last Message

132 3 0
                                    

Jai's POv

"Sabi mo,tutulungan mo akong bumalik 'yung ala-ala ko,oo tinulungan mo ako,pero hindi ganun na mawawala ka na lang bigla,mahal na mahal kita,pero iniwan mo na ako,ang daya mo talaga!"at pinalo ko na naman siya sa kabilang braso.Napansin kong parang nangiti siya.

"Alec!Huwag mo akong tinatakot,sasapakin na kita"sabi ko sa kaniya.Baliw na ba ako?Hindi noh!

"Jai,halika na"at lumabas na kami sa morgue.Iniisip ko palang masakit na.

Wala nang Alec na 

Mangungulit sa akin 

Magtatanong kung ayos lang ba ako? 

Sasabihan ako ng I Love You 

Ipagtatanggol ako 

Mangungulit sa text 

Wala na,hindi ko na makita ang mga mata niyang chinito,at ang gwapo niyang mukha.Wala na si Alec,wala na siya <\/3

Hindi ko na naman mapigilang umiyak.

"Pahinga ka muna"Kambal

"Kayo na?"

"Huh?Nino?"

"Ayun oh"sabay turo ko kay Roy

"Ah....eh...."

"Congrats!"tapos hinug ko siya.

"I Love You Kambal"

"I Love You Too Kambal"

>>fast forward>> 

Libing na ni Alec.Huling araw na makikita ko siya.Huling araw na mangingitian ko siya.Mamimiss kita Alec.

"Ating pakinggan ang huling mensahe ni Jyra May Agpangan kay Alec Brandon Dungo"sabi ni Father.Tumayo na ako at nagpunta sa harapan ng kabaong ni Alec.Hinawakan ko ang mic.

"Alec,gusto kitang sapakin!Kasi iiwan mo na ako,hindi mo ako hinintay,hindi na kita makikita,wala ng mag-aalaga sa akin,sana pakinggan mo itong simpleng message ko sayo"

Dear Alec, 

Alam ko ang baduy nitong letter na 'to.Pero sana pakinggan mo.Alec na chinito.Isang taong,nagparealize sa akin kung gaano kaganda ang buhay.Ang nag-aalaga sa akin.Ang nagtatanggol sa akin.Mamimiss kita Alec.It Takes Millions,Billions and Trillions of People To Complete The World and Make It Smile.'Yan ang linyang nag-paoo sa akin para maging tayo.Hinding hindi ko 'yan malilimutan.Nagkahiwalay tayo dati.Masakit para sa akin 'yun.Alam ko may dahilan ka.Pansamantala man kitang nakalimutan.Ginawa mo ang lahat para maalala kita hanggang dumating dito sa puntong ito na mawawala ka na.Hindi pa nga tayo nagkakabalikan eh.Mawawala ka na ulit.Alam mo ba?Bago ako nagising.Napanaginipan kita sa Hospital.Nagpaalam ka na sa akin.Tinanong mo ako kung susundan ba kita.Hindi ko alam ang isasagot ko.Kaya ipinasyal mo ako sa paraisong sinasabi mo.You Changed My World Alec,My Whole World.Sinabi ko sayo 'yan bago ka tuluyang magpaalam.At sinabi mo rin na,magkakasama din tayo sa tamang oras.Hindi ko lang alam kung kailan.Basta hintayin mo ako ah?"tumutulo parin ang luha ko.Napatingin ako sa paligid ko.Nahagip ng mata ko si Alec?o.o?Nasa gitna ng daan sa sementeryo.Nakangiti siya sa akin.Nginitian ko lang din siya.Inilahad niya ang kamay niya,tinatawag niya ba ako?Wala namang masama kung susubukan ko diba?

"Jai?Saan ka pupunta?"ayaw ko silang lingunin baka mawala sa paningin ko si Alec.Unti-unti akong lumapit sa kaniya.Ito na ba 'yun Alec?Magsasama na ba tayo?Sinusundo mo na ba ako?Iniabot ko ang kamay ko sa kaniya.

"JAI!WATCH OUT!!!"napalingon ako at napangiti na lang.Ang huling nasa isip ko nun ay...

You Changed My World (JaLec)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon