Prologue

775 10 0
                                    

"Diana, you're always busy sa trabaho. I think this is the perfect time na makabawi ka naman kay Dylan." Sabi sakin ni Kiara. She's my friend since highschool, and now she's my son's teacher.

"Kiara, di mo ba nakikita? Ang dami ko pang dapat tapusin oh. Next week na ang deadline nito. I don't have time for those silly talent camp na yan."

"Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala kay Gino. I'll ask him na bigyan ka muna ng short leave. Syempre, kailangan din ng pahinga ang vice president ng kompanya no."

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Kiara--"

"Diana please. Kahit ngayon lang. Do this for Dylan. Kung ano mang naging kasalanan ng ama niya sayo before, labas na siya dun. Kawawa naman ang anak mo. Wala siyang kasalanan pero parang--" I looked at Dylan peacefully sleeping at the couch in my office. Should I really give it a try?

"Sige na sige na. Basta ikaw na ang bahala kay Sir Gino ah."

"Really? OMG I knew it!. Thank you thank you!. You don't know how much this means to him."

At ayun nga, dumating na ang unang araw ng event. Unlike usual field trips na nakasakay lang sa bus, ngayon nakasakay kami sa barko kasama ang mahigit tatlong daang estudyante kasama din ang parents and teachers nila.

Sabi kasi we'll attend a talent camp sa Cebu City. One week na yun. We payed 20k pesos worth each para sa pamasahe and food for the whole trip. Hindi naman mandatory. Usually lahat ng sumama ay mga anak ng celebreties at politicians.

Ayon sa napagpulungan, pupunta kami sa isang camp site kasama ang libo libong students, teachers and parents. Doon ay tuturuan kami ng maraming activities at matutunan din ng mga kabataan na makipagsalamuha sa mga batang malaki ang pagkakaiba sa kanila. Which includes, culture and language or dialect.

It's 12 noon. Tirik na tirik ang araw. Kakain na pero hindi ko parin mahanap si Dylan. Kaya nagpatulong nako kay Kiara sa paghahanap. Grade 1 pa siya and is currently 6 years old.

Asan na ba kasi yung batang yun?.

Umakyat ako sa pinakataas na deck nang makarinig ako ng boses ng batang umiiyak. Akala ko si Dylan, yun pala ay isang batang babae pero sa wakas nakita ko narin si Dylan. Magkasama sila ng batang babae. Kasama din nila ang Mommy ng bata na pilit pinapakalma siya.

"Dylan--" tawag ko. At parang takot na takot si Dylan na makita ako.

Napatingin din sakin ang Mommy ng batang umiiyak.

"Excuse me, are you his Mom?." Parang pareklamong sabi sakin ng mommy.

"Yes, bakit? Ano bang nangyari dito?."

"Tinulak niya lang naman ang anak ko. Kita mo tong mga sugat niya? Kagagawan yan ng anak mo!." And now she's mad at me?

"Mommy, hindi po totoo yun. Hindi ko lang po talaga sinasadya. Hinahabol ko kasi si Clarke dahil kinuha niya--" bago paman makatapos sa pagsasalita ay pinalo ko na sya pero pinigilan ako nung isang mommy nang makita niyang naiiyak na si Dylan.

"Ano ba? Tama na yan Misis, nasasaktan na yung bata." Hila niya kay Dylan.

"Wag kang makialam. Dinidisiplina ko lang ang anak ko. Sige na Dylan, magsorry ka. Isa--"

"Sorry Annie. Hindi ko talaga sinasadya." Umiiyak naring pagpapatawad ni Dylan dahil sa sobrang takot sakin. Pagkatapos nun ay kumain narin kami na parehong walang imik.

How We Never Met (FRANKIANA)Where stories live. Discover now