Para sa babaeng pinasaya ko

22 1 0
                                    

Nung nakilala ko sya wala ng namamagitan sa inyong dalawa. Lumipas ang araw,  nagkaproblema sya at nabanggit nya kailangan nyong ayusing dalawa.

Napaisip ako bakit kailangan kasama ka talaga. Hindi ba pwede na hindi ka na kabilang sa solusyon ng problema nya.

Napagusapan naming dalawa, hayaan na para maayos na. Nagbigay ako kahit alam kong ikakadurog ko rin pala.

Ang mga ngiti mong may pinagkukuhaan ng saya, samantalang ang mga mata ko'y puro luha ang dala.

Masaya ka ba na pinili ka nya. Kahit ako hirap na hirap makitang masaya ka.

Pinili ka nya hindi dahil sa mahal ka nya. Pinili ka para lang matahimik na ang isip nya.

Yung mga oras na dapat kapiling ko sya, pinaubaya ko na para lang ngumiti ka.

Sinabi ba nya na mahal ka pa nya? Naramdaman mo ba kung taos puso ang pagkakabigkas nya. Alam mo ba kung ano nararamdaman nya? Pangalan ko ang isinisigaw ng puso nya kase sa akin na sya sumaya.

Ikaw man ang kasama nya pero ako ang nasa isip nya. Inaalala sa mga sandaling dapat kaming dalawa ang masaya.

Sana wag mong sayangin ang panahon na kasama mo na sya. Yan yung mga oras na dapat bumubuo na kami ng mga masasayang alaala.

Pagingatan mo sya, baka sakali isang araw maisip nya na mahal ka na pala ulit nya.

-🍀tet

IkawWhere stories live. Discover now