Chapter I

58 0 0
                                    

____Hi! sana mainlove at mainspire kayo ng story ko :)

Thanks for reading my works :D ___________

Pat's POV

Hindi lang kami basta friends, magkapit-bahay, magkababata at magkaklase kami mula kinder hanggang grade six. Si Felix, ang aking best friend. Ang taong nakakaalam ng lahat ng kabaliwan ko at galit ko sa mundo kapag may problema ako. I remember him calling me "payatot" na sobrang kinaiinisan ko. His parents were so good to me. Lagi kami noong nagkakalat ng laruan at mga pagkain sa kanilang malaking bahay which is only one house away from our home kaya naman halosdoon na ako tumira at itinuring nila akong parang tunay na anak kahit mahirap lang kami.

Pero ng dumating ang araw na kaylangan na naming maghiwalay ng landas, masakit pero kaylangan kong tanggapin na mayaman siya at ako ay mahirap lang at hindi ko kayang sundan siya sa amerika para doon din mag-aral.

Si tita Ana ay naiwan sa aming bayan for only a week. At hindi manlang ako nakapagpaalam sa kanya ng sumunod na linggo ay nabalitaan nalang naming nabenta na ang bahay at lupa nila roon.

He never called me nor mailed me as he promised. Well, we were just kids. Baka nga nakalimutan narin niya ako.

We parted ways,

But my feelings for him, will always be the same...

Feelings that I've kept for how many years..

Nasa first year college na ako when I joined that 'facebook' thing dahil nga poor kami at wala akong computer noong high school kaya hindi ako techie at wala pang cellphone na highend gaya ng mga android phone ng mga kaklase ko.

Luck suddenly came when my world was opened to modernization when I entered college. Thanks to tita Lisa na nag-alok sakin ng scholarship dito sa maynila. Si tita Lisa, ang nakababatang kapatid ni mama na maswerteng nakapangasawa ng PhilAm.

Luckily, I entered college at eto nga, kasalukuyan akong naghahanda para sa thesis ko. And yes! I am soon to be a Chef since I took a four year culinary.

Andami ng nagbago sa buhay ko. Pero I can't get rid of the memories from my childhood life. I still hope that someday, Felix and I would cross each other's path again. Everyday, everyday akong naghahanap sa facebook, sa tweeter, etc. ng pangalang Felix at kung sinong batch mate namin noon na maaaring may kaugnayan sa kanya. Pero sa dami ba naman ng 'Felix Natividad' sa mundo, paano ko siya mahahanap? At bakit ngayon ko lang natutunan ang Internet na ito? Bakit ngayong college lang? What if he's already married.

Huwag naman sana. I've heard that teenagers in US are so much independent.They love going to parties and boys do have a lot of girls.

Hindi naman siguro lahat...

Eh kasi, sa bayan namin kung saan ako nag-aral ng highschool, kung hindi kokonte ang computer ay wala pang internet at madalas ay wala pang koryente.

Ang problema,

I can remember his name,

But I can't remember his face anymore......

But his voice, his laughter, and the way he call my name.. I am sure they are still here in my heart.

Pwede ba yun? Yung taong minahal mo at pinangarap mong makita ulit ay hindi mo na maalala ang itsura? Eh pano ba naman, pagraduate palang ako ng grade six kinailangan ko ng magsuot ng salamin dahil sa sobrang labo ng mata ko.

Kung ang iba ay lumabo ang mata dahil sa computer, ako ay dahil sa kandila lang ang gamit kong ilaw kapag nagbabasa. Mabuti nalang at nagtapos ako ng grade six bilang valedictorian dahil kung hindi, sayang lang ang panlalabo ng mata ko dahil sa kakabasa ng leksyon. At ng tumuntong ako ng sekondarya? NERD, yan ang tawag sakin.

Kung kasama ko lang sana ang best friend ko noon, eh di sana may tagapagtanggol ako lagi.

The way he call me 'payatot', I miss that.

And.. Oh my God!

Kung sakali mang magkita kami ulit? Baka hindi na niya ako tawaging 'payatot'.

Tatawagin narin ba niya akong 'dambuhalang palakang naka-eyeglass'. Ang babaeng maliit ang mukha pero lobo ang katawan? Yan ang tawag sakin ng lahat at yan ang dahilan kung bakit ako nagsising nag-aral ng culinary.

Magkaroon lang ako ng chance... makita ko lang ulit siya, gagawin ko ang lahat para pumayat ulit!

"Ms. Ledesma! Wake-up! ano nanamang pinagpapantasyahan mo at wala ka nanaman sa wisyo? Kung ayaw mong makinig, better get out!"

Agad nag-iba ang buong paligid ng marinig ko ang malahiganteng boses ni Ma'am Irene. Hay... nahuli nanaman niya akong preoccupied.

"S-sorry po ma'am."

Malapit na akong grumadweyt. Pero ganito parin ako. Malayo ang tingin at laging wala sa sarili. Bale wala na nga sakin ang mga tinuturo ng mga chef na ito, dahil nga siguro sa kadahilanang mas matalino naman ako sa kanila. Kaya nga siguro galit sakin ang mundo, kasi hindi ko sinasadyang maging matalino ako.

"Ano kaba.. Pauwi na nga tayo dika parin nakikinig."

Si Alisa, ang BFF ko mula ng nagcollege ako sa unibersidad na ito.

"Eh kasi, feel niya alam na niya lahat ng tinuturo kaya ayan, day dreaming nanaman siya nung childhood crush niya. Anong pangalan ulit? Fe-Felix? Oh, If I know, hindi yun guwapo."

Si Jasmine, ang pinsan ni Alisa na kung gaano kaganda ay ganoon din kapangit ang ugali. In fairness, sexy siya at maganda kaya naman marami siyang admirers na guwapo. Ewan ko ba kung bakit ni katiting ay hindi siya nakakuha ng ng kabutihang loob kay Alisa. Pero dahil pinsan siya ng BFF ko, hinahayaan ko nalang sya.

"Shut-up Jasmine!"

Ayun, si Alisa. Ang aking savior. Always.

Maaga akong makakauwi ngayon dahil tapos na ang aking paghahanda para sa thesis ko. I've already came-up with something to cook para sa aking final presentation. I am so excited. Matutupad narin ang pangarap ko, ang magtayo ng sarili kong restaurant. Ilang buwan nalang at magmamartya na ako. Next week ay luluwas na sina mama at papa dito sa maynila kasama ang aking nakababatang kapatid na si Alexa. Gusto ni Tita na kumpleto kami sa araw na kukunin ko ang aking diploma.

Malapit lang ang school na pinapasukan ko sa subdivision na kinatatayuan ng bahay ng aking Tita kaya naman mas gusto ko naring maglakad para tipid pamasahe. Sayang naman kung sasakay pa ako ng tricycle eh sigurado namang imbes na otso pesos lang ang bayad dahil malapit ay sisingilin nanaman ako ng sampo dahil nga okyupado ko lahat ang upuan. At higit sa lahat, lalaitin lang ako kapag na-flat ang gulong ng motorsiklo ng mga mapanlait na driver.

Malapit na ako sa gate ng subdivision ng mabitawan ko ang aking sliding folder at natangay ng hangin ang ilang papers mula roon na kung hindi ako nagkakamali ay mga bahagi iyon ng narrative report ko na malapit ko ng matapos.

Oh no!

Agad kong pinulot ang mga iyon at ibinalik sa aking folder.

"Ay! Anak ng palaka!!"

Napasigaw ako ng biglang may bumusina sa aking likuran.

"Hoy! Kung makabusina ka akala mo sayo ang daan!"

Ayun, at may kasama pang turo ang aking sigaw.

Napaatras ako ng bumukas ang pintuan ng sasakyan sa harap. Bukas pala ang bintana niyon at siguradong dinig ng sinumang nasa loob niyon ang aking sigaw.

"Hindi ba't parang ikaw nga 'tong may-ari ng daan? Misis, masyado hong malaki ang katawan niyo para gawing tambayan yang daan!"

Muli itong pumasok sa kanyang kotse saka hinarurot ang kanyang sasakyan papasok ng gate.

At ako, nga-nga! walang nasabi!

Misis? ako misis?

"MISS AKO! HINDI AKO MISIS!!!! IMPAKTO KA!!"

Malayo na ang sasakyan ng mag-sink in sakin ang aking narinig. Misis? Grrrrrrrr......

__________Guys! thanks a lot for reading :) please don't forget to vote! :D _____

you may also try this-

http://www.wattpad.com/story/20705422-my-brother%27s-princess

Thanks :)

That should be me...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon