II

46 2 0
                                    

Nang makarating kami, naririnig ko na agad ang malakas na tugtog mula sa loob ng bar. Tama nga si Miles, iniintay na kami  ni Iñigo. Sinundo niya kami sa labas.

"Hi Iñigo". Bati ni Miles sa kanya. "Ay siya nga pala si Shar best friend ko, Shar si Iñigo" sabi ni Miles. "Hi Shar nice to meet you" he said and nakipagkamay sakin. "Hello, nice to meet you rin." sabi ko naman habang nakangiti. "So ano tara na sa loob?" aya ni Iñigo.

All of them are having fun enjoying the party. Some of the faces are familiar to me but there's one guy caught my attention. I don't know I can't help but stare at him. Napaiwas ako ng titig sa lalaki dahil sa pagtapik sakin ni Miles, "Uy Shar, sinong tinitignan mo jan?" sabi ni Miles. "Ah eh wala may namukhaan lang ako pero nevermind kain nalang tayo tara na" napasabi ko nalang.

Di ko maiwasang isipin yung mukha niya, ngayon lang ako nagwapohan ng ganto sa isang lalaki. Lmao, mamaya ko na nga iisipin yung lalaking yun kakain muna ako gutom na ko talaga grrr

Habang kumakain kami ni Miles, diko na mapigilan tanungin sa kanya yung boy na nakita ko kanina, "Uy Miles, do you know who's that guy? He really looks so good huh" i asked her. "Ay yan ba yung kanina mo pa tinitignan? Si Donny yon, star player ng varsity team." miles said. So siya pala yun, kaya pala familiar siya sa pandinig ko.

Pagkatapos namin kumain, inaya kami ni Iñigo uminom ng alak. Di na ko tumanggi kase pipilitin at pipilitin nila akong uminom. Pinakilala kami ni Iñigo sa iba niyang ka teammates at isa na dun si Donny. "Uh Shar, eto nga pala mga teammates/tropa ko, si Donny, Edward and Ricci. Guys si Shar, best friend ni Miles." Iñigo said. "Uhm hi guys 😊" mejo nahihiya kong sabi at nakipag kamay sa kanila. Nung si Donny yung kakamayan ko napatitig ako sa kanya at napatagal ang hawak ko sa kanya. "Uh sorry." hiyang hiya  kong sabi, pls lamunin sana akong lupa now na.

Tawang tawa saken si Miles, "Ay tawang tawa ka sis?" pagmamaldita ko sa kanya. "Puta ka, grabe yung hawak mo sa kamay ni Donny. HAHAHAHAHAHA" tuwang tuwa niyang sabi.

Myghad, sobrang hiyang hiya ako sa ginawa ko. Nakaupo nalang ako sa isang tabi habang iniinom ang alak na hawak ko at si Miles naman ay nakikisama na sa iba niyang kakilala. Naramdaman kong may biglang tumabi saken, paglingon ko si Donny pala. Hindi ko alam sasabihin kaya nanatili akong tahimik at iniinom ang alak ko. Hihintayin ko nalang na magsalita siya.

Pagkaraan ng ilang minuto biglang nagsalita si Donny, "Umiinom ka pala ng alak?" sabi niya habang nakatitig sa akin at napalingon ako sa kanya. "Uhh oo pero bihira lang." Sabi ko naman. "Paano mo nga pala nakilala si Iñigo?" biglang tanong niya saken. "Dahil kay Miles, sobrang fan niya kase sa inyo lalo na kay Iñigo. Kayo lagi bukambibig niyan. Haha"

"So fan kana rin namin? Haha" he chuckled. "Duh hindi noh." pag irap ko sa kanya. "Nuod kayo ng practice namin sa epsilon every 4pm, malay mo bigla ka namin maging fan." he said then winked at me. "Sige, I'll tell Miles about that siguradong matutuwa yun." I said then smirked. "Magiging fan rin kita tandaan mo yan, malay mo di lang fan baka maging jowa mo rin ako." He said then winked again and umalis na siya sa tabi ko. I really don't know what to do right now. Myghad Donny ginugulo mo isipan ko.

Nang matapos ako uminom, inaya ko ng umuwi si Miles dahil mejo lasing na siya. Ako naman hindi nalasing kase konti lang ininom ko at ako ang nagdadrive ng kotse. We went muna kay Iñigo para mag paalam. "Iñigs alis na kami mejo lasing narin tong si beshie ko eh. Salamar pala sa pag imbita samin. Congrats sa inyo!" sabi ko. "Salamat din Shar. Tara hatid ko kayo sa parking lot." pag offer naman ni Iñigo.

Nang makarating kami sa parking nagpaalam na ko kay Iñigo. "Thank you Iñigs, ingat kayo pauwi wag masyado maglasing." sabi ko sa kanya. "Yes boss shar, salamat! Takits nalang sa school!" sabi niya na may kasama pang pag saludo. Hahahaha mababait din naman pala tong mga bball player na to eh.

Just Your FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon