Franki's POV
"Miss na miss ko na ang anak ko. Kamusta na kaya siya? Sana naman nasa mabuti silang kalagayan."
"I'm sure hindi sila pinabayaan ni Kiara. Miss ko narin si Dylan. Your husband must be searching for you right now." Sabi sakin ni Diana.
"Impossible."
"Why?."
"I'm a widow. You?."
"I don't want to talk about it."
"Why?."
"Pwede ba tulungan mo nalang akong mag-isip kung pano tayo makakalabas dito?." She said rolling her eyes.
"If susunod tayo diba they'll set us free?."
"At talagang naniniwala ka dun? Franki--Frances whatever your name is, pwede nila tayong patayin anytime they want--"
"Kung wala na tayong silbi sa kanila. What if hindi naman pala sila ganun kasama? They just want a show. Pagkatapos nun baka pakawalan na nila tayo."
"Why do you sound like you liked it? Franki, they'll force us to have sex as long and as many as they want. We're not puppets on strings. We have feelings. I don't think kakayanin ko pang gawin ulit yun. May mga anak tayo. Isipin mo nalang pag nalaman nila ang mga pinaggagagawa natin."
"You think gusto ko tong nangyayari ngayon? Ha? Diana, I hate being in this situation!. Pero may iba ba kong choice? Wala. We're stuck in this stupid room where the only way to survive is to follow some stranger's ridiculous commands!. Ayoko pang mamatay! So if having sex with you is the only option, I will take it! Who cares about morals when you're striving to survive?!. Who cares about--" napatigil ako when she suddenly kissed me on the lips. Natulala nalang ako. What just happened? Did she seriously just--
"You talk too much." She said at humiga sa bed.
"Did you just--"
"Oh please don't let me do that again. Magpahinga na tayo, hindi natin alam kung ano pang iuutos satin ni Lady Boss mamaya." Sabi niya at nagtalukbong na ng kumot. Humiga narin ako sa tabi niya.
Franki again. Wala lang yun. Pero is that an indication na pumapayag na siya?
..
Kiara's POV
Busy ang mga bata sa activities. Tumawag si Sky,
Oh Sky? Kamusta?
Hindi parin namin sila natatagpuan. Duda nga ng mga police na posibleng patay na sila o isa sila bagong biktima ng Dark Blood.
Ano?!
May resemblance kasi sa dalawa ang kumakalat ngayon na sex vid sa pornsite na minamanage ng Dark Blood.
Sana naman hindi yun sila.
I saw the video. Hindi ako pwedeng magkamali, andun yung katulad sa tattoo ni Diana. Naguguluhan nako. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.
Hindi naman siguro yun magagawa ng dalawa. Lalo na't may mga anak sila.
Let's just hope na hindi sila yun.
FF
Kumakain na kami ng tanghalian ng mga bata.
"Tita. Wala parin po ba sila mommy?." Malungkot na tanong ni Annie.
"Wala pa baby eh Sorry."
"Si Tito Sky po ba pupunta dito?." Tanong ni Dylan.
"Hindi ko rin alam Dylan eh. Tumutulong kasi siya ngayon sa paghahanap sa mga mommies nyo."
"Excuse me po Ma'am Kiara. May lalaki sa entrance, hinahanap kayo." Lapit sakin ng guard.
"Sige. Thank you. Dito lang kayo ah? Babalik ako."
Excited ako kasi baka si Gino pero nagulat nang,
"Anong ginagawa mo dito?!." Galit kong tanong sa walangyang si Dino.
"Kiara--maawa ka naman, gusto ko lang makita ang anak ko. Sige na, kahit saglit lang." Sabi nito. Mahaba na ang buhok at balbas niya. May dala pa siyang malaking bag.
"Matapos ng ginawa mo kay Diana? Ang kapal din naman talaga ng mukha mo. Anong karapatan mong tawaging anak si Dylan ha?! Alam mo nag-aaksaya ka lang ng oras sa pagpunta mo dito. Kaya umalis ka na--"
"Kiara naman, saglit lang. Dylan! Anak! Andito na si Daddy! Dylan!." Iyak niya.
"Guards! Guards! Tulong guards! Hulihin nyo na nga to!."
Lumapit kaagad ang guards para kaladlarin siya palayo.
"Ano ba?! Bitawan nyo ako!. Gusto ko lang makita ang anak ko!. Dylaaan!."
FLASHBACK
Nagrereview ako for my upcoming board exam sa bahay nang biglang dumating si Diana sa harap ng gate namin na puno ng pasa sa kamay, mukha at binti. Sobrang gulo pa ng buhok niya.
"Kiaraaa." Iyak niya at niyakap lang ako.
"Anong nangyari? Sinong may gawa nito sayo?."
..
Sa prisinto.
Once nakita ko ang pagmumukha ni Dino hindi ko napigilan ang sarili kong saktan siya. Walang kapatawaran ang ginawa niya kay Diana.
"Hayop ka! Demonyo ka! Mabulok ka sa impyerno!." Sigaw ko sa kanya habang pinagsasapak siya.
"Sorry, Diana--di ko sinasadya." Tingin nito kay Diana.
..
Nakakulong na si Dino.
Sa bahay ni Diana, nahuli ko siyang umiinom.
"Diana, ano ba?! Buntis ka! Wag mo namang ibuntong sa bata yung kasalanan ni Dino!."
"Wag na wag mong babanggitin ang pangalan ng hayop n yun!."
EOFB
Hindi ko maintindihan. Paanong nakalabas ng kulungan si Dino? Tumakas ba siya? Mukha namang hindi.
Ang alam ko, pag rape case imposible talagang makalusot dito sa Philippines. Pero bakit napalabas agad si Dino na sobrang bigat ng ginawa niya? Tsk!
..
Franki's POV
"Waaaag!." Nagising ako sa biglang pagsigaw ni Diana. Akala ko kung ano nang nangyari. Pinagpapawisan siya ng sobra.
"B-bakit? Nightmare?."
Tumango siya, bumangon at pumunta sa CR para maghilamos. Sinundan ko siya dahil nag-aalala ako sa kanya. I rubbed her shoulders nang makita kong umiiyak siya.
"Shhhh. Everything's gonna be okay. Tiwala lang. Ano bang nangyari?." Yakap ko sa kanya.
At doon nga sya nagsimulang ikwento lahat. Kaya pala ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa daddy ni Dylan kasi sa kababuyan na ginawa nito sa kanya.
We sat on the bed as she told me everything. Kung gaano niya kagustong makalabas dito.
"The night before ng pag alis natin nakita ko sa news na pinakawalan na si Dino at napatunayang hindi niya talaga kagustuhan ang nangyari. That he's just under the influence that night kaya niya nagawa yun. Pero wala akong pakialam. Intentional man o hindi binaboy niya parin ang pagkatao ko, ang pagkababae ko. He called me nung araw na nakasakay na tayo sa barko. He said kukunin niya si Dylan. That he'd do whatever it takes to have him. Ayokong mawala ang anak ko. All these years naiparamdam ko sa kanya ang poot na meron ako para sa hayop nyang ama. Yung program nalang sana na yun ang paraan ko para makabawi, tapos ito pa yung nangyari satin.."
YOU ARE READING
How We Never Met (FRANKIANA)
Fanfiction"Isn't it weird?. We were in the same multiple places most of our lives, but we never had a chance to see or meet each other." Sabi niya. "Anong ibig mong sabihin?." "I should have met you sooner Franki." "Unless you're thinking that today is too l...