Chapter XV- Confused vs Confirmed

60 2 0
                                    

Eunice's POV

Kinabukasan.....

Sakit ng ulo at sakit ng katawan ang unang naramdaman ko pagbangon ko sa higaan. I hate hang over.sino ba kasing nagsabi sayo na uminom ka?wala naman diba?-usig ng isip ko...

Kaya ang ending ito, hindi ako halos makabangon sa sobrang sakit ng ulo ko. May pupuntahan pa naman sana ako, saan naman?
I need to visit my family sa Tondo kung saan ako nakatira at lumaki since birth. Namimiss ko na kasi ang nanay at tatay ko, gusto kong makamusta man lang sila. Since Saturday naman at wala akong trabaho I decided to visit them.

Nagmadali na akong mag-asikaso para maaga ako makarating sa amin sana lang walang trapik ngayon. Kalaban ko pa naman ang Edza kapag ganitong uuwi ako sa amin.

Nang makapagbihis at makapag-ayos ng gamit na dadalhin ko sa bahay plano ko kasi mag-stay ng overnight sa bahay para maka-bonding na din ang pamilya ko.

Since Micah is not around today, siguro umuwi yun sa bahay nila sa Cavite. Tsk!di man lang nagpaalam sa akin. Nagtext na lang ako dito na uuwi ako ng Tondo, agad naman itong nagreply. Tama ako nasa Cavite nga ang babaeng yun.

Nagpunta na ako sa parking lot para makaalis na.

Agad kong pinasibat ang kotse ko, dumaan din ako ng supermarket para makapag- grosaries ng mga pagkain at kailangan nila sa bahay. I ordered 2 boxes of doughnut and pizza. Malaki naman ang kinikita ko sa BU at may bonuses pa akong nareceived gawa ng magturo ako sa volleyball and coach sa circuit. Mabibigyan ko pa sila nanay ng panggastos nila. Masaya naman akong tumutulong sa magulang ko, sadyang mainit lang ulo ko sa dalawang kapatid ko na sobrang pasaway. Haysss!

Nasa biyahe na papunta sa amin. I miss Tondo, and I miss Raffy my Best friend. Sana magkita kami this time. Raffy is a girl, and like me she's a teacher. Sa public school ito nagtuturo na malapit lang din sa tinitirhan nito.

Matapos ang mahabang biyahe, nakarating na rin sa munti naming tahanan. Hindi naman ganoon kalakihan ang bahay namin, sapat lang para sa aming pamilya. May limang room sa taas at isang room sa ibaba kung saan natutulog ang aking Mahal na magulang.

Pagka-park ko ng sasakyan sa harapan ng bahay namin agad ako bumaba.
Mausok,maraming tao dikit-dikit ang bahay at maraming nagkalat na kapitbahay, maraming tsimosa na nagkukumpulan na tila lagi may mahalagang pinag-uusapan. Sanay na ako sa ganyan. We you live in the Philippines ,masasanay ka na talaga. Minsan na rin ako naging pulutan ng mga tsimosa dito. Ang malala iniisip nila na kaya ako naka-kotse dahil may foreigner daw ako o kaya kabit ng kilalang tao. Jusko!kung ganun ako sana inalis ko na sa lugar na ito ang mga magulang ko. Kalokang mga tsimosa, meron pa ngang nagsasabi na buntis ako, iyong iba naman nanganak na daw ako. Ang bilis naman. Napapailing na lang ako kapag ganoong mga tsimis ang naririnig ko.

"Anak!ikaw ba yan?"gulat nasalabong sa akin ni nanay Gina. Tinanggal ko ang shade ko at ngumiti dito.

"Nay ako nga po,"

Sinalubong siya nito ng yakap sa sobrang tuwa. I feel like home iba talaga ang nagagawa ng yakap ng isang ina. Nagmano ako dito ng maghiwalay kami sa yakapan. "Namiss kita anak, bakit ngayon ka lang napadalaw dito?"may halong tampong wika nito.

"Pasensya na nay, naging busy kasi ako sa bago kong trabaho."hinging paumanhin

"Okay lang nak, nauunawaan ko naman, tara sa loob may ginawa akong suman,"aya nito sa akin.

Bigla akong natakam sa sinabing iyon ni Nanay namiss ko ang mga lutong bahay at luto ng nanay ko.

Papasok na sana kami ng maalala ko ang mga pinamili ko. "Saglit lang po nay, may mga binili ako,"
Huminto naman ito sa pagpasok ng bahay namin.
Nilabas ko ang mga pinamili ko sa kotse at inabot kay nanay ang iba. "Ang dami naman nito,nak"

She's A Talented (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon