I closed my phone as soon as I read the message of Rafe. Argh! I wanna go sa Manila for our date pero my head is throbbing, I can't drive.
I felt bad for Rafe. Ngayon pa kasi! At iinom iinom pa kasi ako!
Masyado atang marami ang nainom ko kagabi. Umuwi kasi mga pinsan ko from abroad kaya today's New Year is quite special and wild since malalaki na kaming magpipinsan, hinayaan nalang kami ng mga magulang namin na uminom and have fun on our own.
"Hoy, Halo! Gising na daw!" Katok ng pinsan ko galing sa labas. His name ni Drew. Isa siya sa mga pinsan kong pinakaclose ko and he's two years older than me.
"Teka, wait!" I shouted and massaged my head. I looked at the time. It's 9 na. My gosh!
After fixing myself, bumaba na ako at hindi na nagulat nang may nakahanda nang pagkain sa lamesa.
"O, kain na mga lasinggera!" Sambit ng isa naming Tita na walang anak at asawa. Siya kasi ang nag-aalalaga kina Lolo't Lola kaya, maybe, she decided to take care of them nalang rather than mag-asawa at iwan din sila.
Angel, Devy, Yohanna, Lovelyn and me just pouted. Kami lang kasi ang sobrang nalasing kagabi. I have 3 more girl cousins and four boy cousins pero hindi sila nalasing masyado kasi mataas ata ang alcohol tolerance nila. I pouted. Hindi naman kasi ako umiinom kaya ako hindi sanay, at ang sarap ng templa nila sa kung ano alak man 'yun kagabi!
We all silently sit down as our other cousins laugh at us. Pananghalian na namin 'to kung titignan.
Rafe texted me kaninang 8. I looked at the my watch. It's already 12:45. Napanguso ako. If my head was not throbbing, pumunta na akong Maynila.
I pouted more. I miss him so much.
After namin kumain, nagtungo na ako sa kwarto ko at naligo na para maayos na ang sarili.
Nahiga ako sa kama ko after and unlocked my phone. Wala siyang text. I pouted. Nagtatampo kaya 'to?
I heard someone rang our doorbell. Hindi ko pinansin 'yun since meron namang maid na magbubukas. After minutes, bigla kong narinig ang pangalan kong sinigaw nila.
"Halo! May bisita ka!" Nagtaka ako. Si Kia ba 'to? Bakit hindi ako sinabihan.
I lazily stood up from my bed and went to the stairs para bumaba sa aming living room.
Pagtapak na pagtapak ko sa baba ay nagulat ako sa nakaupo sa sala namin. Kulang nalang e lumabas ang mga mata ko.
"Rafe?!" Sigaw ko sa pagtataka.
"Boyfriend mo, ate?" Takang tanong ng isa kong pinsan. Nakita kong ngumisi si Mama since alam niya. Pero ang mga Tita't Tito ko e parang nagtataka.
I nervously laughed. "Ah, hehe." I coughed. "Tita, Tito, Lolo, Lola, mga ate... Si Rafe po pala...." I trailed. Parang inaabangan nila ang sasabihin ko sa mga titig nila.
"Boyfriend ko."
"Ay, sana ol!"
At kung ano ano na ang mga sinasabi nila. They asked if taga-saan at kung ano ang tinetake na course. Ano ba! Galing Manila ang tao! Grrr.
I decided na ilayo si Rafe sa kanila at dinala ko siya sa room ko. "Halo!" Rinig ko pang sigaw ni Drew mula sa baba. I rolled my eyes and stomped my feet para tignan sila mula sa itaas. "Behave ka!" Sigaw sa aken. Namula ako doon.
Nagtawanan ang buong angkan ko. Nakakahiya!
After entering my room, agad kong nilock iyon at hinarap si Rafe para mayakap. "I miss you so much..."
"Hmmm. I miss you. Happy Anniversary, baby." He whispered. "Happy Anniversary..." Masaya kong bati.
I let go of our hug and my hands crawled up to his nape. Ako na ang humila sa kanya at pinatakan ng halik sa labi.
Bibitaw na sana ako 'nung siya na ang humila sa akin at mas linaliman ang aming halik. Nagulat ako doon at agad na nag-init ang pisngi. After some minutes, he let go. Pareho kaming hinihingal.
Natawa siya nang nakita ang pamumula ko. "First time?" Pang-iinis sa akin. Hindi naman namin first pero kasi! Nagugulat lang talaga ako.
"Akala mo naman hindi mo ako ganyan halikan 'nung prom natin noo-"
"Ah!!" I screamed and he laughed. Mas lalo akong namula. Nakakainis, pinaalala pa!
"Kakadiscover ko lang kung sino ka 'nun pero kung makahalik-"
"Ano ba, Rafe!" Sigaw ko sa inis at niyakap nalang siya sa hiya para itago ang mukha.
"Hmm. Hindi na, sorry na." Natatawa niyang sambit at hinarap ulit ako. Matagal niya akong tinitigan kaya ako napalunok. Nasa iisang room kami. One year na kami. Putangina, Halo! Ano bang iniisip mo?!
Kita ko kung paano gumalaw ang adamd apple niya 'nung lumunok siya for an unknown reason. "I'll never get tired of kissing those lips." Sambit niya at muli akong hinalikan sa labi.
Things went so fast, hindi ko namalayan na nakahiga na kami. Masyado akong nawindang sa halik ni Rafe kaya naman pareho kaming napabitaw sa isa't isa nang biglang may kumatok.
Nanlaki ang mga mata ko at inayos ang sarili. I looked at Rafe. Wala na siyang pang-itaas at ang gulo ng buhok niya! Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. My goodness? Anong itsura 'yan?
Inayos ko ang sarili ko at pagkatapos ay binuksan ang pinto. I saw my cousin's baby boy knocking. Tumaas ang tingin nito sa akin.
"Huwag 'daw po kayo gumawa ng bad." Tanging sambit lang at umalis na. Kumunot ang noo ko habang nakasunod ang tingin sa pamangkin.
"Ano ba, Kuya Alfred?!" Sigaw ko nalang. I heard their laughters. Pinagtritripan ako ng pamilya ko!
I heard Rafe laughing behind me. Ngumuso ako at hinarap siya. "Buti nalang kumatok ang pamangkin mo, kung hindi..." Mas namula ako doon.
I bit my lower lip when he suddenly hugged me and carried me to my bed. "Baby, let's cuddle." Aya niya. I felt butterflies when he said that. Ito ang gustong gusto ni Rafe. Aside from making out, he likes to cuddle.
"Mamayang gabi na tayo lumabas, tulog ka muna." I said. Matagal na niya akong tinignan baka yumuko at patakan ng halik ang labi ko bago ngumiti.
"Stay here as I sleep, okay?"
"Okay."
Napangiti ako nang unti unti na niyang tiniklop ang mga mata niya. Ngumuso ako. Paano ko nga ulit naging boyfriend 'to? Ang gwapo.
Ngumiti ako at niyakap siya. Siniksik ko ang sarili at naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. "Ang bango mo." I mumbled before at biglang naalala kung paano lahat nagsimula ito. Napangiti ako doon.
"I'll never regret texting you that day, Rafe. I love you so much." Saad ko at pinikit ang mga mata, no longer expecting a reply from him.
"I'll never regret replying to you. I love you so much more, baby." Nagulat ako nang sumagot pa siya at may humaplos muli sa aking labi. Napamulat ako doon and started returning to his kisses.
Bumitaw siya sa halik namin and crinkled his nose. "Parang di ako makakapagpahinga ngayong hapon." He said and bit his lower lip. Ngumiti ako nang malawak at hinila siya pababa para muling mahalikan.
End
---
A/N:I can't give you guys a book 2 and I'm sorry for that HUHU Pero eto na ang special chapter. Ang tagal na neto sa drafts ko and nakalimutan ko siya Janury last year TBH kaya ayun HAHAHAHAHA January 2 is a very special day for me that's why hindi ko to naupload last year kasi gusto ko talaga January 2. HAHAHAHAHA THANK YOU FOR READING RAFE AND HALO'S STORY. Spread love. Happy New Year, everyone! 🥰