Chapter 3: Vampire Hunters

24 2 0
                                    


Three,

Buong maghapon akong walang pakielam sa mga nakapaligid sa akin, second day ko palang sa paaralang ito pero natraumatized na agad ako sa nangyari kagabi.

"Huy girl! Ayos ka lang ba?" Tanong ni Chandria sa akin sabay tapik sa aking balikat.

"Huh? Ahh... Oo..." Tanging sagot ko and hindi ko siya pinagtuonan ng tingin. Nanatili lang akong nakatingin sa aming guro na may sinusulat sa blackboard.

Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang mga nasaksihan ko kagabi. His sharp fangs, his sharp nails, his dark eyes. An actual vampire is chasing me.

Hindi ko sana paniniwalaan yon kaso it's convincing. "Girl? Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Chandria sa akin.

I gave her a short sight and I looked away, I remained silent, not going to answer her question.

She sighed out of nowhere at pumunta sa harapan ko. Napansin kong nag-aayos na ang teacher namin para umalis.

Hindi ko pala narinig ang kaniyang mga sinasabi, ni wala nga akong naintindihan sa mga sinusulat niya eh because I'm not even writing it at hindi rin naman ako nakikinig sa kaniya because something is bothering my head.

"Bibili kita ng pagkain ah.. Yung favorite mo. Stay here..." Sabi niya at napatango naman ako.

She walk away outside our classroom kasabay ng iba naming mga kaklase na nagmamadali ring lumabas dahil sa gutom.

I heave a sigh and place my head on my desk, wala akong pake kung ano man ang tinuturo ng mga guro namin, basta all I know this time is, I was shocked.

Kagabi naman hindi ako ganito after that incident, how come na maging ganito ako ngayon? I promise to myself that I should be thinking what happened to me yesterday night, today. But it seems na nagkaroon ng total chaos sa aking isipan. A chaos between peace and fear.

Kung sino man ang nagcostume ng ganoon hindi nakakatuwa 'yon. I already felt unsafe in this academy. Pakiramdam ko iisa sa mga kaklase ko ang may gawa non, who knows? I'm just suspecting them. Mukha kasing malakas din sila mangtrip eh.

I yawned for I felt sleepy while I'm waiting for Chandria. Simula kaninang umaga at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako makausap ng ayos at wala pa rin ako sa aking sarili. Maybe I'm out of my mind?

Dumating siyang may dala dalang dalawang plastic. Binigay niya naman sa akin yung isang plastic, it's Choco-slash-strawberry shake and Chocolate Butter Donut ang laman ng plastic na 'yon.

I took a few sip on a deliciously Choco-slash-strawberry shake and I also took a small bite on one piece of my favorite Chocolate Butter Donut.

Chandria is still looking at me like I'm a weird person. 'What if kung sabihin ko kaya sa kaniya yung mga nangyari sa akin kagabi?' Will she believe me?

"Girl? Ayos ka lang ba talaga? Mukhang masama pakiramdam mo ah?" Tanong niya.

"Nah. Hindi Chandria... Wala lang talaga ako sa mood sorry" Pagsisinungaling ko, tho some part of it ay may katotohanan, simula talaga kaninang umaga noong papasok ako, I started to feel that someone is following us.

Naglalakad kasi kami ni Kuya eh then suddenly I felt watched and stalked by someone. I want to tell my kuya but I couldn't, baka kasi nagkakamali lang ako.  Madilim dilim pa naman kasi noong umalis kami it's like mga 5:30am pa ng umaga. And our class starts at exact 6:00am.

Medyo nakapag-usap usap naman kami ni Chandria kahit kaunti tungkol nga lang sa mga diniscuss ng mga teacher namin na hindi ko napakinggan o pinakinggan because of anxiety. Hanggang sa dumating ang next teacher namin ay tinutulungan at tinuturuan pa rin ako ni Chandria for our past subjetcs.

Vandellion AcademyWhere stories live. Discover now