Chapter 1 : 𝘎𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥 𝘡𝘦𝘳𝘰

53 7 11
                                    


Diem's POV :


"Miss Diem Lowell please report to the principals office immediately."

Ugh.

Anobayan diba nila alam na nagpapahinga ako di panaman ako nakatulog kagabi kasi nanunuod ako sa Netflix buong magdamag. Lunch time namin at nakaupo lang ako sa damuhan at sinusubukan matulog sana. Tumingala ako sa langit saglit at hindi mapigilan alalahanin kung bakit ako pinapatawag sa principals office sa pinaka first day ng school.

Okey so first of all gumising ako-- Ay hinde mali, Hinde ako nagising kasi di naman ako natulog eh.

Basta late ako tumayo ng mga ilang minuto tapos naligo at nagbihis pero medyo lutang ako kayaaa eto nakalimutan ko na uniform pala dapat suot ko. Ang nasuot ko kasi ay jogging pants tapos T-shirt lang and sneakers.

Kumain ako tapos umalis na. Take note hindi pa naman ako late that time pero stupid me forgot my schoolbag at I also forgot to put my things in it. Well I guess thats why I was late for almost half an hour. But hey atleast kumpleto mga gamit ko.

Pagkapasok ko sa classroom binati ko yung teacher at umupo na pero--

"Miss Lowell why are you late? At on the first day of school pa talaga ha"

"Sorry po natraffic lang kasi"

"Tsk tsk tsk lagi nalang ano na kaya mararating mo niyan sa buhay. Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo about punctuality?"

Psh ang babaw naman ng ikinakagalit niya. Ilang munito lang ako late.

Hindi ako umimik at tumingin lang sakanya habang nakataas yung kilay ko.

"With all due respect po ma'am pero huwag niyo naman po sana isali sa usapan mga magulang ko" sagot ko sakanya.

Para pa siyang nagulat kasi sinagot ko siya pero bakit kelangan ba kasi talaga niya isali mga magulang ko dito.

"Huy tama na Em baka mapatawag ka sa principals office nyan" bulong sakin ng best friend kong si Gail.

Diko siya pinansin at patuloy lang na nakipagtitigan sa warfreak kong guro.

"Aba't sumasagot ka pa talaga sakin. Very well Miss Lowell meet me after class"

I just rolled my eyes at yumuko ng magsimula na yung mga typical na ginagawa sa first day of school.

Salamat talaga at di namin ginagawa yung mga kacheesy-han na nagpapakilala sa harapan kasi lahat naman kami dito magkakilala eh. Aba syempre simula first year of high school kami na yung mga magkaklase eh.

Kinalabit naman ako ni Gail at bumulong
"Psstt bakit ka late?"

Sasagutin ko na sana siya pero napasimangot ako ng makitang parang natatawa pa siya. Bwiset talaga toh oh nakakainis kung diko lang toh bestfriend nasapak ko na toh.

"Waaaww ha parang natutuwa ka pa sa nangyari"

"Dali na sabihin mo na"

Dali dalian kong kwinento sakanya at pagkatapos ay sumandal sa upuan ko tas nagpanggap na nakikinig sa sinasabi ng guro.

Buong magdamag hanggang mag lunch ay nakadukdok lang yung ulo ko sa lamesa dahil sa antok.

Lumabas ako kagad at hindi na hinintay si Gail dahil naiihi na ako. Alam ko naman kung saan siya lagi umuupo eh kaya pupuntahan ko nalang siya dun mamaya.

Kakalabas ko lang ng cr nang maalala ko na kakausapin nga pala ako dapat nung teacher na warfreak kanina. Bahala na tinatamad na ako eh.

Pumunta ako sa laging hangout place namin ni Gail sa may likod ng school sa damuhan at umupo na habang sumandal ako sa malaking puno na nandirito.

After Zombie : The ApocalypseWhere stories live. Discover now