Naalala ko bigla yung mga masasayang araw na kausap pa kita. Lahat ng bagay napagkakasunduan nating dalawa. May mga araw na hindi masaya pero ayos lang basta kasama kita.
Dumaan ang mga araw puro problema na ang dumating. Nasabi mo pa nga aayusin natin. Lahat yan puro pagsubok lang bigkas mo sakin. Sinabi mo mas lalong nasusubok ang relasyon natin. Bilin mo wag akong susuko panghawakan kung anong meron satin.
Naniwala ako bawat salitang sinabi mo kase akala ko totoong mahal mo ko. Akala ko totoong gusto mo ko. Akala ko totoo lahat ng meron tayo. Akala ko totoo lahat ng saya na nararamdaman mo. Akala ko magsasama tayo hanggang dulo. Pero nung magising ako, hindi pala totoo. Lahat ng meron tayo gawa gawa mo para lang paikutin ako. Para lang paglaruan ako.
Masaya ka ba sa ginawa mo? Na pinaglaruan mo ang puso ko. Masaya ka ba na nasaktan mo ko na halos mawala na ko sa sarili ko. Masaya ka ba o hindi ka pa kuntento. Kulang pa ba ang paglalaro mo sa damdamin kong hindi tumigil sa pagmamahal sayo. Ikaw ang pinili ko pero paulit ulit mo akong niloko. Ako naman nagpakatanga sayo naniwala pa rin sa mga sinabi mo.
Tama ba na gawin mo sakin to. Ako yung taong walang ginawa kung di mahalin ka ng totoo. Na ang kapalit lang pala ay ang pagwasak sa puso ko. Hindi ko alam paano ko sisimulan ang bukas na wala ng tayo. Hindi ko nga alam paano ibabangon ang sarili ko.
Sana isang araw paggising ko, limot ko na lahat ng ginawa mo. Sana ganun kadali kalimutan lahat ng meron tayo. Sana ganun kadali bitawan ang nararamdaman ko para sayo. Sana isang araw maramdaman ko rin na pinakawalan mo na ako.
-🍀tet