Prologue

50 2 1
                                    

Binalot ng malakas na hiyawan ng mga fans ang arena. Ang daming supporters ng magkalaban na school. Dinig ko ang sigaw ng mga fans niya mula sa kabilang dako ng court. All her fans screamed all out.

"Go baby Donny!!!!" sigaw ng babae sa tabi ko na di na magkanda ugaga sa pagsigaw at pagtalon pag si Donny na ang may hawak ng bola. "Go baby donny i shoot mo yan!!!" sigaw pa ng ibang fans.

Napangiti nalang ako ng maalala ko kung paano ko rin siya suportahan last season at parang katulad lang din ako ng mga fans niya ngayon.

Ilang segundo nalang ang natitira sa oras at lamang ng dalwang puntos ang kabilang team, nang si Donny na ang may hawak ng bola lalo ng lumalakas ang sigawan sa arena.

"Pangilinan for threeee" sigaw ng announcer. "Yeahhhh" sigaw ng coach at teammates niya. They won the game with 1pt lead. Sobrang lakas na ng sigawan ng mga tao sa loob ng arena ng manalo ang UP.

Tuwang tuwa ang lahat dahil si Donny ang nakashoot nung panghuli dahil si Donny talaga ang star player ng team.

Napabuntong hininga nalang ako maalala lahat nung panahong super fan nila ako.

Palabas na sana ako ng arena ng bigla akong tawagin ng pamilyar na boses na mahigit isang taon kong hinintay na marinig muli, "Shar" his voice was so soft at parang nanlambot ako ng tawagin niya ang pangalan.

Nilingon ko siya at ngumiti ako "Donny" sabi ko. "Shar, I'm really sorry" he said while his tears was about to fall.

Ang tagal kong hinintay na mag sorry ka at ang paliwanag mo. "Anukaba wala na yon, matagal na yun kalimutan mo nalang." Sabi ko at saka tinalikuran siya at lumabas na ko ng arena. Naririnig ko siyang sinisigaw ang pangalan ko pero di na ko lumingon at nagsimula ng tumulo ang mga traydor kong luha.

Akala ko ba okay na ko? Bakit ganito? 😭

Just Your FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon