Prologue

165 42 3
                                    

Prologue:
The Secrets

Mary's Point of View

Umaalingawngaw ang isang mababang boses habang tumatakbo ako sa isang gusali na may mga bakas ng dugo sa ilang parte ng pader.

"Tumakbo ka pa, Carmen! Hindi ka mabubuhay! Wala ka nang mahahanapan ng tulong!"

Sigaw ng lalaki habang ako'y patuloy na naghahanap ng daan para makalabas dito sa gusaling maaaring ituring na ruined mansion.

Bumaba ako sa unang palapag, hinihingal at napapagod na. Ngunit hindi ko kayang tumigil dahil nasa paligid lang ang papatay sa akin.

"Mary Carmen Lim!"

Sigaw pa ng lalaki. Itinakbo ko ang isang makitid na daan papunta sa isang pinto.

"Tulong!"

Nang ako'y malapit na sa pinto, nakita ko sa hallway ang aming alkalde na unti-unti nang nawawalan nang malay. Ang kaniyang mga dugo ay malayang lumalabas sa kaniyang tiyan.

Tumingin siya sa akin nang seryoso na ikinataas ng aking mga balahibo.

"Umalis ka na!"

Tanging sambit lang ng aming alkalde ng bayan at tuluyan na akong tumakbo palabas ng gusali.

Isinuot ko ang isang puting balabal sa aking ulo habang ang aking mga mata ay patuloy sa pagluha. Hindi ko alam kung saan ako makakakuha ng tulong.

Lumapit ako sa isang kabayo na nakatali sa gilid ng gusali at sumakay para tahakin ang lugar kung nasaan ang isang tao na makakatulong sa akin.

Nahahanap ko na ang mga sikreto ng Mastoniaz ngunit alam ko na malaki na ang pinagbago ko dahil nakapatay ako ng ilang mga inosente.

~

A/N:

I hope you guys will support this book all the way to the end. Thank you for having time to read this!

The Lady And The Mystery In MastoniazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon