Chapter 21

15 5 0
                                    

Chapter 21:
Sunod

Mary's Point of View

"Wait lang Carmina, may tumatawag sa phone kong mamahalin hihi"

Biglang nagsalita si ate Jaye habang hawak-hawak ang kaniyang phone. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto ng kuwarto.

"S-sige po"

Tumango ako sa kaniya habang ngumiti nang mapait.

Nakapahinga ang aking ulo sa dulkng bahagi ng kama na kung saan mahimbing na nakapikit ang mga mata ni ate Freya sa aking tabi.

Tanging naririnig mo lamang ang tunog ng machine na ginagamit sa ospital at ang mga busina ng mga sasakyan sa labas ng sasakyan.

Nakahinto ang aking mga tingin sa mga benda na nakapalibot sa kaniyang mga katawan na dahilan para maluha ako.

Anong nangyari sa kaniya? Isa ba siya sa mga naging biktima dito sa Mastoniaz? Sa aking pag-iisip, nagtaka ako kung alam ba ng mga manggagamot sa bayan ang mga nangyayari dito sa ospital?

Bigla akong nagulat at napatayo sa upuan nang marinig ko ang sabay-sabay na pagbusina ng mga kotse at trak sa labas ng ospital. Dahil sa inis, tiningnan ko ang mga ito sa bintana. Bakit puro busina sila?

Nang aking tingnan sa bintana ay nakita ko ang matinding trapik sa tapat ng ospital. Ramdam mo ang inis ng bawat tsuper sa loob ng mga sasakyan at ang mga pasaherong nauubos na rin ang oras at pasyensya.

Inilibot ko ang aking mata kung ano ang dahilan ng trapik. Hindi ko inaasahang makikita ang isang lalaking nakahiga sa daan. Bumigat ang aking damdamin habang tinitingnan ang bawat tao sa labas na mukhang mga nagulat sa insidente.

Isang pasyente ang lalaking ito kung titignan ang surgical dress nito. Nakakalungkot at nakakapagtaka ang nangyari sa biktima. Pinagmasdan ko lamang ang mga paramedics na dalhin muli ito sa loob ng ospital.

Sa aking pagkurap at muling pagdilat, nagulat ako nang biglang dumilim ang loob ng kuwarto. Nakarinig din ako ng pagpindot sa lightswitch. Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran at nagulat nang makita ko si ate Freya na nakatayo sa harap ng pader.

"Ahh, magandang hapon"

Pagbati ko sa kaniya. Hindi siya lumingon sa akin bakus ay tumawa nang malakas habang pinaglalaruan ang lightswitch. Kasabay ng pagpatay-sindi ng ilaw ay nagsisitayuan ang aking mga balahibo dahil sa tawa niya. Hinding-hindi siya ito.

"Bakit napakatagal mo? Ilang dekada na akong naghihintay!"

Sa kaniyang napakalamig na boses ay lumingon siya sa akin habang sinasabunutan ang sariling buhok. Dekada? Anong dekada? Ako? Napakatagal ko?

"A-anong pinagsasabi mo? Anong dekada? Umayos ka nga!"

Halata sa aking boses na mahina ang aking loob habang kinakaharap ang kung sino o ano man ito. Bigla siyang naglakad papalapit sa akin. Tumatalon nang mabilis ang aking dibdib habang pinagmamasdan si ate Freya na nakangisi sa akin. Hindi ko alam ang aking gagawin at nanatiling nakatayo sa takot.

Agad niya akong nilapitan at tumawa muli nang malakas.

"Sino ka?! Anong kailangan mo?! Anong ginawa mo kay ate Freya?! Kilala mo ako?"

Paulit-ulit kong tanong sa harap niya. Ngunit bigla akong hinawakan nang mahigpit sa aking leeg. Ramdam ko ang malamig na palad niya habang sumisikip ang aking paghinga.

"Ahk! Ha!"

Pilit kong nilalabanan ang kaniyang puwersa sa aking leeg. Unti-unti akong pumipikit hanggang sa nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng kuwarto.

The Lady And The Mystery In MastoniazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon