Chapter 1

362 8 0
                                    

Franki's POV

After lunch, pumunta na kami ng anak kong si Stephanie or Annie sa cabin namin. Nagamot ko narin lahat niyang sugat. Nakatulog na siya kaya lumabas muna ako para mag cr nang makabangga ko ang Mommy ni Dylan na sobrang nakakatakot ang mukha. That woman who wears a formal  attire and glasses.

"Sorr--you." Gulat kong sabi.

"Hmm yeah? It's me." Sabi niya lang habang naglalakad paalis pero sinundan ko siya.

"Teka lang--"

"What do you need?." Sabi niya na parang walang pakialam.

"Is it really necessary na saktan mo ng ganun ang anak mo ha?." She stopped and stared at me.

"Nakagawa siya ng kasalanan, you said it yourself. Dapat lang yun sa kanya kasi kung hindi mo siya sasaktan, hindi siya matututo."

"Well, never ko ginawa yun sa anak ko pero look at her, she's a nice little girl."

"Haha really? Kaya pala lumaking sinungaling ang anak mo." She smirked.

"My daughter is not a liar."

"She is. You think I'd punish my child like that in front of another kid? I don't think so. You see Misis, kids like your daughter needs to witness how other kids are punished because of someone else's lies. Your daughter is not just a liar, wala din siyang konsensya. And you think you're a parenting expert? Pathetic."

"Hindi mo kilala ang anak ko."

"I don't know any of you. And guess what, who cares? Haha." She said walking out. Urrrrggggh that woman is getting in my nerves!

8pm. Sobrang lakas ng ulan, nakakatakot. Naghahapunan na kami at nagkakasiyahan dahil sa mga teachers and students na nagpeperform nang biglang naramdaman naming tumagilid ang sinasakyan naming barko. Natumba kaming lahat at namatay ang ibang ilaw.

Nag-iiyakan na ang mga bata habang pilit naman silang pinapakalma ng mga magulang nila. Niyakap ko lang ng mahigpit si Annie.

"Kumalma lang po tayong lahat, tumatawag na ngayon ang kapitan ng magrerescue satin. Sa kasamaang palad po ay may barkong nakabangga sa atin." Anunsyo ng isang teacher pero imbes na kumalma ang lahat ay mas lalo pa silang nag-ingay nang biglang nakita naming pumapasok na ang tubig sa loob. Dali dali kong dinala si Annie sa pinakamataas na deck kasama ang ibang mga pasahero. Kahit siksikan na kaming lahat at takot na takot.

Pagkarating namin sa pinakamataas,nakita ko si Teacher Kiara na hinihila rin palapit samin si Dylan pero umiiyak ito.

"Tita, hindi pwede. Si mommy--"

"Dylan, halika na. Wag nang matigas ang ulo!." Lumapit kami sa dalawa.

"Anong problema dito?." Tanong ko.

"Eto kasing si Dylan ang tigas ng ulo, babalikan daw si Diana sa first deck."

"Dylan, masyadong delikado."

"Pero walang magliligtas kay mommy. Tita Franki, help her please."

"Okay okay, calm down. Asan ba ang Mommy mo?."

"Nasa room po namin. She took sleeping pills po kaya malamang tulog parin po siya hanggang ngayon."

"Bukas lang ba ang pinto doon?."

"Opo because alam niyang lumabas po ako para kumain."

"Sige. Annie, babalikan ko ang Mommy ni Dylan okay? Sumama na kayo kay Teacher Kiara."

"Pero mommy--"

"Annie, makinig ka. Wag kang hihiwalay kay teacher ha? Babalik ako, I promise." I said finally kissing her forehead at nagmadaling bumaba para hanapin ang mommy ni Dylan. Oo nga pala, hindi ko parin alam ang pangalan niya. Hanggang bewang na ang tubig dito.

FLASHBACK

Nasa ball field kaming dalawa para magpicnic isang hapon.

"The best part of being a doctor is not choosing the person to save. Kahit na kriminal pa yan o kaaway mo. Yan ang lagi mong tatandaan Franki. Always choose to do the right thing." Sabi sakin ni Argel.

EOFB

Asan na ba kasi yung babaeng yun? Tsk! Pinapasakit niya na naman ang ulo ko.

Hanggang sa ito na nga, may isang pinto na nakabukas lang. Nagliwanag ang mukha ko nang makita siya. Pero tulog mantika ang gaga. Oo nga pala, sabi ni Dylan she took sleeping pills. Hay naku! Hayaan ko nalang kaya tong mamatay. Hindi, joke lang.

Sinubukan ko siyang gisingin pero ayaw parin. Kinuha ko nalang ang dalawang life jacket at sinuot ito saming dalawa. Hanggang kili kili na ang tubig kaya mas madali ko nalang siyang nakarga.

Patuloy parin ang mabilis na pagtaas ng tubig kaya nagmadali akong tumakbo paakyat. Wala nang tao sa second deck.

Sobrang bilis ng pagtaas ng tubig. Sinubukan kong gisingin ang mommy ni Dylan pero ayaw parin. Hindi ko siya magising. Nagulat ako nang biglang namatay lahat ng ilaw. Seriously? Wala na akong maaninag. Ang bigat bigat pa nitong niligtas ko. San kami lalabas nito? We're trapped.

Tanging nakikita ko lang ay ang bintana kung saan makikita ko ang full moon sa labas. At habang palapit kami sa bintana ay may biglang bumunggo sa bewang ko.

..

Kiara's POV

Kasama ko na ngayon ang mga bata at iba pang mga pasahero sa sasakyan ng rescue team. Pero di ko parin nakikita si Diana at Franki.

Umiiyak na ang dalawang bata. Paalis na ang sinasakyan naming barko at nakapasok na ang lahat pero hindi ko parin nakikita sina Diana.

"Teka lang po, andun pa ang dalawang parents sa loob nun--" sabi ko sa isang staff ng barko na assign sa pagpapasara ng entrance.

"Ma'am masyado pong delikado. Umabot napo ang tubig sa highest deck kaya kung nasa ilalim sila nun malamang nalunod napo sila sa mga oras nato. Sa sobrang lakas po ng ulan ngayon dahil sa paparating na bagyo, baka hindi na po tayo  makaalis lahat dito. Pero kung wala man sila dito, hanapin nyo nalang po bukas sa kabilang rescue ship." Sabi nito at ipinasara na ang entrance. Dahil dun ay mas lalong umiyak ang mga bata.

"Tita Kiara, hindi naman po totoo yun diba?. Makikita pa natin si Mommy diba?." Iyak ni Dylan.

"This is all your fault! If you didn't ask my mom to rescue your mommy, hindi sana mangyayari to!." Annie blamed Dylan.

"Kids, calm down. Hindi pa naman natin sure kung wala na talaga sila eh. May isa pang ship. Baka andun lang sila. Wag lang tayo mawawalan ng pag-asa. Alam nyo, mas mabuti pa let's just pray for their safety."

How We Never Met (FRANKIANA)Where stories live. Discover now